Mula nang maihalal noong 2022, hinangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumbinsihin ang internasyunal na komunidad na bumuti na ang lagay ng karapatang pantao sa Pilipinas. Gayong lubos na kaiba ang maingat na retorika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lantarang posisyong kontra-karapatan ng kanyang sinundang si Rodrigo Duterte, nananatiling masama ang sitwasyong pangkarapatan sa Pilipinas. Nagpapatuloy ang "giyera kontra droga" na sinimulan ni Duterte, kahit na may imbestigasyon ng International Criminal Court. Nananatiling may banta sa mga politikal na aktibista, mamamahayag, environmentalist, katutubong lider, unyonistang manggagawa, at iba pang aktor ng lipunang sibil, karamihan sa pamamagitan ng red-tagging at paghahabla sa kanila ng mga huwad na kaso, at pagkalantad sa marahas na atake at pagdukot o sapilitang pagkawala. Nagpapatuloy ang tunggalian ng gobyerno at ng komunistang New People's Army.

Available in English>>

map of Philippines

News