Mga Pangunahing Rekomendasyon
Sa Gobyerno ng Pilipinas
- Patnugutan ang Philippine National Police na wakasan ang kanilang kampanya ng extrajudicial executions sa mga pinaghihinalaang tulak at gumagamit ng droga;
- Ang National Bureau of Investigation at Opisina ng Ombudsman ay dapat na imbestigahan nang walang kinikilingan ang mga pagpaslang at layunin na mausig ang lahat ng responsable;
- Dapat magsagawa ng malawakang pagdinig ang Kongreso sa isyu at gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga pagpatay.
Sa International Donors
- Itigil ang pagtulong sa Philippine National Police hanggang sa matigil ang mga pagpatay at may maganap na makabuluhang imbestigasyon at pag-aralan na ilipat ang pagtulong sa community-based harm reduction programs na mas angkop at epektibo.
Sa United Nations Human Rights Council
- Agad na gumawa ng isang malayang international investigation sa mga pagpatay para matukoy ang may kagagawan at masiguro ang mekanismo ng pagpapanagot.
I. Metodolohiya
Simula Oktubre 2016 hanggang Enero 2017, nakapag-imbestiga ang Human Rights Watch ng 24 insidente ng pagpatay sa pinaghihinalaang tulak at gumagamit ng droga, kasangkot ang 32 biktima, na naganap sa Kalakhang Maynila, ang National Capital Region ng Pilipinas, at mga kalapit na probinsiya simula nang maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30, 2016. Ang mga ito ay maliit na porsiyento lang ng mahigit na 7,080 ng gayong pagpatay sa pinakahuling estadistika mula sa Philippine National Police na tinukoy nilang naganap mula Hulyo 1,2016 hanggang Enero 31, 2017.[3]
Dahil tuloy-tuloy ang nangyayaring pagpatay noong ginagawa ang saliksik, gumawa ang Human Rights Watch ng ekstensibong pag-iingat para siguruhin ang seguridad ng mga saksi at kanilang kamag-anak. Ang mahihirap na barangay kung saan naganap ang karamihan sa pagpatay ay may mataas na presensiya ng impormante ng pilis na maaasahang magpasa ng impormasyon tungkol sa imbestigasyon sa karapatang pantao sa diumano’y pang-aabuso ng pulisya. Kaya imbes na sa lugar nila ininterbiyu ang mga tao, nakipag-usap ang Human Rights Watch sa mga lugar kung saan sila ay puwedeng makapanayam nang ligtas at pribado. Isinagawa ang mga interbiyu sa Tagalog, ang pangunahing lengguwahe sa Maynila, sa tulong ng interpreter.
Para sa seguridad, ang pangalan ng mga saksi at kamag-anak na ininterbiyu ng Human Rights Watch ay hindi kasama sa ulat na ito, at ang iba pang impormasyon na maaaring makapagpakilala sa kanila ay hindi rin inilabas. Hindi nagbigay ng insentibo ang Human Rights Watch sa mga ininterbyu, pero nagbigay kami ng pamasahe at pantawag para sa interbiyu, at nagpakain sa oras ng pagkain.
Sa halos lahat ng kaso, nakakuha ang Human Rights Watch ng pangunang bersiyon ng pulis sa mga pangyayari, na nasa police records bilang “spot” o “incident” reports. Ang mga impormasyon sa report na ito ay kabilang din sa aming ulat, at inihambing sa impormasyon na aming nakolekta sa mga saksi at kamag-anak.
Inilarawan bilang “hindi alinsunod sa code of conduct para sa special rapporteurs,” kasama ang pag-require sa kaniya na dumalo sa isang “pampublikong debate” kasama si Duterte. Ipinaliwanag ni Callamard na ang kondisyon na ito ay maaaring makapagkompromiso sa pagka-kumpidensiyal ng testimonya ng mga biktima.[59]
Noong Setyembre, pagkatapos tuligsain ni UN Secretary-General Ban Ki-moon ang mga napaslang sa giyera kontra droga, sabi ni Duterte: “Kahit si Ban Ki-moon nakisawsaw na. Naglahad na siya ng statement noon, ilang linggo na ang nakalipas, tungkol sa human rights violation. Sabi ko, isa ka pang gago.”[60] Dagdag pa niya: “Ipagpapatuloy ko ang kampanya laban sa mga kriminal. Wala akong awa sa kanila. Wala akong pakialam. Ako ang presidente ng Pilipinas, hindi ng republika ng international community.”[61] Noong buwan ding iyon, sinabihan niya ang Estados Unidos na “tigilan ang pagiging ipokrito” matapos na magpahayag ng pagkabahala ang mambabatas ng US tungkol sa mga pamamaslang. “Magaling lang sila mamuna,” sabi niya.[62]
Noong Oktubre, nag-isyu ng isang pahayag si Fatou Bensouda, ang chief prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa Hague, na ang korte ay nagmamanman sa sitwasyon sa Pilipinas at “kahit sinong tao sa Pilipinas na nag-uudyok o nang-eengganyo sa mga akto ng mass violence kasama rito ang pag-utos, paghiling, paghikayat o pag-ambag, sa kahit anong paraan, para sa paggawa ng krimen na napapaloob sa jurisdiction ng ICC, ay maaaring mausig sa korte.”[63] Sagot na mungkahi naman ni Duterte na ang Pilipinas ay aalis na lang sa ICC. “Walang kuwenta ang International Criminal Court. Sila nga [Russia] umalis sa pagkamiyembro. Baka sumunod ako,” sabi niya. “Kung gagawa ng bagong kaayusan ang China at Russia, ako ang unang sasama.”
Nag-anunsiyo ang Philippine National Police ng pansamantalang pagtigil ng mga operasyon kontra droga noong Enero 30 pagkatapos ng mga rebelasyon nang nakaraang linggo sa diumano’y brutal na pagpatay ng isang South Korean na businessman ng anti-drug police.[64] Kinabukasan, inutusan ni Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na punan ang puwang dahil sa pagkasuspinde ng operasyon ng pulisya sa pamamagitan ng pagganap ng pangunahing papel sa kampanya kontra-droga.[65] Kinumpirma ni National Security Adviser na si Hermogenes Esperon na inaprobahan na ng gobyerno ang pag-aatas sa yunit militar na “mang-aaresto ng drug personalities” sa pakikipagtulungan sa opisyal na ahensiyang kontra-narkotiko.[66] Ang paggamit ng tauhang militar sa pagpupulis sa sibilyan sa kahit saan ay nagtataas ng panganib na di-kinakailangan o labis na puwersa at di-angkop na taktika ng militar.[67] Pero mayroon ding malalim na kultura ng impunidad ng abusong militar sa Pilipinas. Ang datos mula sa Department of National Defense ay nagpakitang iisang sundalo pa lang ang nahahatulan ng extrajudicial na pagpatay simula 2001.[68] Ang pagdadagdag ng yunit ng AFP sa operasyong kontra-droga—kasama ang panata ni Duterte na ipagpatuloy ang kaniyang kampanyang “kontra-droga” hanggang sa matapos ang termino niya sa 2022 ay nagpapahiwatig na ang mga pagpaslang sa mga pinaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng droga ay malamang na magpatuloy lamang.[69]
II. Responsibilidad ng Pulisya sa Extrajudicial Killings at “Vigilante Killings”
Hindi bagong penomena ang pamamaslang ng pulisya sa mga suspek ng droga, pero talagang dumami ito sa administrasyon ni Rodrigo Duterte. Sa pagitan ng Enero 1, 2016 at Hunyo 15, 2016, nakapatay ng 68 suspek sa mga operasyong “kontra-droga.”[70] Gayunman, habang inililimbag itong ulat, ipinapakita ng datos ng Philippine National Police na mula Hulyo 1, 2016 ang pulisya ay nakapatay na ng 2,555 na “pinagsusupetsahang drug personalities,” habang kinaklasipika ng pulisya ang 3,603 na pagpatay sa parehong panahon bilang “mga pagpatay na iniimbestigahan.”[71] Kinakategorisa ng pulisya ang karagdagang 992 pagpatay bilang “mga kaso na tapos nang imbestigahan,” ngunit hindi naman sila nagbigay ng detalye ng resulta ng mga imbestigasyong iyon.[72]
Kasunod ng inagurasyon ni Pangulong Duterte, ang Philippine National Police ay naglunsad ng pambansang operasyon kontra-droga na pinangalanang “PNP Oplan—Operation Double Barrel Project Tokhang.”[73] Pinapatakbo sa nasyonal, rehiyonal, at lokal na lebel, ang “Operation Double Barrel Project Tokhang” ay naglalayong gumawa ng “watch lists” ng mga kilalang tulak at gumagamit ng droga, na bibisitahin ng lokal na pulisya at/o awtoridad ng munisipyo at hihikayatin sila na “sumuko.” Ibig sabihin sa terminong “double barrel” ay operasyon ng pulisya na tumatarget sa parehong “nagtutulak at gumagamit ng droga.”[74] Ang salin ng tok-hang ay “kumatok at magmakaawa,” na tumutukoy sa pagbisita ng pulisya o ng lokal na awtoridad para hikayatin ang mga indibidwal na sumuko.[75] Subalit, ang “Operation Double Barrel Project Tokhang” ay may mas biyolenteng elemento, ayon sa nakadokumento sa ulat na ito: ang extrajudicial killings ng drug suspects sa pinekeng engkuwentro ng “buy-bust” sa pulisya, at mga sinasabing vigilante killings ng mga “di-kilalang” armadong kalalakihan.
Ang sumusunod na 24 insidenteng humantong sa ng 32 napaslang ay hindi siyentipikong sampol ng gayong mga pamamaslang. Gayunman, may pagkakapareho ang mga ito sa karamihan ng kasong naiulat sa media. Kadalasang nangyayari ang mga pagpaslang sa mga lugar ng maralitang taga-lungsod, marami ang sa National Capital Region ng Maynila pero mayroon din sa ibang siyudad. Ang mga napaslang ay kadalasang nagsisikap maghanapbuhay para sa sarili at pamilya—hindi regular ang trabaho nila, kung mayroon nga silang trabaho. Sa karamihan ng kaso, inaamin naman ng pamilya na nagdodroga ang kaanak nila—madalas shabu, isang methamphetamine—o kaya ay kasalukuyan o dating nagtutulak. Ngunit wala sa mga kasong naimbestigahan ang pumapasok sa kategorya ng mga bigating drug lords—sila ang mga nasa ilalim ng drug chain.
Ilang araw bago ang pamamaslang, maaaring bisitahinang isang indibidwal ng isang opisyal ng barangay (o kapitbahayan), na magsasabing nasa drug “watch list” sila na tinipon ng mga opisyal ng barangay at pulisya, na naglalagay sa kanila sa panganib. Maaaring manahimik muna ang indibidwal, umiwas na lumabas ng bahay o kaya sumuko sa pulisya—lahat ng ito ay hindi makakatulong. O maaari ring wala na lang pasabi.
Sa kuwento sa Human Rights Watch ng kaanak, kapitbahay, at iba pang saksi, kadalasang nasa grupo ng dalawa, apat, o isang dosena ang mga nang-aatake. Magsusuot sila ng pang-sibilyan, kadalasang nakaitim, , kubli ang mukha nila ng baclava-style na headgear o iba pang maskara, at baseball cap o helmet. Armado sila. Madalas na nakamotorsiklo nang dalawahan. Madalas may van, laging puti, at minsan may nakasulat na sasakyan ito ng pulis. Madalas na mangangalabog ng pinto at bigla na lang papasok sa kuwarto, ngunit hindi sila magpapakilala o magpapakita man lang ng warrant. Kadalasan sasabihin ng kamag-anak na may maririnig silang bugbugan o pagmamakaawa ng mahal nila sa buhay. Maaaring maganap ang pamamaril agad-agad, sa likod ng saradong pinto o sa kalye, o kukunin ng mga armado ang suspek, lilipas ang ilang minuto bago may aalingawngaw na putok at makikita ng mga residente ang katawan, na kadalasang nakagapos ang mga kamay o nakabalot ng plastik ang ulo.
Kadalasang sinasabi ng mga lokal na residente na makakakita sila ng mga unipormadong pulis na, binabantayan ang lugar—pero kahit hindi sila nakikita bago ang pamamaril, dadating ang special crime scene investigators (o SOCO) sa loob lang ng ilang minuto. Isang hindi pa nakikita na .38 kalibreng baril at isang pakete ng shabu ang halos laging matatagpuan katabi ng katawan. At sa halip na tatakbuhan ang pulisya, makikipag-usap pa ang mga armado sa kanila. Walang alam ang Human Rights Watch na inarestong konektado sa kahit anong pamamaslang na aming naidokumento.
Sinuri ng Human Rights Watch ang mga ulat ng pulisya sa halos lahat ng kasong inimbestigahan namin. Magkaiba ang ulat sa mga kuwento ng kaanak, pero magkakatulad rin ang mga ito. Laging inilalarawan ang suspek na tulak na sumubok magbenta sa isang undercover na opisyal na nagsasagawa ng isang “buy-bust” operation. Kadalasan kasabwat ang isang espesyalisadong lokal na yunit kontra-droga na kung tawagin ay Station Anti-Illegal Drug Special Operations Task Units (SAID-SOTU). Ayon sa mga ulat, ang mga suspek, pagkatapos maaresto at minsan maposasan, ay maglalabas diumano ng armas at manlalaban.. Sa bawat kaso, gayunpaman, napapatay ang suspek at walang opisyal na umaaresto ang nasasaktan, bukod sa iisang kaso na ang opisyal diumano’y nabaril sa binti. Sa karamihan ng kaso, may “natagpuan” na shabu sa o malapit sa bangkay ng biktima.
Habang ibinubukod ng Philippine National Police sa publiko ang mga suspek na napatay dahil nanlaban at mga napatay ng “di-kilalang armado” o “vigilante,” walang pagkakaibang natukoy ang Human Rights Watch sa mga kasong inimbestigahan. Sa ilang kasong inimbestigahan namin, binalewala ng pulisya ang alegasyon na sila ay sangkot at sa halip inuri ang mga ganitong pagpatay bilang “found bodies” (“mga natagpuang bangkay”) o “deaths under investigation” (“pagkamatay na iniimbestigahan”) samantalang iilang oras lang ang nakalipas ay nasa kustodiya pa ng pulis ang mga suspek. Ang mga ganitong kaso ay tumatawag-pansin sa paggigiit ng gobyerno na ang mayorya ng pagpatay ay ginawa ng mga vigilante na “pagod na sa kasalukuyang justice system” o karibal nagang sa droga.[76]
Ang mga di-kilalang nang-aatake man na aktuwal na pumapatay ay opisyal ng pulisya o ahente ng pulis, makikita sa parehong modus operandi sa mga ganitong operasyon ang pagpaplano at koordinasyon ng pulisya, at sa ibang kaso, ilang lokal na sibilyang opisyal. Hindi ito mga pagpatay na gawa ng mga indibidwal na opisyal o mga vigilante na umaakto na hiwalay sa awtoridad. Ang mga kaso na naimbestigahan sa report na ito ay nagpapahiwatig na ang paglahok ng pulisya sa mga pagpatay ng mga suspek sa droga ay mas malawak pa sa opisyal na inaaming mga kaso ng pagpatay ng pulisya sa mga oprasyong “buy-bust”. Bukod pa rito, ang kapalpakan ng gobyerno na arestuhin—o usigin man lang—ang kahit isang opisyal man lang ng pulisya para sa papel nila sa alinman sa mga pagpatay sa “giyera kontra droga” na hinihimok at iniinstiga ni Duterte ay nagbibigay ng mensahe na ang mga kasangkot ay hindi kailangang matakot na mananagot sila, at ang mga pagpatay sa hinaharap ay pwedeng gawin nang walang parusa o pananagutan.
Aaron Joseph Paular, Agosto 3
Zamora Interlink, Santa Mesa, Maynila
Hindi regular ang trabaho bilang pintor ni Aaron Joseph Paular, 24, ama ng isang 3-taong gulang na batang babae. Sabi ng mga kaanak niya na paminsan-minsan siyang gumagamit ng shabu, pero hindi naman nakalista sa watch list bilang kilalang gumagamit o tulak ng droga. Wala siyang babala mula sa mga lokal na opisyal tungkol sa paggamit niya ng droga.[128]
Noong Agosto 3, maghahatinggabi, papunta si Paular sa bahay ng girlfriend niya para sunduin ang anak nang makaengkuwentro niya ang isang grupo ng mga 20 armadong kalalakihan na nakasibilyan.[129] Sinabi ng mga saksi sa engkuwentro sa mga kaanak ni Paular na ang mga armadong lalake, hayag na pulis sa police report, ay nagtanong kay Paular kung siya si “Ron-Ron,” at ang sagot naman niya na Aaron ang pangalan niya.[130] Isa sa mga kalalakihan ang nagpaputok kay Paular, tinamaan siya sa balikat, kaya sinubukan ni Paular na tumakas at magtago. Sabi ng kaanak ni Paular na dumating sila sa pinangyarihan pagkatapos na pagkatapos ng naunang putukan pero buhay pa siya noon. Iginigiit nila na di-armado si Paular at sinusubukan niyang magtago mula sa pulis. Nang makita siya ng mga pulis, pinaputukan siya nang isang beses at napatay.[131]
Ayon sa ulat ng pulisya, bumili ng shabu kay Paular ang isang opisyal na nagsagawa ng isang “buy-bust” operation.
Naramdaman ng suspek na dadakpin siya, habang napansin niya ang presensiya ng [isa pang opisyal ng pulisya] na nagsisilbing backup. Agad-agad, bumunot diumano si Paular ng baril at pinaputukan sa dibdib ang [opisyal] at saka tumakbo. Suwerteng nakasuot ng bullet proof vest [ang opisyal]. Sandaling habulan ang naganap at habang papasok si Paular sa isang barungbarong, sinubukan niya diumano na gawing hostage ang isang sanggol. Gayunpaman, bago pa niya iyon nagawa, naabutan siya ng pulis at nakipagbarilan [napatay siya].[132]
Sinasalungat ng mga kaanak itong bersiyon ng mga pangyayari at naniniwala sila na inilagay lang ng pulis ang baril, granada, at shabu na sinasabing nakita nila pagkatapos ng barilan.[133]
Angelo Lafuente, Benji, Renato Forio Jr., Agosto 18
Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas, Kalakhang Maynila
Nakulong na sa pagnanakaw si Angelo Lafuente, 23, pero pagkatapos niyang makalaya noong 2012 ay lumayo siya sa gulo at nagpatakbo ng isang maliit na negosyo na nagkukumpuni ng electronics sa kaniyang maralitang kapitbahayan sa Maynila. [134] Kamakailan lamang ay inaresto ang tatay niya dahil sa marijuana, at nakapag-ipon at nakahiram si Lafuente ng 15 libong piso (US$300) para makalaya ang ama, ayon sa kaniyang mga kaanak.[135]
Noong mga 4 n.h. ng Agosto 18, nag-aayos ng electronics si Lafuente sa bahay niya nang may taong biglang sumigaw ng “Kalaban!” mula sa labas, malinaw na hudyat ng raid ng pulisya.[136] Lumabas ng bahay ang dalawang kasama ni Lafuente, si Benji, 24, at si Renato Forio, Jr., 26, pero nakaengkwentro nila sa labas ang dalawang unipormadong pulis at apat na armadong nakamaskarang lalakeng nakasibilyan na humuli sa tatlong lalake. Sa presensiya ng mga kaanak, itinali ng pulis ang mga kamay ni Lafuente at ng dalawa niyang kaibigan sa likod nila, isinakay sa isang markadong puting van ng pulisya, at dinala sila.[137]
Sumugod ang mga kaanak sa Navotas police station, kung saan pinoproseso ang mga 30 dinakip na tao mula sa raid, pero hindi nila mahanap ang tatlong lalake. Mga 8 n.g., isang opisyal ng pulisya ang nagsabi sa pamilya na maghintay habang ineeksamen ang mga suspek kung positibo sila sa droga.[138]
Mga 4 n.u., nagpresenta ang opisyal ng pulisya sa mga kaanak ng mga litrato ng katawan ng tatlong lalake, sinabi ng pulisya na nakita nila sa dalawang magkaibang lugar sa kapitbahayan. Nakasaad sa police report ng insidente na namatay si Lafuente at Benji dahil sa tama ng bala sa ilalim ng C-3 Bridge sa kapitbahayan ng NBBS kung saan sila inaresto, nakatali ang mga kamay sa plastik na strap na ginamit sa kanila nang sila ay idinetine.[139] Sabi ng pulisya nakakita sila ng shabu sa bulsa nila. Ang 15 libong pisona nasa bulsa ni Lafuente para sa piyansa ng kaniyang ama ay nawawala. Ayon sa kaanak, gayundin ang ginawang pamamaslang kay Renato Forio Jr., nakatali pa rin ang mga kamay, sa ibang lugar sa kapitbahayan.
Sinasabi sa police report na “di-kilalang” armado ang naging responsable sa mga pagpatay at hindi kinilala ang ebidensiya na ang tatlong lalake ay kinuha mula sa kustodiya ng pulisya ilang oras bago natagpuan ang kanilang mga bangkay, at nakitang mga nakaposas pa. Bukod pa rito, isang saksi ang nagsabi sa mga kaanak ni Lafuente na may nakita siyang mga nakasibilyang lalakeng nakamaskara na bumubugbog kay Lafuente sa ilalim ng tulay noong gabi ng pagkamatay niya.[140]
Noel Alberto, “Sarah,” Setyembre 10
Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas, Kalakhang Maynila
Nakatira sa lola at namamasada ng pedicab si Noel Alberto, 23, may tatlong anak. Ayon sa kaanak na nakapanayam ng Human Rights Watch, hindi siya gumagamit o nagtutulak ng droga.[141]
Noong Setyembre 9, dumalo si Alberto sa isang binyag, na ginanap sa bahay ng isang babaeng tulak na kilala bilang “Sarah.” Mga 6 n.g., sampung kalalakihan na nakasibilyan at nakasuot ng maskara ang dumating sakay ng limang motorsiklo. Siyam katao ang inaresto nila sa handaan, kasama sina Alberto at Sarah. Siyam na detenido ang isinakaysa isang puting van.[142]
Iniulat ng pulisya na ang katawan nina Alberto at Sarah ay itinapon malapit sa Pampublikong Sementeryo ng Navotas ng 2:30 n.u. noong Setyembre 10 ng ilang tanod sa lugar. Parehong nakabalot ng packing tape ang ulo ng katawan, isang praktis na naiuugnay sa mga pagpatay ng mga “vigilante” sa mga tulak ng droga sa Pilipinas, at kapwa sila binaril. Nakalagay sa police report na nakakita ang police investigators ng SOCO ng heat-sealed na pakete ng shabu sa bulsa ng dalawang napatay.[143]
Ipinapahiwatig sa rekord ng pulisya—tumutukoy sa insidente bilang “Mga Natagpuang Bangkay”—na hindi napatay sina Alberto at Sarah dahil sa engkuwentro sa pulisya, pero sa isang pamamaslang ng isang “vigilante.” Gayunman, ang kalikasan ng insidente, kung saan 10 armadong nakamaskara ang dumakip sa mga suspek sakay ng isang van, ay sumasalamin sa di-mabilang na operasyon ng undercover police. Nagpapahiwatig na pulisya at hindi mga “vigilante” ang responsable sa mga pamamaslang.
Bonifacio Antonio, Mario Rosit, Setyembre 13
Barangay Rosario, Pasig, Maynila
Si Bonifacio Antonio, 56, ay isang drayber. Nagtrabaho ang asawa niya sa isang kompanyang parmasyutikal, nagbigay sa pamilya nila ng isang gitnang-uring klase ng pamumuhay at nakakayanang pag-aralin sa kolehiyo ang kanilang mga anak na babae at lalake. Pagkatapos ng 30 taong kasal, kareretiro lang ng asawa at nagbabalak ang mag-asawa ng oras na magkasama. Ang sabi ng mga kaanak ilang taon na rin ang lumipas ng paminsan-minsang gumamit ng droga si Antonio bago siya pinatay, pero hindi kamakailan.[144]
Noong Setyembre 13, nagpapalipas si Antonio ng hapon sa bahay ng magulang niya sa Rosario sa Pasig City, kasama ang mga kaibigang sina Mario Rosit, 51, isang electrician, at isa pang lalake na tubero para pag-usapan ang mga ikukumpuni sa bahay ng magulang. Noong gabi, nakaupo ang tatlo sa kalye at nag-iinuman ng beer.[145]
Bago maghatinggabi, isang grupo ng anim na lalakeng nakaitim na damit sibilyan, nakamaskara, at armado ang dumating sa dulo ng eskinita sakay ng tatlong motorsiklo. Apat sa armadong kalalakihan ang lumapit sa tatlong magkakaibigan na nasa kalye.[146]
Tinanong ng isang armadong lalake si Antonio, “Ikaw ba si Buni?” Sagot ni Bonifacio Antonio, na ang palayaw ay Bonnie, “Oo, ako si Bonnie.” Kaagad na binaril sa ulo ng isa sa mga armadong kalalakihan si Antonio, agad namatay. Nang si Rosit at isa pang lalake ang nagtaas ng kamay, binaril ng isa sa kanila si Rosit sa dibdib, namatay siya.[147] Isinigaw ng tubero sa mga armadong lalake na hindi si Antonio ang Buni na hinahanap nila, at nakaligtas. Agad na umalis ang mga armado sa pinangyarihan.[148]
Ayon sa kaanak ni Antonio, dumating ang imbestigador ng SOCO police habang ang mga armado, mga lalakeng nakamaskarang nakaitim na nagsagawa ng pamamaslang, ay nasa loob pa ng kapitbahayan, ito ang nag-udyok na paniwalaan nila na undercover na operatiba ng pulisya ang mga mamatay-tao. Naniniwala ang kaanak ni Antonio na biktima siya ng maling pagkakakilanlan (mistaken identity), at ang totoong target ng pamamaslang ay isang kilalang tulak na nagngangalang “Buni.”[149]
Rogie Sebastian, Setyembre 19
San Miguel, Binondo, Maynila
Namamasada ng pedicab at namihasa nang gumagamit ng droga si Rogie Sebastian, 32.[150] Siya, ang kaniyang asawa, at ang kanilang dalawang anak ay naninirahan sa isang bahay na pagmamay-ari ng isang drug dealer sa Binondo. Minsan ginagamit ng tulak si Sebastian para kumuha at maghatid ng droga gamit ang kaniyang pedicab, ayon sa kaanak na nainterbiyu ng Human Rights Watch. Gayunpaman, sabi ng kaanak na pagkatapos mahalal ni Duterte, tumigil si Sebastian sa paggamit at paghahatid ng droga, sa takot na mapatay.
Noong Setyembre 6, dumating sa bahay nila ang isang tanod at sinabihan si Sebastian na magpakita sa barangay chairman. Pinuntahan ni Sebastian at ng asawa niya ang lalake nang araw din na iyon, at sinabihan niya si Sebastian na kailangan nitong sumuko sa pulisya bilang durugista.[151] Nag-alok itong samahan si Sebastian sa istasyon ng pulis. Ayon sa kaniyang kaanak, tumanggi si Sebastian na sumama at sumuko sa pulisya, dahil naipaliwanag na niya sa barangay chairman na tumigil na siya sa paggamit ng droga ilang buwan nang nakararaan, at kailangan niyang magtrabaho para suportahan ang pamilya niya.[152]
Sabi ng pamilya niya na laging sinusubaybayan ang bahay nila, at inabisuhan na meron silang arrest warrant para sa may-ari ng bahay, si Fernan, na kilalang tulak.[153] Gayunman, kahit na takot sa raid ng pulisya, hindi nakalipat ang pamilya dahil hindi nila kayang umupa sa ibang lugar.
Noong Setyembre 19, mga 1 n.h., dumating ang isang nakasibilyan na opisyal ng pulisya sa bahay ni Sebastian at tinanong ang asawa niya tungkol sa kinaroroonan ng may-ari, si Fernan. Tumanggi ang asawa na may alam siya kung nasaan si Fernan, at umalis ang pulis. Nang mag-3:30 n.h., tatlong armadong nakamaskara na may suot na bullet-proof vest at guwantes ang dumating sa bahay. Isa ang nagbantay sa pintuan, habang ang dalawa naman ang pumasok sa loob ng bahay, gumising sa mag-asawang nagsisiyesta, at pinosasan si Sebastian.
Sabi ng isang kaanak na nagpakita ng listahan ng mga drug suspek ang mga lalake at sinabing nakalista doon si Sebastian. Nakipagtalo ang pamilya sa kanila, sinabing si Fernan ang hinahanap nila, ang may-ari na tulak, at hindi si Sebastian, na ilang buwan nang hindi gumagamit ng droga. Ayon sa kaanak:
Pagpasok na pagpasok nila, nagising kami at itinaas ni Rogie ang kamay niya, at nagmakaawa. Pagkatapos pinosasan siya. Pagkatapos, binaril siya sa paa at bumagsak sa sahig sa kuwarto.[154]
Pinuwersa ng dalawang armado ang mga kaanak niya palabas ng kuwarto.[155] Nagmakaawa si Sebastian na payagan siyang yumakap at magpaalam sa mga kaanak niya, naniniwalang papatayin na siya, pero tinanggihan nila ang hiling niya. Ayon sa kaanak:
Narinig ko si Rogie sa labas ng kuwarto na nagmamakaawang huwag siyang patayin. Umiiyak kami at pinagbantaan na papatayin din kami ng isang may-baril. Sabi ko sa kaniya, sige lang, para magsasama-sama na kami sa Langit. Tapos may narinig akong tatlo pang putok. Tapos nawalan ako ng malay.[156]
Isang kapitbahay na nakasaksi sa insidente ang nagsabi sa Human Rights Watch na may nakita siyang tatlong armadong kalalakihan na labas-masok sa bahay ni Sebastian nang hindi pinipigilan gayong binabantayan ng mga unipormadong pulis ang palibot ng bahay:
Tatlong pulis ang nakita kong pumasok, at nakarinig ako ng mga putok. Meron ding mga unipormadong pulis sa labas, hindi sila pumasok sa loob ng bahay. Pero ang tatlong nakasibilyan na pumatay ay dumating at umalis sakay ng motorsiklo nang hindi hinahadlangan ng unipormadong pulis. Pagkatapos umalis ng mga nakasibilyan, dumating naman ang mga unipormadong opisyal sa bahay. Ang mga nakasibilyang pulis ang dumating sakay ng motorsiklo. Nakatayo yung mga unipormadong pulis sa pasukan ng eskinita, at nasa dulo ng eskinita ang bahay. Kaya idinaan lang ng mga nakasibilyan yung motorsiklo nila, lampas sa mga unipormadong pulis malapit sa pasukan ng eskinita.[157]
Inaamin sa police report ng insidente na pulis nga ang nagsagawa ng pamamaril, kinilala na hepe ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) Special Operations Task Force (SOTU), si Leandro Gutierrez, opisyal ng SAID SOTU si Juan Carlos Cadelario, Chief Intelligence Officer na si Edward Samonte, at komander ng Police Community Precinct (PCP) na si Fernando Reyes na responsable para sa “buy-bust” operation.[158]
Ipinagpalagay sa police spot report na ang pagkamatay ay resulta ng isang buy-bust operation kontra sa “isang kilalang tulak.” Sa lengguwaheng katulad ng sa di-mabilang na ulat:
Umaktong bibili si [Officer] Juan Carlos Candelario pagkatapos iabot ang higit 200 [pesos] na markadong pera kapalit ng isang transparent na sachet ng shabu. Pero habang nangyayari ang palitan nakahalata ang suspek na undercover na opisyal ng pulisya ang katransaksiyon niya at dito agad niyang binunot ang .38 [kalibre] revolver at pinaputukan nang dalawang beses si [officer] Juan Carlos na suwerteng hindi natamaan itong opisyal. Nang maramdaman na nasa napipintong panganib ang buhay niya, pinaputukan din pabalik ni Carlos ang suspek na nagresulta sa apat (4) na tama ng bala sa pinakakatawan ng suspek at namatay doon din. [159]
Nakasaad sa police spot report na nakakua ang pulisya ng .38 kalibre na revolver, dalawang markadong 100 piso na ginamit bilang “bust money,” at tatlong pakete ng shabu sa katawan. Kahit na sinasabi sa police report na apat na tama ng bala ang dinanas ng suspek, tatlong 9mm at dawalang .38 kalibre na basyo lang ang nakuha ng mga imbestigador.[160]
Aljon Mesa, Jimboy Bolasa, Setyembre 20, at Danilo Mesa, Setyembre 26
Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas, Kalakhang Maynila
Si Aljon Mesa, 23, at ang kapatid niyang si Danilo Mesa, 34, ay magkasamang nanirahan kasama ang mga kaanak sa Barangay NBBS, isang mahirap na lugar sa Maynila. Magkalayo ng anim na araw ang pamamaslang sa kanila, natagpuan ng kanilang ina ang mga katawan nila sa ilalim ng magkalapit na tulay sa di-kalayuan. Parehong mayroong di-regular na trabaho bilang kargador sa kalapit na bagsakan ng isda ang magkapatid.[161] Walang kinalaman sa shabu si Aljon, sabi ng kaanak, dahil mayroon siyang sakit sa baga.[162] Paminsan-minsan kung gumamit si Danilo ng shabu, gumagamit upang maitawid ang mahahabang oras ng pisikal na kahingian ng trabaho sa daungan, ayon sa kaniyang kaanak.[163]
Sa hapon ng Setyembre 20, pumunta si Aljon sa lokal na ospital para sa checkup sa kaniyang sakit sa baga. Pagkabalik niya, isang kaibigang nagngangalang Wilson ang nag-imbita kay Aljon sa bahay niya para manood ng TV.[164] Walong tao, kasama ang limang lalakeng wala pang 18, ang nasa loob ng bahay ni Wilson, kasama ang isang lokal na tulak, si Jimboy Bolasa. Habang nanonood sila ng TV, anim na nakamaskarang lalakeng nakasibilyan ang biglang pumasok sa kanilang kuwarto at hinanap si Wilson, ang may-ari.[165] Tsinek ng mga armado ang identidad ng lahat, at hinayaan si Wilson at ang limang 18 pababa na umalis ng kuwarto, sina Aljon at Bolasa lang ang pinanatili.[166] Ayon sa mga kapitbahay, binugbog ng mga nakamaskara ang dalawa sa loob ng kuwarto bago sila piniringan at isinakay sa motorsiklo ng mga 5:30 n.h.[167] Sabi ng kaanak ni Aljon na may unipormadong pulis din ang naka-deploy sa kapitbahayan sa oras ng pagdukot, tila para isekyur ang paligid.[168]
Mga 30 minuto ang nakalipas, isang unipormadong pulis ang nagsabi sa kaanak ni Aljon na si Aljon ay maaaring matagpuan sa ilalim ng kalapit na tulay, at siya ay “naghihingalo na.” Sumugod ang kaanak niya papunta sa tulay, para lang matagpuan na ang mga katawan nina Aljon at Bolasa, parehong nakamamatay (fatal) ang pagkakabaril, nakagapos ng tela ang mga kamay. Ang mga nakamaskarang armadong kalalakihan ay nasa lugar pa, habang hinarangan ng pulisya ang lugar at sinabihan ang mga miyembro ng pamilya na huwag lumapit. Hindi umalis ang mga nakamaskarang armado nang dumating ang mga imbestigador ng SOCO police, nagpapatunay na nakikipag-ugnayan sila sa mga unipormadong pulis at imbestigador ng SOCO.[169]
Sa kabila ng lantad na pagtutulangan ng mga armado at ng pulisya at imbestigador ng SOCO, hindi nakasaad sa police report ng insidente na pulisya ang responsable sa mga pagpatay. Sa halip, sa isang ulat na may titulong “Mga Natagpuang Katawan,” sinasabi ng pulisya na isang “concerned citizen” ang nag-alerto sa pulis sa presensiya ng dalawang bangkay, na siyang natagpuan ng pulisya: “Nagtamo si Bolasa ng tama ng baril sa ulo at sa kaliwang bahagi ng kaniyang katawan habang si [Aljon Mesa] ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.”[170]
Lumipas ang anim na araw, noong Setyembre 26, ang kapatid ni Aljon na si Danilo naman ang pinatay. Nagsisiyesta siya sa bahay ng kilalang mag-asawang tulak, sina Anne at Jowel, na nagpapatakbo ng drug den sa loob ng kanilang bahay.[171] Mga 1 n.h., isang grupo ng pulis, ang iba unipormado at ang iba nakasibilyan, ang nang-raid sa bahay at kinuha sina Danilo, Anne, at Jowel sa kustodiya nang walang kahit anong panlalaban. Dinala ang tatlo sa lokal na barangay, kung saan nakagawa ng paraan ang isang kaanak nina Anne at Jowel na suhulan ang mga opisyal upang makalaya nang ligtas ang magkasintahan.[172] Ang pamilya ni Danilo, na kakabayad lang para sa libing ng kapatid niyang si Aljon, ay hindi nakapag-ipon ng pera para siya mapalaya, pero ipinagpalagay na magiging ligtas siya sa kustodiya ng mga otoridad.[173]
Subalit, nang mga 6 n.g., isang grupo ng nakamaskarang armadong kalalakihan ang kumuha kay Danilo mula sa barangay municipal office. Sandali lamang pagkaraan, natagpuan ang katawan niya sa ilalim ng tulay, isang kanto ang layo sa munisipyo. Sabi ng kaanak niya na nakabalot ng packing tape ang buong ulo niya, at nakatali ang kaniyang kamay sa likod. Binaril siya execution-style sa bibig.[174]
Ang ganitong execution-style na pamamaslang ay kadalasan na iniuulat bilang “vigilante” killings, pero sa kasong ito, itinuturo ng mga pangyayari na may kinalaman ang pulisya at mga opisyal ng barangay. Hindi nakakita ang Human Rights Watch sa mga ulat ng pulis ng kahit anong tumutukoy sa pamamaslang kay Danilo, sa kabila ng masinsinang paghahanap sa rekord ng pulisya sa mga panahong iyon.
Renaldo Agrigado, Raffy Sardido, Roldan Amora, Setyembre 27
Delpan, Binondo, Maynila
Dati nang gumagamit ng shabu si Renaldo Agrigado, 53, ayon sa kaniyang mga kaanak.[175] Noong Hulyo, pagkasimula ng kampanya kontra-droga ni Duterte, hiniling ng lokal na opisyal ng pulisya sa kaniya at anak na si Reygie Agrigado, kilalang tulak, na sumuko na sa pulisya.[176] Nabilanggo ang anak dahil sa hinalaang pagkadawit sa pagbebenta ng droga, habang ang ama ay sinabihan na magpakita kada dalawang linggo sa barangay chairman para masiguro na hindi na siya gumagamit ng droga. Sabi ng pamilya na sa katunayan huminto na sa paggamit ng droga si Renaldo pagkatapos niyang sumuko.[177]
Mga 9 n.g. noong Setyembre 27, nagsagawa ang mga opisyal ng pulisya na pinamumunuan ng SAID-SOTU ng isa sa mga malakihang drug raid sa kapitbahayan ng Binondo, dinakip ang mga 100 residente sa lokal na basketball court para sa pagsusuri.[178]
Ayon sa kaniyang kaanak, natutulog si Renaldo Agrigado sa bahay niya kasama ang asawa at mga anak nang kumatok ang armadong kalalakihang nakasibilyan. Nang buksan ni Agrigado ang pinto, kinaladkad siya ng mga armado, kinalaunang kinilala sa police report na mga undercover na pulis, at pinalabas ang lahat ng nasa loob ng kanilang tahanang iisa ang silid. Nang nasa labas na ang magkakamag-anak, hinatak ng mga armado si Agrigado pabalik ng kuwarto.[179]
Mula sa labas, narinig ng mga kapitbahay at kaanak si Agrigado na nagmamakaawang huwag patayin at sumisigaw dahil sa ipinagpapalagay na pisikal na pagpapahirap sa kaniya ng mga armado. Hindi nagtagal, umalingawngaw ang putok ng baril, at tumigil ang pagsigaw.[180] Pagkatapos ng pamamaril, nagulat ang pamilya nang makita nila na dalawang patay na katawan ang may tama ng bala sa kanilang tirahan: ang kay Agrigado, mukhang binaril sa bibig, at kay Raffy Sardido, 31, isang kapitbahay na kilalang gumagamit at posibleng tulak ng droga.[181] Wala sa bahay si Sardido nang dumating ang mga lalakeng armado, kaya iniisip ng pamilya na dinala siya sa loob sa panahon ng raid.[182]
Ayon sa police report namatay ang dalawa sa magkaibang kalagayan. Sinasabi na isang undercover pulis ang sumubok na bumili ng droga kay Agrigado, at pagkatapos ng transaksyon, inalis nito ang sombrerong baseball niya upang senyasan ang kaniyang kasamang opisyal na lumapit, “pero isang tambay ang sumigaw pulis yang kausap niyo!” at tumakbo si Agrigado. Sinundan siya ng pulis sa isang barungbarong kung saan may “apat na lalakeng suspek na nagpo-pot session”:
Habang hinahanap ang kinaroroonan ng suspek, pinaputukan nina RAFFY SARDIDO at REYNALDO AGRIGADO gamit ang kani-kanilang baril ang mga operatiba ng pulisya na suwerteng hindi natamaan. Sa pagkakataong ito, gumanti [ang mga opisyal ng pulisya] upang protektahan ang sarili nila mula sa armadong sumasalakay, natamaan ang parehong suspek na ikinamatay nila.[183]
Hindi tinatanggap ng pamilya ni Agrigado ang bersiyon ng pulisya ng pagkamatay niya, sinabing walang pagmamay-aring baril si Agrigado, at natutulog siya sa loob ng bahay nila nang mang-raid ang pulisya.
Sa parehong operasyon, nabaril ng pulisya ang ikatlong tao, si Roldan Amora, 35, sa loob ng kaniyang bahay.[184] Ayon sa kaanak ni Agrigado, na kapitbahay din ni Amora, mataas ang lagnat ni Amora at natutulog sa lapag ng kaniyang madilim na kuwarto sa ikatlong palapag nang barilin siya. Sabi ng kapitbahay hindi dawit sa droga si Amora, at mayroong pirming trabaho bilang kargador sa katabing pantalan.[185]
Halos pareho ang ulat ng pulisya sa pagkamatay ni Amora sa ulat ng pagkamatay ni Agrigado at Sardido, sinasabi na napatay siya [Amora] nang isinasagawa ang buy bust na operasyon kontra droga imbes na nasa loob ng kaniyang bahay. Sabi sa police report na nagsagawa ng matagumpay na bentahan ang undercover na operatiba kay Amora, pagkatapos may tambay na sumigaw ng “Pulis onse ‘yang kausap mo,” na naging dahilan ng pagtakas ni Amora.
Ang sinasabing suspek ay bigla na lang tumakbo papunta sa ikatlong palapag ng barungbarong para makaiwas sa aresto pero agad hinabol ng operatiba para arestuhin pero biglang binunot ng suspek ang kaniyang baril at pinaputukan ang humahabol na pulis na suwerteng hindi natamaan. Pagkatapos maramdaman na nasa napipintong panganib, nagpaputok rin ang opisyal at natamaan ang hinahabol na agad namatay.
Noong Oktubre, ang kaanak ni Agrigado, na nakatira sa parehong bahay, ay nakatanggap ng text na nagbabanta sa kaniyang buhay mula sa lalakeng pinaniniwalaang opisyal ng pulisya na kasabwat sa pagpaslang kay Agrigado. Ang banta ay ginagawang lahad ang pagtukoy sa istasyon ng pulisya sa lugar, at sa isang “asset” ng pulisya na sumusubaybay sa bahay:
Humanda ka, babarilin kita sunod. Hindi sa PCP pero sa station 11, bilangin mo na ang mga linggo at may mamamatay na naman sa pamilya mo, Agrigado. Lalo ngayon na nakikita ka ng asset ko sa bahay mo. Hindi kita tinatakot, sinasabi ko lang ang totoo, pasalamat ka binigyan pa kita ng babala.[187]
Virgilio Mirano, Setyembre 27
Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas
Dating nakapagtrabaho bilang operador ng bomba sa municipal flood control office si Virgiliio Mirano, 39, na may dalawang anak. Nawalan siya ng puwesto pagkatapos ng eleksiyon sa munisipyo nang binigyan ng mga bagong halal na lider ang mga tagasuporta nila ng trabaho sa munisipyo.[188] Pagkatapos niyang mapatalsik, paminsan siyang nagtrabaho sa konstruksiyon, at nagsimulang gumamit ng shabu “paminsan, kapag may pera,” ayon sa kaniyang kaanak.
Sabi ng kaanak ni Mirano na nakapanayam ng Human Rights Watch na noong 11:30 n.u. ng Setyembre 27, nagpadala ang mga opisyal ng barangay sa kaniya ng isang sulat, nag-uutos sa kaniya na magpakita sa bakuran ng munisipyo sa Setyembre 30, para sa isang maramihang “pagsuko” na seremonya . Kinausap ni Virgilio ang kapatid niya tungkol sa sulat, na siyang nag-abiso sa kaniya na manahimik muna hanggang seremonya.[189]
Mga 3 n.h. ng araw na iyon, umalis saglit si Mirano ng bahay niya, kung saan may isang nangungupahan na nagdiriwang ng kaarawan, para bumili ng kape sa di-kalayuan.[190] Halos agad-agad pagkatapos niyang makabalik ng bahay, apat na armadong kalalakihang nakasibilyan at nakasuot ng maskara ang biglang pumasok sa pinto, at pinalabas ang lahat ng nasa loob.[191] Minuto pagkatapos, dinala ng mga armado si Mirano sa labas sa eskinita sa harap ng bahay. Nakaluhod habang nagmamakaawang huwag patayin, binaril ng mga lalake si Mirano ng anim na beses, pinatay siya sa harap ng kaniyang mga kaaanak.[192]
Dumating ang mga umatake sakay ng dalawang motorsiklo, pero isang yunit ng unipormadong pulis mobile ang nasa tabi, nagmamando ng isang ad hoc checkpoint dalawang kanto lang ang layo, ayon sa mga saksi. Pagkatapos ng pamamaslang, nakita ang isa sa mga armado na sumenyasng thumbs-up sa kalapit na opisyal ng pulisya, at sumigaw ng “OK, all clear!” sa mga unipormadong opisyal.[193] Nagpatuloy sa pagmamaneho ng motorsiklo ang apat na armado nang malaya palayo sa pinangyarihan at dumaan sa checkpoint ng pulisya.[194]
Naniniwala ang mga kaanak na ang sulat ng pagsuko ay inihatid ilang sandali bago ang pamamaslang upang kumpirmahin na nasa bahay si Mirano, bago pinakilos ang mga armado, at nagpapakita ito ng sabwatan ng opisyal ng barangay, pulisya, at “death squad.” Sabi ng isang kaanak: “Nung nakuha niya ang sulat, pinirmahan niya ang resibo at ito ang naging kumpirmasyon na kailangan nila na ang tamang tao ang nasa lugar at pagkatapos, isinagawa na nila ang pagpatay.”[195]
Nagbibigay ang police report sa insidente ng ibang-ibang bersiyon ng pangyayari. Sinasabi dito na ang mga opisyal ng pulisya sa lugar ay abala sa isang operasyong kontra-droga nang makita nila ang dalawang tao na “kahina-hinala” ang akto. Habang nilalapitan nila ang dalawang lalake:
Bumunot ng kani-kanilang baril ang dalawa at tumakbo. Habang tumatakbo nagpaputok sila sa mga pasalubong na pulis, natamaan si [police officer] Ryan Mones sa kaliwang binti. Nagresulta ang barilan sa pagkamatay ni [Virgilio Mirano] habang ang di-kilalang kasama niya ay nakatakas.[196]
Ayon sa police report, nakakuha ang pulisya ng .38 kalibreng revolver na may limang balang hindi pa napuputok at isang basyo mula sa pinangyarihan, pati rin isang pakete ng shabu.[197]
Pinapabulaanan ng mga kaanak ni Mirano ang salaysay ng pulisya na may baril siya, sabi sa Human Rights Watch, “ Hindi nga makabili ng pagkain si Virgilio, kailangan pa namin siyang suportahan dahil wala siyang matinong trabaho—paano siya makakabili ng baril?” Pinapabulaanan din ng kaanak na nagkaroon ng barilan, sinabi sa Human Rights Watch na lumabas si Mirano para lang bumili ng kape at dinukot siya galing sa bahay niya at pinatay ng mga armadong lalake.
Jury Jana, Oktubre 4
Barangay 120, Caloocan, Kalakhang Maynila
Nagtrabaho bilang drayber ng moto taxi si Jury Jana, 32, at dati nang gumagamit at small-time na tulak ng droga, sabi ng kaniyang mga kamag-anak.[199] Pagkatapos ng inagurasyon ni Duterte noong Hulyo, may dumating na mga opisyal ng pulisya sa bahay nila at sinabihan ang pamilya niya na si Jana ay nasa listahan ng kilalang gumagamit at tulak ng droga, at kailangan niyang sumuko.[200] Agad namang pumunta sa istasyon ng pulisya sa Bagong Barrio, Caloocan si Jana, at sumuko sa otoridad. Sa istasyon ng pulisya, pinirmahan niya ang mga dokumento na umaamin sa pagiging dating gumagamit at tulak ng droga, at nangako na hihintong magtulak at gumamit, ayon sa isang kaanak. Pinalaya siya ng pulisya sa araw ring iyon.[201]
Noong Oktubre 4, mga 7 n.g., abala si Jana sa pagpipinta ng kaniyang moto taxi sa harap ng inuupahang kuwarto nang may mga 20 lalake—ang iba nakasuot ng uniporme ng pulisya at hindi bababa sa kalahating dosena na nakasuot ng sibilyan—ang pumasok sa lugar sa malinaw na operasyon kontra-droga.[202] Ang mga nakasibilyan ang lumapit kay Jana at tinanong kung siya nga si Jury Jana; takot para sa kaniyang buhay, itinanggi niya ito. Subalit, kinumpirma ng isang nakamaskarang informant na kasama ng pulisya ang identidad ni Jana.[203]
Sabi ng pamilya ni Jana na sinabi sa kanila ng mga kapitbahay na nakitanila ang mga lalakeng nakasibilyan na inutusan si Jana na tumayo at tapos pinosasan siya, bago dinala sa maliit niyang kuwarto 20 metro lang ang layo. Mula sa kanilang kuwarto, naririnig ng mga kapitbahay na binubugbog si Jana sa loob, at isang kapitbahay ang nagsabi sa pamilya na nakita niyang inilublob ang ulo ni Jana sa balde ng tubig na nasa loob ng kuwarto. Ayon sa mga kapitbahay nagmamakaawa si Jana na huwag siyang patayin at itigil ang pagpapahirap sa kaniya.
Sabi ng pamilya na sinabi sa kanila ng mga kapitbahay na pagkatapos ng ilang minuto, mga 8 hanggang 10 putok ang narinig sa loob ng kuwarto.
Mga 7:45 n.g., dumating ang isang tanod ng barangay para sabihan ang kaanak ni Jana, na nakatira sa malapit, na nabaril si Jana ng pulisya nang siya ay “nanlaban.”[204] Nagmadali ang kaanak sa pinangyarihan, pero pinigilan sila ng pulisya na pumasok sa kuwarto ni Jana. Ayon sa isang kaanak:
Sabi ng pulis mayroong baril si [Jana], at sinubukan silang paputukan, gamit ang .38 kalibreng revolver. Pero hindi ito totoo, hindi marunong gumamit ng baril si [Jana]. ...Hindi ako naniniwala na nanlaban [si Jana].[205]
Hindi nakakuha ang Human Rights Watch ng kahit anong police report na konektado sa sirkumstansiya ng pagkamatay ni Jury Jana. Gayunpaman, isang media report sa pamamaslang ang tumukoy na “ang drug suspek na si Jury Jana ay napatay pagkatapos niya diumanong magpaputok sa kontra-narkotikong operatiba sa isang sting [na operasyon].”[206]
Benjamin Visda, Oktubre 4
Barangay 70, Tondo, Maynila
Ama ng dalawa si Benjamin Visda, 43, gumagamit ng droga na nakikitira sa isa sa mga kapatid niya dahil hindi niya kayang suportahan ang sarili ayon sa mga kaanak. Kasunod ng inaugurasyon ni Duterte, binalaan ng mga opisyal ng barangay si Visda na sumuko, kabilang ang pangalan niya sa nasa listahan ng mga kilalang gumagamit ng droga.[207] Sabi ng mga kaanak ni Visda sumuko siya sa opisina ng lokal na barangay noong Hulyo, sa isang malakihang “seremonya ng pagsuko” na dawit ang ibang gumagamit at nagtutulak ng droga. Ayon sa mga kaanak, tumigil na si Visda sa paggamit ng droga pagkatapos niyang sumuko, sa takot na mapatay siya, dahil may ilan nang sumuko kasabay niya ang pinatay kinalaunan.[208]
Mga 11 n.g. noong Oktubre 4, nasa labas ng bahay si Visda kasama ang isang nakababatang kaanak nang may babaeng lumapit sa dalawa, humiling na ikuha siya ng shabu.[209] “Napakamapilit” ng babae, ayon sa kaanak, pero tinanggihan niya ang hiling ng babae bago siya bumalik sa loob ng kaniyang bahay, sinabi na hindi na siya tulak at huminto na sa droga. Naniniwala ang pamilya na parte ng sumunod na sting operation ng ng pulisya ang panunubok ng babae na kumbinsihin si Visda na ibili siya ng droga.[210]
Hindi nagtagal, humingi si Visda sa kaanak niya ng 40 pesos, sinabing kailangan niyang bumili ng hapunan, at umalis ng bahay. Halos pagkaraan, isang kapitbahay ang dumating para sabihan sila na nadakip si Visda ng mga opisyal ng pulisya sa isang raid kontra-droga sa isang dako ng kalsada.[211]
Ang kabiguan ng isang estado na mang-usig o ang probisyon ng kawalang kaparusahan sa mga sangkot sa mabibigat na krimen na labag sa internasyonal na batas ay hindi magkakabisa sa labas ng bansa. Ang mga dayuhang hukuman na kumikilos sang-ayon sa hurisdiksiyong unibersal o internasyonal na hukumang pangkrimen, kasama dito ang International Criminal Court, ay hindi nakatali sa domestikong paggawad ng kawalang kaparusahan, at maaaring mang-usig ng mga protektadong nagkasala, pati sa mga kasangkot na opisyal alinsunod sa batayang pananagutan ng pinuno. na maskara at helmet ng motorsiklo, kasama ng mga lokal na opisyal ng barangay at security guards, pinalilibutan si Visda, isang kanto ang layo mula sa kanilang bahay. Itinali ng mga lalake ang kamay ni Visda, at sinabihan ang mga kaanak na dadalhin nila ito sa isang kalapit na istasyon ng pulisya.[212]
Ipinapakita ng kuha ng CCTV na kinalaunang isinapubliko ang grupo ng armadong nakasibilyan at nakamaskara na sinasamahan si Visda palabas ng eskinita. Itinali ng mga armado ang kamay niya habang ang mga lalakeng nakamaskara ang labas-masok sa lugar na iyon sakay ng hindi bababa sa anim na motorsiklo. Bigla, pinasakay si Visda sa isang motorsiklo na minamaneho ng isang nakamaskara at nakasuot ng kapote, habang ang ikalawang lalakeng nakamaskara ang tumalon sa motorsiklo sa likod ni Visda, nakapagitan si Visda sa kanilang dalawa. Humarurot ang motorsiklo habang dumarating ang mga kaanak ni Visda, at isang lalakeng nakaputing t-shirt ang sumisigaw sa walkie-talkie, nakatayo kasama nila.
Nang dumating ang mga kaanak ni Visda sa malapit na istasyon ng pulisya na nakamotorsiklo, patay na siya: natagpuan nila ang katawan ni Visda sa lugar sa likod ng istasyon ng pulisya, nakaposas pa rin, itinapon doon ng mga kumuha sa kaniya. “Nang nakita namin ang katawan, walang pulis sa paligid, mga kapitbahay lang. Wala na doon ang mga pulis na kumuha sa kaniya,” sabi ng isang kaanak sa Human Rights Watch.[213]
Isang tala sa police log ang naglalarawan sa insidente bilang “[shoot-out] armadong engkuwentro,” at pinansin na ang “suspek ay nakalista na gumagamit ng droga sa July Illegal Drug Watchlist ng [Raxabago-Tondo Police Station].”[214] Isang memorandum ng pulis tungkol sa insidente ang may ganitong bersiyon:
Naibunyag sa isinigawang imbestigasyon [ng pulisya] na pagkatapos ng buy-bust na transaksiyon, dinala ng mga operatiba ng pulisya na nakasakay sa motorsiklo ang suspek sa istasyon para sa imbentaryo. Habang binabaybay ang Raxabago St. papunta sa Istasyon, hinablot ng arestadong suspek na nakaposas ang service firearms ng katulong na operatiba ng pulisya na naging sanhi ng pagkatumba nila. Binaril ng suspek ang kasamang operatiba ng pulisya pero nagmintis. Nang maramdaman na nasa panganib ang buhay nila at ng mga inosenteng tao sa lugar, bumaril ang isa pang operatiba para magapi ang suspek. Ang suspek, na natamaan, ay agad dinala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ng operatiba ng pulisya pero idineklarang dead on arrival (DOA).[215]
Sinabi ng mga kaanak ni Visda sa Human Rights Watch na nahaharap sila sa walang-tigil na pagmamanman ng pulisya at panggugulo simula nang mapatay siya. Labis nilang ipinag-aalala ang kaligtasan ng ibang kaanak nilang lalake pero takot silang ireklamo ang pulisya, kahit na kumbinsido sila na pulisya ang pumatay kay Visda.[216]
Tinukoy ng police memorandum sa pagkamatay ni Visda sina Police Officer Jonathan Ubarre—miyembro ng Station Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Unit na nagsagawa ng operasyon na humantong sa pagkamatay ni Visda—bilang imbestigador na opisyal sa kaso.[217] Nagmumungkahi ito na buksan ng city prosecutor ang spot inquest r para sa tinangkang pagpaslang “laban sa napatay na suspek”; iyon ay isang pagsisiyasat sa diumano’y pagsubok na gamitin ang police revolver laban sa pulisya nang nakaposas na si Visda, kaysa sa pagpatay kay Visda ng pulisya.[218] Noong Oktubre 20, naglabas ng isang subpoena ang Office of the City Prosecutor sa mga kaanak ni Visda upang dumalo sa nasabing pagsisiyasat.[219]
Paquito Mejos, Oktubre 14
Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas, Kalakhang Maynila
May limang anak at nagtatrabahong electrician sa konstruksyon si Paquito Mejos, 53. Ayon sa kaniyang kamag-anak, paminsan siyang gumagamit ng shabu, pero hindi siya sangkot sa pagtutulak.[220] Noong Oktubre 7, dumating ang mga opisyal ng barangay sa bahay nila at sinabing nasa watch list siya, at kailangan niyang sumuko. Agad siyang pumunta sa municipal hall ng barangay kasama ang asawa, pero sinabihan na walang tao doon na magpoproseso ng kaso niya, at bumalik na lang sa Oktubre 10.[221]
Ginawa ni Mejos ang sinabi sa kaniya, at sa pagbalik niya noong Oktubre 10, pumunta siya sa istasyon ng pulisya at kinunan ng litrato at fingerprint. Noong Oktubre 12, ipinatawag ulit siya ng mga opisyal ng barangay kasama ang iba pang sumuko, para malaman kung kailangan nila ng rehabilitasyon o dumalo sa serye ng seminar kontra-droga, bago siya pinauwi ulit.
Dalawang araw ang nakalipas, noong Oktubre 14 ng mga 2 n.h., nagsisiyesta si Mejos sa taas ng bahay niya nang may apat na armadong nakamaskarang lalakeng nakasibilyan na sakay ng dalawang motorsiklo ang dumating sa bahay niya.[222] Sabi ng mga saksi naroon din sa lugar ang mga unipormadong pulis. Ayon sa isang kaanak:
Pumasok sila sa loob at nagtanong, “Nasaan si Paquito?” Tanong ko, “Bakit?” Tinulak nila ako, at umakyat ang dalawa sa kanila nang nakalabas ang mga baril. Nang makita ko silang may-hawak na baril habang umaakyat ng hagdan, sabi ko, “Pero sumuko na ‘yan sa otoridad!” Sabi nila tumahimik daw ako, o ako ang isusunod. Pagkatapos nito, nakarinig ako ng dalawang putok at nag-histerikal ako at dinala nila ako sa labas. Sinekyur ng mga lalake ang lugar. Ilang sandali pa, dumating na yung mga imbestigador ng SOCO. Naroon pa yung mga lalakeng may-baril. Sabi ng pulisya na may baril at pakete ng shabu kay Paquito. Pero hindi kailanman nagkaroon ng baril si Paquito, at wala siyang shabu nang araw na ‘yon. Nasa loob lang siya buong araw, at hindi lumalabas.[223]
Nakalahad sa police report sa insidente na isang grupo ng pulisya ang nasa lugar para maghain ng warrant of arrest para sa ibang tao nang makita nila si Mejos, “pinaghihinalaang tulak ng droga”:
Habang nakikitang palapit ang otoridad, biglang binunot ni Mejos ang baril mula sa tagiliran at tumakbo. Habang tumatakbo papunta sa ikalawang palapag ng bahay, tinutukan niya ang humahabol na pangkat pero natamaan siya sa katawan na ikinamatay niya agad nang maunahan siyang paputukan ng mga pulis.[224]
Jerome Bayutas, Oktubre 18
Barangay 621, Santa Mesa, Maynila
Si Jerome Bayutas, 36, ay isang pedicab driver at gumagamit ng shabu.[225] Mga 3 n.h. ng Oktubre 18, limang armadong lalakeng nakaitim at nakamaskara ang dumating sa bahay ng mga Bayutas.[226] Ayon sa isang kapitbahay, inaresto ang kaniyang asawa, si Catherine Fernandez, 34, diumano’y isang tulak ng droga, at dinala siya at ang kanilang dalawang anak sa labas ng bahay ng mga armadong kalalakihan na kinalauna’y inireport na mga pulis. Pagkatapos bumalik sila sa loob kung saan naiwan si Bayutas. Ilang minuto ang lumipas, ilang putok ng baril ang umalingawngaw, at pagkatapos lumabas ang mga armado bitbit ang katawan ni Bayutas. Tinakpan nila ang katawan ng kumot at iniwan ito bago dumating ang mga imbestigador ng SOCO police.[227]
Sabi ng pulisya na nakakuhar sila ng .38 kalibreng baril at mga pakete ng shabu sa bahay.[228] Sa isang panayam sa Human Rights Watch, itinanggi ng kaanak ni Bayutas na mayroon siyang baril, at sinabi na pinatay siya ng pulisya nang hindi lumalaban.[229]
Norberto Maderal, George Avanceña, Oktubre 19
Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas, Metro Manila
Drayber ng tricycle at regular na gumagamit ng shabu si Norberto Maderal, 42, ayon sa kaniyang kaanak.[230] Noong Oktubre 19, narinig ng isang kaanak na kasama ni Maderal sa bahay na bumalik siya ng mga 1:30 n.h. Pagkalipas ng lima hanggang sampung minuto, nakarinig ang kaanak ng kaguluhan at natagpuan ang tatlong armadong lalakeng nakamaskara sa loob ng bahay, kasama ang dalawa pang nakamaskarang armadong nagbabantay sa labas ng bahay. Inutusan ng kalalakihan ang kaanak na bumalik sa kuwarto niya, at isa sa kanila ang nagsara sa pinto.[231]
Mula sa kuwarto, narinig ng kaanak ang pagbugbog kay Maderal, na nagmamakaawang huwag siyang patayin, nagsusumamo: “Sige na sir, pakiusap hindi ako tulak, maawa na kayo.” Bigla-bigla, nakarinig ng dalawang putok ang kaanak. Naghintay siya ng ilang minuto, at binuksan ang pinto at nakita ang duguang katawan ni Maderal sa lapag ng sala, may .38 kalibreng pistol at isang pakete ng shabu. Sabi ng kaanak walang baril si Maderal at hindi umaktong manlalaban, kaya naniniwala siya na itinanim ng mga armado ang baril at ang shabu.
Sa loob ng limang minuto, mga unipormadong opisyal ng pulisya ang dumating sa bahay.[232] Kinordon ng pulisya ang lugar at inutusan ang lahat na lumabas ng kordon. Ilang sandali pa, isang pulis na nakasibilyan at nakasuot ng sombrerong baseball na may nakalagay na “PULIS” ang dumating sa lugar at pumasok sa bahay.[233] Halos pagkaraang-pagkaraan, dalawang putok pa ang umalingawngaw. Pinatay si George Avanceña, na tila dumating kasama ni Norberto Maderal pero hindi nakita ng kaanak.[234]
Kinalaunan sinabihan ng mga kapitbahay ang kaanak na sinundan si Maderal at Avanceña ng mga armadong lalakeng responsable sa pamamaril. Dagdag pa ng mga kapitbahay na napansin nila na nasasailalim sa pagmamanman ng pulisya ang bahay simula pa noong araw bago ang pamamaslang.[235]
Dumating ang mga imbestigator ng SOCO police sa lugar, at kinalaunan nagtanong sa kaanak na nakasaksi sa pamamaslang na magbigay ng salaysay sa pulisya.[236] Nang sinabi ng kaanak sa pulisya kung ano ang nasaksihan niya, tanong ng pulis kung gaano na katagal alam ng kaanak ang paggamit ng droga ni Maderal at bakit hindi niya ito isinumbong sa pulisya.[237]
Sabi sa spot report ng pulisya:
Ipinapakita ng pangunang imbestigasyong isinagawa ayon sa nasa itaas na oras at petsa, nagsasagawa ang istasyon na ito ng isang buy-bust na operasyon sa nasabing lugar. Nang mahalata ng suspek na operatiba ng pulisya ang katransaksyon, agad na bumunot ng kani-kaniyang baril ang mga suspek at tinutok ito sa mga operatiba at sinubukang magpaputok, nailagay ang mga pulis sa napipintong panganib na nag-udyok sa kanila na depensahan ang sarili na nagresulta sa agad na pagkamatay ng mga suspek.[238]
Heart de Chavez, Enero 10; “Joan,” Enero 13, 2017
Barangay San Jose, Navotas, Kalakhang Maynila
Dating nagtrabahong beautician pero nagbalik sa maliitangbentahan ng droga para tumulong na may makain ang pamilya si Heart de Chavez, isang 26-anyos na transgender na babae.[239] Gayong paulit-ulit na samo ng kaanak na tumigil na sa pagtutulak, nagpatuloy si de Chavez sa maliliit na benta, sinasabi sa nanay niya, “pangkain lang ‘to.”[240] Sabi ng isang opisyal ng barangay na nakalista si de Chavez sa drug watch list.[241]
Noong Enero 7, 2017, nadakip ng isang pulis si de Chavez pagkatapos niyang umalis sa bahay ng isa sa mga transgender niyang kaibigan. Gayong walang droga ang nakita sa kaniya, natagpuan ng pulis ang kahina-hinalang text sa cellphone niya na mistulang tumutukoy sa isang transaksiyon.[242] Nagdemanda ang pulis ng 50,000 pesos (US$100 [1,000?]) na suhol sa pamilya para pakawalan si de Chavez. Sabi ng pamilya na wala silang ganoong kalaking halaga, kaya pumayag ang pulis na palayain siya sa (10,000) na lagay: “Wala kaming nakuhang resibo o pinirmahan na kahit anong dokumento,” sabi ng isang kaanak.[243]
Tatlong araw ang lumipas, noong Enero 10 ng 10 n.g., nakauwi na si de Chavez. Mga 11:30 n.g., pitong lalakeng nakamaskara at armado na nakasibilyan ang biglang pumasok sa pinto, at [kinuha] si de Chavez. Sabi ng isang kaanak na nagmamakaawa si de Chavez sa kanila na huwag siyang saktan: “Hindi ako lalaban.” Tinutukan ng mga armadong lalake ang mga kaanak niya habang dinadala siya sa labas.
Pitong armadong lalake ang nagdala kay de Chavez 50 metro pababa ng eskinita. Isang saksi ang nagsabi sa Human Rights Watch na “sinabihan lahat sila na umalis sa lugar bago binaril [si de Chavez]” nang gabing iyon.[244] Binaril nila si de Chavez sa dibdib at mukha, at agad na umalis sa lugar.
Habang umalis sa bahay ang kaanak ni de Chavez para hanapin siya, nakasalubong nila ang mga armado habang pabalik sa motorsiklo nilang nakaparada sa labas ng eskinita. Sabi ng kaanak na pinagtatawanan nila ang pagpatay. Parang walang pakialam ang mga nakamaskarang armado kung mahuhuli sila ng pulisya para sa pamamaslang, gayong maraming pulis sa kapitbahayan, nagpapahiwatig na kasabwat nila ang pulisya o sila mismo ay pulis.[245]
Walang binanggit tungkol sa pagkuha sa kustodiya ng mga armadong lalake kay de Chavez sa police report ng insidente, sinasabi lang na inireport ng lokal na otoridad sa pulisya ang bangkay.[246]
Tatlong araw pagkatapos ng pamamaslang kay de Chavez, nakipag-ugnayan sa mga lokal na mamamahayag ang mga di-mapakaling kaanak, sinasabing isang grupo ng nakamaskarang armado na pinaniniwalaan nilang pumatay kay de Chavez ang bumalik sa lugar nila. Isang oras ang lumipas, isang grupo ng pitong nakamaskarang armado ang nakita na pumasok sa pampublikong sementeryo katabi ng eskinita kung saan pinatay si de Chavez. Nakarinig ng mga putok ang kapitbahay at nakita nilang umalis ang mga lalake, at pagkatapos natagpuan nila ang bangkay ng isang 27-anyos na babaeng tinatawag na “Joan,” di-alam ang tunay na pangalan, na namatay dahil sa tama ng bala.[247]
Sabi ng opisyal ng barangay, drug runner na nasa watch list na sumuko sa pulisya si Joan pero pinagsusupetsahan na nagpatuloy pa rin sa pagsangkot sa droga.[248]
Di-kilalang tao, Enero 14
Malate, Manila
Mga 2:35 n.u. nung Enero 14, nagkabarilan ang pulisya at isang di-kilalang tao sa isang interseksiyon sa Malate na distrito ng Maynila. Ayon sa ulat ng pulisya sa insidente, nakatanggap ng tawag ang mga pulis na nagpapatakbo ng kalapit na checkpoint nang may isang lalakeng armado ang nakaangkas sa motorsiklo—isang pangkaraniwang elemento sa mga drive-by na pagpatay. Sabi sa police report na pumunta ang mga pulis sa pinangyarihan, kung saan pinaputukan sila ng armadong lalake at nagpaputok sila pabalik:
Sa pagkakita [sa pulis,] binunot [ng suspek] ang baril niya at pinaputukan sila ng dalawang beses. Suwertihan, nagmintis [siya] kaya naudyukan [ang pulis] na gumanti at paputukan din ang [suspek] na natamaan sa dibdib. Gayunman, nakatakas palabas sa Estrada Street at nakaiwas sa pagkakaaresto ang nagmamaneho ng itim na scooter na walang plaka.[249]
Gayunpaman, ilang saksi ang kumontra sa opisyal na bersiyon ng pulisya sa insidente sa magkahiwalay na pag-interbiyu ng Human Rights Watch. Hindi bababa sa walong tao, kasama ang ilang bata, ang naalerto sa pinangyarihan nang may marinig sila sa eskinita kung saan diumano’y naganap ang pamamaril.
Sabi ng isang saksi:
Mga 2:35 n.u. noon. Naglalaro kami sa kompiyuter. Bigla may motorsiklong dumating, at bitbit niya [ang biktima]. Ang kaibigan ko ang unang dumungaw, at nakita niya kung anong ginagawa sa tao sa may puno, tapos tumingin ako at nakita ko na sinusuntok sa mukha ang tao hanggang tumigil siya sa pagsigaw. Tapos may tatlong putok, magkakasunod.
Pagkatapos ng tatlong putok, umalis angg nagmamaneho ng motorsiklo, tapos may apat na magkakasunod na putok , tapos isang pulis na lang ang natira. Pagkatapos bigla na lang dumating ang ibang tao at naglagay ng [police] tape na hahadlang sa papasok.[250]
Habang binabantayan ng isang pulis ang katawan, ilang saksi ang lumapit at kinunan ng litrato ang bangkay gamit ang cellphone nila. Sabi ng saksi:
May malaking istraktura doon, at sa likod niyan puwede kang tumayo sa tangke ng tubig at makikita mo ang nangyayari. Doon, nakita kong nakadapa ang suspek na walang baril. Tapos nang nakita kami ng pulis, pinaalis kami kasi kumukuha kami ng litrato... Wala pang baril noong naglitrato kami. Noong pagbalik namin, nakita namin na may baril na sa pinangyarihan [katabi ng katawan]. Tapos napaisip kami, hindi talaga ito ang nangyari. Bakit nila ginawa iyon?[251]
Base sa nakita niya, hinuha ng saksi na pulis ang may gawa ng naunang tatlong putok at ng huling apat na putok habang binubugbog ang suspek: “Sa pitong putok, parang tatlo ang ginamit pantanim ng ebidensya para iwan ang baril sa suspek. Ginamit ang apat para siguruhin na patay na siya.”[252]
Ang ikalawang saksi, na hiwalay na nakapanayam ng Human Rigths Watch, ang nagbigay ng katulad na kuwento, nagsabi na napanood niya mula sa kalapit na bintana na binubugbog ang biktima nang pasandal sa puno, at saka binaril:
Binigwasan siya sa labi .... Buhay pa siya pagkatapos ng unang tatlong putok. Tapos ang sumunod na apat na putok, lahat ‘yon tumama sa kaniya. Nakikita namin yung kislap ng baril pagkaputok.[253]
Kinumpirma ng ikalawang saksi na nakita niya na walang katabing baril ang katawan noong una, at tapos nakita niya na may katabing baril na ang katawan pagkatapos dumating ng mga pulis sa pinangyarihan at saglit na tumayo palibot ng katawan: “Nung wala pa yung pulis, nakuhanan namin yung sandali na wala pang baril [katabi ng bangkay]. ... Nagulat ako. Hindi talaga tama yung ginawa nila, hindi ‘yon patas. Sasabihin ng pulis na nanlaban siya kahit hindi naman. Sinadya nila siyang patayin.”[254]
III. Prohibisyon ng Extrajudicial Executions sa Ilalim ng Internasyonal na Batas at Batas ng Pilipinas
Internasyonal na Batas
Ang mga kasong inimbestigahan sa ulat na ito ay malinaw na extrajudicial executions, na mabibigyang kahulugan na sinadyang pagpatay ng state security forces o mga ahente nila sa taong nasa kanilang kustodiya.
Ang biglaan, extrajudicial, o arbitraryong pagpatay ay ipinagbabawal sa ilalim ng internasyonal na batas sa karapatang pantao. Ang mga pagbabawal na ito ay mula sa karapatan na mabuhay na protektado sa ilalim ng Universal Declaration of Human Rights, na inendoso ng mga kasaping bansa ng UN,[225] at ng International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), na kinabibilangan ng Pilipinas ,[256] kasama ang iba pang internasyonal na instrumento.[257]
Ang UN Human Rights Committee, na nagmomonitor sa pagsunod ng estado sa ICCPR, ay nagsabi sa General Comment No. 6 nito na dapat itigil ng mga gobyerno ang arbitraryong pamamaslang na gawa ng kanilang sariling security forces.[258] Bukod pa dito, ang UN General Assembly, ang Commission on Human Rights at ang Human Rights Council ay paulit-ulit nang nanghimok sa mga gobyerno na tigilan ang mga labag sa batas na executions. Halimbawa, lahat ng gobyerno ay dapat “siguruhing mawakasan ang paggwa ng biglaan, extrajudicial, o arbitraryong na executions at dapat na magpatupad ang mga ito ng epektibong aksiyon upang matigil, malabanan at mapuksa ang penomena sa lahat ng anyo at manipestasyon nito.”[259]
Tinutukoy ng internasyonal na batas na may tungkulin ang mga gobyernong imbestigahan at usigin ang mga seryosong paglabag sa physical integrity (o integridad ng katawan), pati mga paglabag sa karapatang mabuhay. Ang Human Rights Committee ay madalas na nagpapaalala sa gobyerno sa obligasyon ng mga ito na siguruhin ang mga epektibong remedyo sa paglabag sa karapatang mabuhay, kasama ang extrajudicial executions. Obligado ang mga gobyerno na magsagawa ng mabilis, mabusisi at epektibong imbestigasyon sa pamamagitan ng malaya at walang kinikilingan na judicial bodies; maparusahan ang mga responsable sa mga salang kriminal; magbigay ng nararapat at ganap na bayad-pinsala sa mga biktima; at maiwasan ang mga paglabag sa hinaharap.[260]
Pinagtibay ng UN Principles on the Effective Prevention and Investigation of Extra-Legal, Arbitrary, and Summary Executions na ang “biglaan, extrajudicial, o arbitraryong executions” ay hindi puwedeng gawin “sa ilalim ng kahit anong kalagayan” at “dapat ipagbawal ng gobyerno sa ilalim ng batas ang extra-legal, arbitraryo o biglaang executions at dapat siguruhing ang ganoong klaseng executions ay kilala bilang mga paglabag sa ilalim ng kanilang batas kriminal.”[261] Ayon sa prinsipyo, ang mga gobyerno “ay dapat ipagbawal ang pag-uutos ng nakatataas na opisyal o awtoridad na magpapahintulot o mag-iinstiga sa ibang tao na magsagawa ng kahit anong extra-legal, arbitraryo o biglang executions. May karapatan at tungkulin ang lahat ng tao na salungatin ang mga ganoong klaseng utos” (idinagdag ang diin). Pinagtitibay din ng mga prinsipyong ito na ang pagsasanay sa mga opisyal na tagapagpatupad ng batas ay dapat na nagdidiin sa mga tungkulin at pagbabawal na ito.[262]
Batas sa Pilipinas
Pinoprotektahan ng Katipunan ng Mga Karapatan ng Konstitusyon ng Pilipinas ang karapatang mabuhay, tinutukoy nito na “Walang Tao ang dapat na bawian ng buhay, kalayaan o ari-arian nang walang due process ng batas, at wala ring sinuman ang dapat na bawian ng pantay na proteksiyon sa ilalim ng batas.”[263]
Sa ilalim ng lokal na batas, may tungkulin ang mga miyembro ng Philippine National Police na protektahan ang buhay at pag-aari, mag-imbestiga at pumigil sa krimen, arestuhin ang mga kriminal na may-sala, dalhin sa hustisya at tumulong sa pag-uusig sa mga nagkakasala, at ipatupad ang kapangyarihan nilang mang-aresto, maghalughog, at mangsamsam alinsunod sa batas, bukod sa iba pang mga tungkulin.[264] Lalong nakadetalye sa mga alituntunin ng PNP ang mga tungkulin ng opisyal ng pulisya sa mga crime scene investigations, kasama ang pagkordon sa eksena ng krimen, pagdadala ng mga sugatan sa pinakamalapit na ospital, pag-interbiyu sa mga saksi, pagtipon ng pisikal na ebidensiya, at pag-aresto sa mga suspek, at iba pang mga gawain.[265]
IV. Kriminal na Responsibilidad ni Pangulong Duterte at Matataas na Opisyal ng Gobyerno
Legal na Batayan ng Kriminal na Responsibilidad
Kailangang tingnan ang diumano’y extrajudicial executions ng libo-libong pinaghihinalaang tulak at gumagamit ng droga sa Pilipinas sa konteksto ng pagkahalal kay Rodrigo Duterte sa pagkapangulo at ang paulit-ulit niyang panawagan habang nangangampanya, at simula nang maupo sa puwesto, na bantang papatayin ang mga sangkot sa ilegal na droga. Kahit hindi direktang kasabwat sa kahit anong ispesipikong operasyon para bitayin nang walang paglilitis (summarily execute) ang isang indibidwal, mukhang binuyo ni Pangulong Duterte ang mga di-legal na akto ng pulisya, nanghikayat sa mamamayan na gumawa ng seryosongdi-birong karahasan, at ginawang kriminal ang sarili na may pananagutan sa ilalim ng internasyonal na batas para sa labag sa batas na pagpatay, likas na bahagi ng pananagutan sa tungkulin (command responsibility). Maaaring managot rin ang ibang nakatataas na lider ng kaniyang administrasyon dahil sa kanilang diumano’y pakikipagsabwatan sa mga labag sa batas na pamamaslang.
Ipinagpapalagay ng internasyonal na batas ang isang indibidwal na may kriminal na responsibilidad kapag sila ay nagplano, nambuyo o nag-utos na gumawa o sa kahit anong paraan tumulong at manulsol sa isang kriminal na pagkakasala.[266] Ang ibig sabihin ng pambubuyo (instigating) ay ang pag-udyok sa iba na gumawa ng pagkakasala na aktuwal na ginawa.[267] Kailangang maipakita ang sanhing nag-uugnay (causal link) sa akto ng pambubuyo at pagsasagawa sa isang partikular na krimen ng pisikal na gumawa (o perpetrator), kasama dito ang mga pag-iinstiga na galing sa inihayag sa publiko.[268]
Gayong kaunti ang sinasabi sa internasyonal na batas tungkol sa pambubuyo sa labas ng konteksto ng pambubuyo ng genocide, nagpapahayag ito ng mga batayang kahingian. Sa common law jurisdictions, ang depinisyon ng pambubuyo ay ang paghihikayat o pagpipilit sa iba na gumawa ng krimen, nagawa man o hindi ang krimen. Pinaparusahan sa civil law systems ang direkta at pampublikong pambubuyo sa paraan ng panunulsol, na itinatakda na aktong may layuning direktang makapukaw sa tao para gumawa ng krimen o masamang asal (misdemeanor) gamit ang pananalita, paninigaw, paninindak, o iba pang audio-biswal na komunikasyon.[269] Ang ibig sabihin ng “direkta” ay kapag espesipikong hinihikayat ang isang indibidwal na agad gumawa ng aktong kriminal sa halip na pagbibigay ng malabo o di-direktang mungkahi. [270]
Naglabas ng pahayag ang tagausig ng International Criminal Court (ICC), Fatou Bensouda, kay Pangulong Duterte noong Oktubre, binalaan siya na: “Kahit sino sa Pilipinas na nambubuyo o nasasangkot sa kahit anong maramihang karahasan, kasama dito ang pag-uutos, paghiling, paghihikayat o pag-aambag, sa kahit anong paraan, sa pagsagawa ng krimen ay maaaring managot para sa prosekyusyon sa korte ng ICC. [271]
Dagdag pa, nagpapataw ang doktrina ng responsibilidad ng nakatataas (o superior responsibility) sa ilalim ng internasyonal na batas sa di-legal na akto ng nasa ilalim nila kung saan alam ng nakatataas o may rason itong malaman ang di-legal na akto, at nabigo siyang pigilan o parusahan ang akto.[272] Ang doktrina ng responsibilidad ng nakatataas ay isang kilalang parte ng customary international law.[273]
Nasa mga pinuno ang kalagayan ng isip na mapapanagot para mapatawan ng kriminal na responsibilidad kapag alam nila o “may dahilang malaman” na gumagawa ng krimen ang kanilang mga tauhan. [274] Ang ikalawang tipo ng kaalaman—“may dahilang malaman” ay nagtatakda sa pinuno para manatiling nalalaman ang aktibidad ng kanilang mga tauhan.[276] Mapapanagot ang mga pinuno kung mayroon silang impormasyon na dapat naabisuhan sila tungkol sa krimen na isinagawa o gagawin pa lang ng kanilang mga tauhan. Gayong hindi naman puwedeng asahan na “tuparin nila ang imposible,” puwedeng mapanagot ng krimen ang pinuno dahil sa kabiguan niyang gumawa ng hakbang na nasasakop ng “kaya nilang gawin sa katotohanan” (material possibility.)[277]
Panghuli, ipinagbabawal ang krimen laban sa sangkatauhan ng customary international law at ng Rome Statute of the International Criminal Court, na nilagdaan ng Pilipinas. Ang krimen laban sa sangkatauhan ay mga gawain, katulad ng pagpatay, tortyur, at iba pang di-makataong akto na parte ng malawakan o sistematikong atake sa sibilyang populasyon.[278]
Hindi tulad ng mga krimen sa panahon ng digmaan, ang krimen laban sa sangkatauhan ay isinasagawa sa payapang panahon at parte ng malawakan o sistematikong atake sa sibilyang populasyon.[279] Binibigyang kahulugan ng Rome Statute ang “atake sa sibilyang populasyon” bilang “isang paraan ng pagkilos na kinasasangkutan ng maraming pagsasagawa [mga gawain tulad ng pagpatay] sa alinmang sibilyang populasyon, alinsunod sa o sa pagpapalawig ng patakaran ng isang estado o organisasyon na gawin ang mga atake.”[280] Tumutukoy ang “malawakan” sa sakop ng akto o dami ng mga biktima.[281] Ang “sistematiko” na atake ay nagpapahiwatig ng “isang pattern o metodikal na plano.”[282] Pero, habang ang plano o patakaran ay mahalagang ebidensiya sa pagpapatunay na ang isang atake ay nakatuon sa sibilyang populasyon, ito ay hindi isang legal na elemento ng krimen laban sa sangkatauhan.[283]
Para masabi na kapana-panagot ang isang indibidwal sa krimen laban sa sangkatauhan, dapat na mayroon silang kaalaman sa krimen. Alam dapat ng mga nagsagawa [perpetrators] na ang kanilang ginawa ay parte ng malawakan o sistematikong atake laban sa sibilyang populasyon.[284]
Puwedeng managot sa krimen ang mga nanunungkulan dahil sa pagkabigo nilang pigilan ang krimen laban sa sangkatauhan na ginagawa ng kanilang mga tauhan, o idaan ang usapin para mausig gayong alam nila o dapat na alam nila ang tungkol sa mga krimen.[285] Dahil kasama ang mga krimen laban sa sangkatauhan sa krimen ng hurisdiksiyong unibersal, lahat ng estado ay responsable sa pagpaparusa sa mga nagkasala ng krimen laban sa sangkatauhan.
Para malaman kung ang isang atake ay pumapaloob sa alinman o sa parehong kahingian ng pagiging “malawakan” o “sistematiko” na atake laban sa sibilyang populasyon, kasama sa mga salik ang “mga resulta ng atake sa tinarget na populasyon, ang dami ng biktima, ang kalikasan ng mga akto, ang posibleng partisipasyon ng mga opisyal o otoridad o kahit anong nakikitang mga padron ng krimen.”[286] Importante rin na tingnan:
Ang pagkakaroon ng isang kilalang patakarang tumatarget sa isang partikular na komunidad, ang pagtatatag ng kaagapay na institusyon para isagawa ito, ang pagkakasangkot ng matataas na politiko o militar, ang pagtatalaga ng malaki-laking pinansiyal, militar o iba pang rekurso at ang malawig o paulit-ulit, di-nagbabago at tuloy-tuloy na katangian ng karahasang isinasagawa laban sa isang partikular na populasyong sibilyan ay kabilang sa ilang salik na nagpapakita ng malawakan o sistematikong katangian ng isang atake.[287]
Resposibilidad ni Pangulong Duterte
Kahit bago pa nag-anunsiyo sa pagtakbo sa 2016 presidential election, nilinaw ni Duterte na ipapataw niya sa buong bansa ang mapang-abusong “crime control” na taktikang ginamit niya bilang mayor ng Davao City.[288] Sa isang pampublikong rally nung Mayo 22, 2015 bago pa man siya kumandidato, deretsahan niyang babala:
Kapag naging presidente ako, magtago na kayo. Yung 1,000 [na pinatay sa Davao City], aabot sa 50,000. Papatayin ko lahat kayo na ginagawang miserable ang buhay ng mga Filipino. Papatayin ko talaga kayo. Mananalo ako dahil sa pagkasira ng batas at kaayusan (law and order). Ayokong gawin itong krimen. Pero kung sakaling ilagay ako ng Diyos doon, humanda kayo dahil ang 1,000 [na pinatay sa Davao City] ay magiging 100,000. Makikita niyong tataba ang mga isda sa Manila Bay. Doon ko kayo itatapon.[289]
Ang tahasang panata ni Duterte sa kampanyang malawakang pamamaslang laban sa mga tulak at gumagamit ng droga ang naging pundasyon ng kaniyang platapormang pang-eleksiyon sa pagkapangulo. Halimbawa, sa isang campaign rally noong Marso 15, 2017 sa siyudad ng Lingayen sa norte, sabi ni Duterte: “Kapag ako naging pangulo, uutusan ko ang pulis na hanapin iyang mga tao [na nagtutulak o gumagamit ng droga] at papatayin ko sila. Mapupuno ang mga punerarya.”[290] Noong Abril 26, kausap ang mga lider negosyante sa Makati Business Club sa Maynila, paulit-ulit na ipinangako ni Duterte: “Magiging madugo. Gagamitin ko ang militar at pulis para arestuhin sila, tugisin sila. At kapag nanlaban, at inilagay sa panganib ang buhay ng mga law enforcers at militar na inutusan ko, sasabihin ko lang, ‘Patayin ninyo silang lahat at tapusin ang problema’.”[291] Noong Mayo 7, huling araw ng kampanya para sa presidential elections, nilinaw ni Duterte na dapat seryosohin ang mga banta niya: “Lahat kayong nagdodroga, putang ina niyo, papatayin ko talaga kayo. Wala akong pasensiya. Walang middle ground.”[292]
Pagkahalal bilang presidente, walang pasubaling ipinagpatuloy ni Duterte ang tutok niya sa kampanya kontra-droga sa pagpatay sa mga tulak at gumagamit ng droga. Sa isang talumpati sa Davao City noong Hunyo 4, babala niya: “Kung kayo nagdodroga pa rin, papatayin ko kayo. Hindi ako nagbibiro. Hindi ko kayo pinapatawa. Mga putang ina ninyo, papatayin ko talaga kayo.”[293]
Kahit noong inauguration speech niya noong Hunyo 30, ipinahayag ni Duterte ang intensiyon niyang ilagay ang batas sa kaniyang kamay sa kaniyang kampanya kontra-droga:
Sabi nila di-karaniwan ang paraan ko at kaunti na sa pagiging ilegal…. Hindi huhupa at tuloy-tuloy ang laban. Alam ko kung ano ang legal at kung ano ang hindi. Walang kompromiso ang due process at ang rule of law. Gawin ninyo trabaho ninyo, gagawin ko ang akin.[294]
Kahit sa inaugural dinner nang gabing iyon, inulit ni Duterte ang kaniyang pangakong papatayin ang sangkot sa droga, kahit pa sila pulis—at hinimok ang ordinaryong mamamayan na sumali sa pagpatay sa mga drug suspects:
Itong mga putang inang ito ang sumisira sa kabataan natin. Binabalaan ko kayo, ‘wag kayo pupunta diyan, kahit na pulis ka, dahil papatayin talaga kita…. Kung may kilala kang adik, sige lang at patayin mo siya dahil masakit kung magulang ang papatay…. Sa mga gumagamit pa rin ng droga, binalaan ko na kayo nung eleksiyon. Ano man ang mangyayari…sasabihin ko ngayon: walang paghihinayang. Sinabihan ko kayong tumigil. Kung may mangyari sa kanila [mga adik], ginusto nila ‘yan.[295]
Simula nang maupo sa puwesto, paulit-ulit na ipinangako ni Duterte na papatayin niya ang mga tulak at gumagamit ng droga sa gitna nang dumaraming ulat ng extrajudicial executions ng pulisya at sinasabing vigilante. Nagtalumpati noong Agosto 6, 2017 sa Davao City, pagkatapos bisitahin ang isang sugatang pulis, binalaan niya ang mga tulak: “Ang utos ko ay patayin kayo. Wala akong pakialam sa karapatang pantao, maniwala kayo sa akin.”[296] Sabi ni Duterte sa opisyal ng militar sa Cebu City: “Yung mga patayan na nangyayari dito? Dagdagan natin. Ako ang bahala.”[297]
Habang tumataas ang bilang ng namamatay, lumakas ang presyon at kritisismo sa kampanya kontra-droga ni Duterte, pero inanunsiyo niya na hindi siya sakop ng internasyonal na batas. Noong Agosto 17, kausap ang mga komander ng Philippine National Police sa national headquarters, sabi niya:
Kung ordinaryong mamamayan ako, at nawala ang anak kong babae sa droga, nabubuntis siya limang beses kada taon, nasira siya dahil sa droga, nawala sa akin anak kong lalake at isa pa ulit... Bullshit, papatayin kita, papatayin kita. Ilalagay ko sa sariling kamay ang batas. Hindi ko ito palalampasin. Kalimutan na natin ang batas ng tao, kalimutan na natin ang internasyonal na batas, bahala na.[298]
Nang ang maraming opisyal ng UN ang pumuna sa malawakang pamamaslang, sumagot si Duterte ng pagbabantang aalisin niya ang Pilipinas sa United Nations, aniya, “Anong konsekuwensiya [para sa malawakang pamamaslang]? Wala akong pakialam sa kanila. Sila ang nakikialam.[299] Sa isang news conference na ginanap nang 1 n.u., paulit-ulit na inangkin ni Duterte ang personal na responsibilidad para sa pagpatay ng pulisya sa pinagsususpetsahang sangkot sa droga, at sinubukang pangatwiranang ang tumataas na dami ng namamatay sa pagkumpara nito sa biktima ng epidemya ng droga sa Pilipinas:
Extrajudicial killing? Ako ang magpapaliwanag sa publiko para sa international release kung gusto mo. Para sa lahat ng nangyari sa mga kriminal at sa operasyon ng pulis—operasyong maglalapat ng parusa, police action—handa akong sagutin iyan. Inaako ko ang buong responsibilidad sa nangyari kasi ako ang nag-utos. Ngayon, ang utos ko noong unang araw ng termino ko ay: Humayo kayo at hanapin itong mga kriminal. Arestuhin ninyo kapag mabait sumuko pero kapag mapusok na nanlalaban e di patayin mo na lang siya dahil ayokong may namamatay nang walang saysay sa gobyerno ko gayong ginagawa mo lang trabaho mo ngayong naiiwan mo ang pamilya at mga anak mo.... Sa extrajudicial killing, sinasabi natin hindi trabaho ng pulis na ibalot ang mga tao sa masking tape at ilagay sa bag, hindi ‘yan trabaho ng pulis. Sabi ko sa kanila isang bala lang. Bakit kailangan mo pang ibalot yung ulo? Sabi ko ‘wag ka nang mag-aksaya ng oras....
Ang Commission of Human Rights, ewan ko bakit, pero iginigiit nilang bilangin yung patay na kriminal at hindi man lang kinumpara sa mga biktimang napatay, mga inosenteng tao, mga taong sumusunod sa batas na napapatay sa kalye, noong parehong panahon noong isang taon.... Inilalahad ninyo ang panig ng mga kriminal. E paano kung ilahad naman ninyo ngayon ang panig ng gobyerno na pumoprotekta o pumipigil ng pagpatay ng mga tao, mga inosenteng biktima?
Ang trabaho ko, ladies and gentlemen, at ng United Nations, ang trabaho ko bilang presidente ay protektahan ang mga inosenteng mamamayan na sumusunod sa batas. Kailan man hindi ko naging tungkulin na protektahan ang buhay ng mga kriminal sa kahit anong batas....
Alam ninyo, napuwersa akong [gawin ang mga ito]. Ang sinasabi ko lang, kalimutan mo ang batas. Kalimutan mo ang United Nations. Kalimutan mo ang poot. Wala ‘yan sa lugar. Ngayon sasabihin ko sa’yo, anong karapatan mo sa mundong ito na gumawa ng shabu, ipakain sa mga anak ko, at sirain sila habambuhay? ... Sinisira ng droga mo ang kabataang tumutulong sa’kin. Sinisira mo na ako ngayon pa lang. Ngayon tatanungin kita. May karapatan ba akong sirain ka? Ngayon pa lang din, para walang ganitong mangyayari sa ibang pamilya?[300]
Noong Setyembre 20, pareho ang reaksiyon ni Duterte sa pagsambit ng pagkabahala ng European Union tungkol sa pagtaas ng dami ng namamatay sa diumano’y extrajudicial killings, muli niyang inako ang responsibilidad sa mga patakarang ito:
Noong mayor ako, simple lang. Sabi ko sa mga [kriminal at tulak] na umalis. Kung ikaw sangkot sa droga, murder for hire, umalis ka. Kasi kapag hindi—totoo ito—papatayin kita. At sa proseso, marami akong napatay sa utos ko. Hindi ‘yan problema.... Binasa ko yung pagkondena sa akin ng EU. Sabi ko, Fuck you.... Paano ako? Ako, sinong napatay ko? Sabihin na nating totoo, 1,700. Sino sila? Mga kriminal. Genocide ba tawag ninyo diyan? Sila, ilan na pinatay nila? Kung sisirain mo ang kabataan ng bayan, ako ang papatay sa iyo. Hindi krimen na sabihin ito. Kaya't huwag niyo gagamitin ang salita ko laban sa’kin na "nagtatawag siya ng pagpatay." Kailan naging masama manakot ng mga kriminal?[301]
Kalagitnaan ng Disyembre, ipinagmamalaki ni Duterte ang kaniyang personal na partisipasyon sa patayan sa Davao City bilang hayag na utos sa mga opisyal ng batas sa kasalukuyan: "Sa Davao, ako mismo gumagawa— para ipakita lang sa kanila na kung kaya ko, bakit hindi ninyo kaya? … Talagang naghahanap ako ng gulo para makapatay."[302]
Ang mga pahayag na ito ay halimbawa lang ng mga sinabi ni Duterte at ibang matataas na opisyal noong kampanya niya sa pagkapangulo at sa umpisa ng kanyang panunungkulan bilang indikasyon ng intensiyon niyang gamitin ang law enforcement agencies ng bansa para lumahok sa extra-judicial killings ng mga suspek sa halip na tratuhin sila ayon sa nakasaad sa batas ng Pilipinas at international law. Pinuri pa niya ang tumataas na bilang ng mga napaslang sa mga engkuwentro ng pulisya bilang patunay na "tagumpay" ang kaniyang "giyera kontra droga.” Sa konteksto ng kampanya laban sa droga na may libo-libong napatay na labag sa batas, at posibleng magdulot ng karagdagan pang pamamaslang, may ilang batayan na pananagutang kriminal si Duterte at kanyang mga pangunahing tauhan.
Sa ngayon, walang ebidensiya na makakapagpakita na plinano ni Duterte o mismong siya ang nag-utos ng extra-judicial killings. May ilang insidente, partikular noong panahon ng kampanya, na mistulang isinagawa bilang antisipasyon sa isang kampanya kontra-droga kung saan mawawala ang mga legal na hadlang sa pamamaslang. Pero nang siya'y naging pangulo na, ang paulit-ulit na mga pahayag ukol sa pamamaslang bilang bahagi ng kanyang kampanya kontra-droga ay posibleng maituring na pang-uudyok sa pagpatay. Dagdag pa rito, ang mga pahayag ni Duterte na akmang nananawagan sa mga vigilante sa kalakhang populasyon na dahasin ang mga pinaniniwalang gumagamit ng ipinagbabawal na droga ay maituturing na pambubuyo ng karahasan.
Bukod pa dito, ang doktrina ng pananagutan ng pinuno ay nagpapataw ng pananagutang kriminal sa mga opisyal kaugnay ng akto ng kanilang mga tauhang lumabag sa batas; kung saan alam ng pinuno o kaya ay may rason para malaman ang mga aktong labag sa batas, at nagkulang siyang pigilan o parusahan ang mga ito. Ang di-legal na pamamaslang na isinasagawa ng mga pulis sa ilalim ng utos ni Duterte ay paulit-ulit nang ipinapaalala sa kaniya ng media, United Nations, mga dayuhang gobyerno, at ng lokal at internasyonal na non-govermental organizations, pati na ng Human Rights Watch. Ang kaniyang mga pampublikong komento bilang tugon sa mga alegasyon ay ebidensiya na alam niya ang tungkol sa mga pamamaslang na ito.
Ukol sa posibilidad ng krimen laban sa sangkatauhan (crimes against humanity), ang paulit-ulit na paghikayat ni Pangulong Duterte sa pamamaslang sa mga pinaghihinalang tulak at gumagamit ng droga ay nagpapahiwatig sa isang patakaran ng gobyerno na umaatake sa isang tukoy na populasyong sibilyan. Ang mga impormasyon sa mga partikular na kasong nakalap ng media at non-govermental organizations tulad ng Human Rights Watch ay nagpapakita na malawakan ang mga atakeng tulad nito. Ang "paulit-ulit, di-nagbabago at patuloy na klase ng karahasan" na isinasagawa ng pulisya ay repleksiyon ng isang sistematikong atake. Kahit anong pamamaslang sa mga drug suspek ng pulisya na may kinalaman o may kaalaman sa patakaran o plano ay hahantong sa krimen laban sa sangkatauhan, kung saan ang mga nakatataas na opisyal ang mananagot dahil sa kanilang pananagutan bilang pinuno.
Walang ebidensiya na si Duterte ay gumawa ng mga hakbang para pigilan o parusahan ang mga responsable sa mga pamamaslang. Ang kanyang patuloy na komento sa publiko ay nagpapalinaw na kanyang binabalewala ang pagka-ilegal ng mga aksiyon ng pulis; walang pagpapakita ng kagustuhanng imbestigahan ang mga naturang krimen. Tulad ng nabanggit, simula nang manungkulan si Duterte, walang naaresto o nalitis na opisyal ng pulisya dahil sa kanilang papel sa natukoy na extrajudicial killings ng drug suspects.
Responsibilidad ng Nakatataas na Opisyal ni Duterte
Gayong nanguna si Presidente Duterte sa panawagan para sa karahasan sa kaniyang "giyera kontra droga," nang-udyok din ng ilegal na pamamaslang ang karamihan sa kaniyang nakatataas na opisyal, na siyang humahadlang sa mga pagsisikap na imbestigahan ang pamamaslang ng mga pulis sa mga pinaghihinalaang tulak at gumagamit ng droga.
Nang-udyok din ng vigilante killings sa mga tulak ang matagal nang kapanalig ni Duterte mula pa noong police chief siya sa Davao City, kahit pa noong mayroon nang “giyera kontra-droga” sa siyudad, ang kasalukuyang pinuno ng PNP na si Ronald dela Rosa. Noong Agosto 27, 2016, sinabi niya sa pulong ng libo-libong sumukong gumagamit: "Tulungan natin ang isa't-isa. Pero huwag nating kalimutan ang drug lords. Alam na nila kung saan sila pupunta. Gusto ninyong patayin ko sila? Papatayin ko sila. Puwede ninyo rin silang patayin dahil kayo ay mga biktima. Buhusan ninyo ng gasolina ang mga bahay nila, sunugin ninyo. Magalit kayo."[303]
Pagkatapos hangarin ng Senado na imbestigahan ang mga pamamaslang noong Hulyo, binatikos ni dela Rosa ang pagsisikap nito bilang "legal harassment," aniya “nakapanghihina ito ng moral” ng mga opisyal ng Philippine National Police. Sa parehong press conference, binatikos din ni Solicitor-General Jose Calida, ang pagsisikap ng Senado na imbestigahan ang pamamaslang ng pulisya bilang pagtatangkang makakuha ng "media mileage," sabi niya:
Narito ako para magpakita ng suporta sa gobyernong Duterte sa kampanya kontra-droga. Ang opisina ng Solicitor-General ay tagapangtanggol ng Republika ng Pilipinas at ng mamamayang Filipino. Sawa na ang mga tao sa banta ng droga na sumisira sa kabataan at lipunan.
Hindi kami papayag na ideskaril itong pagsisikap [ng pulis] at mga opisyal nito na maipatupad ang utos ng ating presidente na pigilin ang drug trafficking at ang panganib nito sa ating lipunan. Nandito ako para hikayatin ang PNP na huwag matakot sa kahit anong imbestigasyon ng Kongreso o Senado. Ipagtatanggol namin sila [mga pulis]. Kung may "fiscalizer," ako ang neutralizer at tagapagtanggol ng PNP.[305]
Paulit-ulit din na tumangging rumesponde sa mga panawagan na imbestigahan ang mga pamamaslang sa ilalim ng giyera kontra droga ni Duterte ang Secretary of Justice na si Vitaliano Aguirre II, kaklase sa law school at frat brother ni Duterte.
"Kapit sa patalim sa desperadong panahon," aniya. "Kaya sinusuportahan namin ang ginagawa ng presidente."[306] Binalewala niya ang mga alegasyong kasangkot ang pulisya sa extrajudicial killings, ayon sa kaniya mga armadong nanlalaban lang ang pinapaslang ng mga pulis, at sinisi ang karamihan sa pamamaslang sa mga tulak mismo:
Tingin ko kailangan nating tingnan [ang mga pagpatay] sa tamang perspektibo. Desperadong panahon ito. Nasa krisis tayo. …Malinaw si Pangulong Duterte dito: walang papatayin na di-armado. Puwede lang gumamit ng puwersa kapag nasa panganib ang buhay mo at iyan ang ginagawa ng puwersa ng pulis sa Pilipinas. Alalalahanin ninyong maraming napatay dahil sa mga drug lord. Takot silang kumanta ang mga tinyente nila, baka maging saksi laban sa kanila, kaya sila mismo ang pumapatay [sa kanila]. [307]
Noong Pebrero 1, tumugon si Aguirre sa mga alegasyon ng Amnesty International na ang mga pamamaslang sa "giyera kontra-droga" ay maituturing na posibleng krimen laban sa sangkatauhan, sabi niya, "Mga kriminal... drug lords, tulak, hindi ‘yan tao. Tingin ninyo tao sila? Hindi. Hindi ako naniniwala." [308]
Ipinangakong Kaligtasan sa Nakabababang Komandante
Sa kanyang paghikayat sa pulis na ilunsad ang kanyang kampanya kontra-droga, paulit-ulit na sinabi ni Pangulong Duterte na poprotektahan niya ang pulisya sa prosekusyon. Noong Hulyo 19, 2016, sa isang fellowship dinner kasama ang kaniyang dating kaklase sa law school, sinabi ni Duterte na maaaring ipagpatuloy ng mga pulis ang "giyera kontra-droga" nang walang pag-aalala sa prosekyusyon: "Puwedeng magbigay ng pardon, conditional or absolute ang pangulo; o bigyan ng amnesty nang may pagsang-ayon ng Kongreso. Gagamitin ko ‘yan, maniwala ka."[309]
Sa isang press conference noong Agosto 21, ipinaliwanang niya na ang kaniyang pangako na protektahan ang pulisya ang isa sa mga dahilan kung bakit naging madugo ang "war on drugs":
Tandaan ninyo, binalaan ko ang lahat, sinabi kong baka maging madugo dahil alam kong ang mga pulis ngayon ay may partikular na pag-iisip na poprotektahan sila ng batas kung magkakaroon sila ng marahas na komprontasyon. Dahil dati, takot sila sa karapatang pantao, at nawalan ng trabaho ang marami sa kanila dahil hindi nila kayang kumuha ng abogado para depensahan ang sarili nila. [310]
Binalaan na din ni Duterte ang mga organisasyong pangkarapatang pantao na huwag na maghain ng kaso ng extrajudicial killings laban sa pulisya o opisyal ng army, sabi niya, "Gusto kong sabihin ngayon—hindi sila makukulong—hindi habang narito ako." [311]
Noong Nobyembre 5, binaril at napatay ng mga pulis sa loob ng kulungan sa Leyte ang mayor ng Albuera na si Rolando Espinoza, Sr. na inakusahan ni Duterte na kasangkot sa pagtutulak ng droga, gayundin ang isang kasamang bilanggo. Natukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) na "rub-out" ang ginawa sa dalawang di-armadong bilanggo sa kanilang kulungan, at naghain ng mga kaso ng murder. Sumagot si Duterte at sinabing hindi uusigin ang mga opisyal:
Hindi ako papayag na mabilanggo ang mga opisyal na ito. Wala akong pakialam kung sinasabi ng NBI na murder. Sa katunayan, ang NBI at [Department of Justice] ay parehong nasa ilalim ko. Ako ang mananagot at magpapakulong. [312].
Matagal nang natatamasa ng pulisya at militar ang walang kaparusahan (o impunity) sa prosekyusyon sa mga pang-aabuso at kawalang respeto sa karapatang pantao. Maaaring gawing mahirap o imposible ng presidente ang prosekyusyon sa mga naakusahang pulis o militar. Nagiging taliwas sa prosecutorial independence at paggalang sa batas ng Pilipinas ang paggawa nito. Sa ilalim ng konstitusyon, maaaring magbigay ng amnestiya, magbigay ng commutations (pagbaba ng tagal ng pagkakulong), at pardon ang presidente nang may pagsang-ayon ng Kongreso.[313]
Ang kabiguan ng isang estado na mang-usig o ang probisyon ng kawalang kaparusahan sa mga sangkot sa mabibigat na krimen na labag sa internasyonal na batas ay hindi magkakabisa sa labas ng bansa. Ang mga dayuhang hukuman na kumikilos sang-ayon sa hurisdiksiyong unibersal o internasyonal na hukumang pangkrimen, kasama dito ang International Criminal Court, ay hindi nakatali sa domestikong paggawad ng kawalang kaparusahan, at maaaring mang-usig ng mga protektadong nagkasala, pati sa mga kasangkot na opisyal alinsunod sa batayang pananagutan ng pinuno.
V. Internasyonal na Tugon sa “giyera kontra droga” ni Duterte
Nagambala ang relasyong ng Pilipinas sa pinakamalalapit na kakamping bansa nito sa Kanluran dahil sa pagtaas ng bilang ng ilegal na namatay sa “giyera kontra droga,” pati ang hayagang pagsuway ni Pangulong Duterte sa internasyonal na pamantayan sa karapatang pantao at pakikipag-away niya sa mga kritiko. Pinakamalapit na kakampi ng Pilipinas ang Estados Unidos at European Union batay sa kasaysayan. Sa harap ng walang tigil na paggiit ng administrasyon ni Obama ng US, kabastusan at kabulastugan ang tugon ni Duterte. Kasama sa mga ganitong reaksiyon ang banta na bawasan ang ugnayanat pagpapatibay ng pagiging malapit sa Tsina at Rusya, mga bansang di-gaanong kritikal sa pang-aabuso ng kampanya kontra-droga.[314]
Ang Estados Unidos
May kabagalan ang pamumuna ng gobyerno ng US, dating kolonyal na puwersa at isa sa mga malapit na kapanalig ng Pilipinas, sa kampanya kontra-droga. Gayunman, nang magsimula ang pamumuna, naging isa ito sa mga mapaggiit na kritiko at nakagawa ng tiyak na hakbang para liitan ang suporta sa Philippine National Police, pero hindi sa ibang security forces. Ayon sa mga naunang ulat, maaari itong biglang magbago sa ilalim ni Pangulong Donald Trump.
Isa sa pinakamalaking donor ng Pilipinas ang Estados Unidos, na nangako ng halos US$180 milyon na tulong para sa 2017 fiscal year, karamihan nito ay direktang tulong sa security services ng Pilipinas, kabilang ang pagbibigay ng mga armas at training sa pulisya.[315]
Nung Hulyo 27, 2016, ang US Secretary of State noon na si John Kerry ay nangako na magbigay ng $32 million na “training at serbisyo” sa Philippine National Police.[316] Apat na buwan ang lumipas, nang naging katakot-takot ang ebidensiya laban sa pagkakasangkot ng pulisya sa pang-aabuso, sinuspende ng State Department ang pagbebenta ng 26,000 na military assault rifles sa pulisya dahil sa pagtutol ni Senador Benjamin Cardin, miyembro ng Senate Foreign Relations Committee.[317] Tinutulan ito ni Cardin dahil sa “pagkabahala sa mga paglabag sa karapatang pantao ng Pilipinas.”[318]
Mga pag-iinsulto ang tugon ni Duterte, sa Rusya na lang siya bibili dahil walang kailangang kondisyon sa karapatang pantao:
Tingnan mo ‘tong mga unggoy. Yung 26,000 na baril na gusto namin bilhin, ayaw na nilang ibenta. Putang ina. Marami kaming bomba dito. Mga tanga. ... Sabi ng Rusya, sabi ng ambassador, “Pumunta kayo sa Rusya, meron kami lahat ng gusto n’yo.”[319]
Noong Agosto, nagpahayag ang tagapagsalita ng State Department na si Anna Richey-Allen ng pagkabahala sa mga ulat ng extrajudicial drug killings, aniya, “Lubos naming hinihimok ang Pilipinas na siguraduhin ang law enforcement efforts nito ay sumusunod sa kaniyang obligasyon sa karapatang pantao.”[320]
Noong Setyembre 29, nagbigay ng joint statement na nagkokondena ng pang-aabuso sa kampanya kontra-droga sina US Senators Cardin at Patrick Leahy, awtor ng isang probisyon sa batas ng US na nagbabawal sa pagtulong sa mga banyagang security units na lumalabag sa karapatang pantao nang walang pananagutan. Nagtapos ang pahayag ni Leahy na ang “giyera kontra-droga” ni Duterte ay “hindi isang sitwasyon kung saan nagkakaroon ng minsanang pagkakamali o masugid na paggamit ng dahas. Ito ay sistematiko, malawak, brutal, at labas sa saklaw ng isang konstitusyunal na demokrasya.”[321] Tugon ni Duterte: “Bakit kayo namamaril ng mga itim kahit lagpak na sa lupa? Kayo pwede, pero kami hindi? ... Wag kayong magpanggap na konsensiya ng mundo.”[322]
Inanunsiyo noong Disyembre 14 ng US Embassy sa Maynila ang pagtanggi ng gobyerno ng US sa gobyerno ng Pilipinas ng bagong Millennium Challenge Corporation (MCC) grant dahil sa “lubhang pagkabahala tungkol sa rule of law at civil liberties sa Pilipinas.”[323] Tinutukoy ng pahayag ang malawakang pananalakay sa mga saligang karapatan sa pamamagitan ng pagbanggit na kasama sa mga pamantayan para sa makatatanggap ng tulong ng MCC ang “hindi lang basta may passing scorecard pero nagpapakita ng katapatan sa rule of law, due process at respeto sa karapatang pantao.” Malaking kawalan sa gobyerno ni Duterte itong pagkait ng grant. Nagbigay na ang MCC ng $434 milyon sa Pilipinas mula 2011 hanggang 2016 at mukhang masasagasaan ang ikalawang limang-taong funding grant na maaaring nakatarget sa malalaking infrastructure projects na pinayagan na ng MCC noong Disyembre 2015 itong desisyon na ipagkait ang karagdagang funding para sa Pilipinas.[324]
Ang pagsuspende ng US sa security assistance sa pulisya ay hindi nakaapekto sa tulong nito sa sandatahang lakas ng Pilipinas. Noong Nobyembre, inanunsyo ng State Department na malilipat ang limang milyong dolyar na nakatalaga para sa tulong sa law enforcement sa $180 million 2017 fiscal assistance; mapupunta ang $4.5 milyon sa maritime law enforcement, at ang natitirang pera ay sa human rights training at internal reform efforts. Ayon sa tagapagsalita noon ng State Department na si John Kirby:
Simula ng kampanya kontra-droga, inilipat ang law enforcement assistance mula sa narcotics control patungo sa pagsuporta sa maritime security efforts at human rights training ng Philippine National Police. … Kami ay nagdesisyon na ang mabuting gawin ay ilipat ang pansin sa kung paano gagastusin ang ibinigay na tulong.
Noong Oktubre 2016, tinapos ng San Francisco police department ang tumagal nang 16 taon na training program para sa Philippine National Police na nagsimula nung 2000 dahil sa “pagkabalisa tungkol sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang sibil at karapatang pantao sa Pilipinas.” [326]
Tuwing binabanggit ng mga opisyal ng US ang tungkol sa pagkabahala nila sa extrajudicial killings sa “giyera kontra droga,” tinutugunan ito ni Duterte ng bastos at abusadong pananalita. Noong Agosto, pinuna ni Duterte ang US Ambassador at sinabing, “Nakipagtalo ako sa kanilang ambassador, ‘yang baklang putang ina, naaasar talaga ako sa kaniya.”[327] Nang ipaalam sa kaniya na maaaring magsaad ng pagkabahala si Presidente Obama tungkol sa mga pamamaslang sa isang ASEAN summit noong Setyembre 6 sa Laos, sabi ni Duterte na “Putang ina, mumurahin kita sa forum na ‘yan,” napagpasyahan ng US na kanselahin ang bilateral meeting ng dalawang presidente. [328]
Pagkatapos ng insidente sa ASEAN, muling idiniin ni Obama ang kaniyang pagtugon tungkol sa mga isyu ng human rights sa “giyera kontra droga” sa Pilipinas, sabi niya:
Hindi namin iaatras ang aming posisyon, kung makikipagtulungan kami sa isang bayan–kontra-terorismo man, o pagtugis sa drug traffickers—kasuklam-suklam man ang mga network na ito, at anuman ang pinsala ang natatamo nila, sa aming pagtingin, mahalagang sa tamang paraan namin ito gagawin. [329]
Pagkahalal noong Nobyembre ni Donald Trump bilang presidente ng US, sinabi ni Duterte na inendoso diumano ni President-elect Trump ang kaniyang kampanya kontra droga sa isang tawag sa telepono, sinabi daw kay Duterte na ang pagsagawa niya sa kampanya “ay nasa tamang paraan.”[330] Ang pagtawag ni Trump pagkatapos ng eleksiyon ay isa sa maraming ginawa niya nang walang abiso mula sa State Department, taliwas sa nakagawian. Hindi pinabulaanan ng transitional team ni Trump ang pahayag ni Duterte tungkol sa tawag, sinabi nilang ang dalawa ay “pinansin ang matagal nang pagkakaibigan” ng kani-kaniyang bansa at magtutulungang maigi sa kanilang “parehong interes at pinapahalagahan.” [331]
Noong confirmation hearing ng Senado ng US kay Secretary of State Rex Tillerson nung Enero 11, 2017, tumanggi si Tillerson na punahin ang abusadong drug war ni Duterte at sa halip ay ipinahiwatig na mas pahahalagahan niya ang malapit na pakikitungo sa gobyerno ng Pilipinas.[332] Nang tanungin ni Senador Marco Rubio kung ang pagpaslang sa libo-libong Pilipino “ang tamang paraan para pangasiwaan ang kampanya kontra-droga,” sumagot si Tillerson ng “ang US at ang Pilipinas ay mayroong mahabang pagkakaibigan, at mahalagang panatilihin natin ang perspektibong ito sa pakikipag-ugnay sa Pilipinas, na ito ay kakampi. Kailangan nating panatilihing kakampi ito.”[333]
Noong Enero 26, inanunsiyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipagpapatuloy ng Estados Unidos ang pagpapaganda at pagpapalawak ng mga base militar sa Pilipinas sa 2017.[334] Ayon kay Lorenzana parte ito ng bilateral Enhanced Defense Cooperation Agreement, isang kasunduang naisagawa noong 2014 sa ilalim ng dating Pangulong Benigno Aquino III.
Ang European Parliament at European Union
Noong Setyembre 2016, hinimok ng European Parliament at European Union ang gobyerno ng Pilipinas na “wakasan ang dagsa ng mga extrajudicial executions at pamamaslang, maglunsad ng ‘agarang imbestigasyon’ at magkaroon ng ‘ispesipiko, komprehensibong patakaran at programa’ na alinsunod sa pambansa at internasyonal na obligasyon tungo sa pagrespeto ng karapatang pantao.” [335]
Hindi pa nag-aanunsiyo ang European Union patungkol sa kahit anong paghihigpit nito sa kasalukuyang pagsasanay at capacity building ng Philippine National Police sa mga programang EPJUST I at EPJUST II, na nagtapos noong isang taon at napalitan na ng GoJust (Governance in Justice), isang programang sumusuporta sa mga reporma sa sektor ng katarungan ng Pilipinas. Noong Oktubre, inanunsiyo ng EU Ambassador sa Pilipinas na si Franz Jessen na ang Pilipinas ay tutulong sa pagpondo ng rehabilitasyon ng mga adik na Pilipino, inilarawan ang pang-abuso sa droga bilang “problema ng lahat, at mayroon itong pandaigdigan at lokal na dimensiyon.” [336]
Bilang tugon sa kritisismo ng European Parliament (na pinagkamalan niyang kritisismo ng EU), tinuligsa ni Presidente Duterte ang mga karahasang ginawa ng mga bansang Europeo noong panahong kolonyal, at sinabing: “Basahin ko itong pagtligsa ng European Union [sic] sa akin. Sasabihin ko sa kanila fuck you. Ginagawa n’yo ‘yan para bayad-utang sa mga kasalanan n’yo. [Pagkatapos ng kalupitan nila], ang European Union pa ang may lakas ng apog na kondenahin ako. Uulitin ko, fuck you.”[337]
Noong Oktubre, pagkatapos ng state visits sa Brunei at Tsina, sinabi ni Duterte na nagbanta ang EU na putulin ang tulong sa Pilipinas kung magpapatuloy ang mga pang-aabuso sa “giyera kontra droga”—isang alegasyon na hindi makumpirma ng Human Rights Watch—at nilait na naman ang EU at mga opisyal ng US kung magpapatuloy sila sa banta na wakasan ang tulong bilang tugon sa extrajudicial killings:
Putang ina, ganyan ba kababa ang tingin niyo sa amin? Tulong, US aid, mapunta sana kayo sa impyerno. EU, kaya pala ang gulo na diyan sa inyo ngayon. Ni hindi nga kayo magkaisa kung magsasama-sama pa kayo, kung gagawa pa ng European community o magwawatak-watak na. Bakit? Kasi lahat ng abogado n’yo ay tanga at bobo. [338]
Japan
Walang ginawang pahayag sa publiko si Prime Minister Shinzo Abe tungkol sa “giyera kontra droga” at ang tumataas na bilang ng namamatay noong nasa official visit sa Japan si Duterte noong Oktubre 2016.[339] Sa kabila ito ng alas na hawak ng ng Japan sa pagbisita, na nagdala ng $1.8 bilyon sa investment pledges mula sa mga kompanyang Hapon na galing sa 12 investment agreements.[340] Naiulat na nangako ang Toyota Motor Corp. at Mitsubishi na magtayo ng mga subcompacts sa Pilipinas, nagsabi naman ang kompanyang Marubeni na magbibigay ng $17.2 billion na investment para sa imprastruktura.[341]
Habang nasa state visit noong Enero 12-13, 2017 sa Pilipinas, inanunsiyo ni Abe ang limang taong US$800 milyon na Overseas Development Assistance (ODA) package ng gobyerno ng Japan para “magtaguyod ng pang-ekonomiko at imprastrukturang pag-unlad.”[342] Nangako rin si Abe ng di-ispesipikong tulong pinansyal para sa mga proyektong pang-drug rehabilitation sa Pilipinas.[343] Habang nasa Maynila, sinabi ni Abe na nang di-detalyado, “Sa paglaban sa ilegal na droga, gusto naming makipagtulungan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga makabuluhang hakbang ng pag-suporta.” [344]
Noong Pebrero 10, 2017, nagpahayag ng suporta ang Vice-Minister for International Affairs ng Japan na si Ro Manabe para sa chairmanship ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations sa 2017 at ipinahayag ang kagustuhan ng Japan na “ipagpatuloy ang mas malalim na defense cooperation kasama ang Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipagpalitan at pagbibigay ng sandatang pangdepensa.” [345]
Ang kapalpakan ng bansang Japan na hindi punahin ang pang-aabuso sa kampanya kontra-droga, at ang paggamit sana nito ng leverage o kakayahan para sugpuin ito, ay nagpapakita ng kabiguan ng Japan na isulong ang adyendang nakatuon sa karapatang pantao sa relasyon nito sa Pilipinas.
Tsina
Ang naging tugon ni Presidente Duterte sa internasyonal na kritisismo sa kaniyang “drug war” at ang pagbabawas ng US police assistance at pagbebenta ng mga armas ay paulit-ulit na pag-anunsiyo ng kaniyang intensyon na wakasan ang deka-dekadang pakikipagrelasyon sa US at pagpapalit nito sa mas malapit na relasyon sa Tsina. [346]
Nang makakita ng pagkakataon sa diplomasya, mabilis at hayagang sinuportahan ng Tsina ang “giyera kontra droga” ni Duterte. Inendoso nito nang walang alinlangan ang paulit-ulit na panatang pagpatay sa libo-libong mga gumagamit at tulak ng droga. Noong Hulyo 19, ipinahayag ng Chinese Embassy sa Maynila ang walang pasubaling suporta:
Matatag at seryoso ang gobyerno ng Tsina sa pagpipigil at pagtugis sa lahat ng kriminal ng droga alinsunod sa batas, nang walang pangingimi sa kanilang nasyonalidad. Nagtatatag at nakapagsagawa na ng epektibong kooperasyon sa ibang bansa ang Tsina. Lubos na naiintindihan ng Tsina na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, priyoridad ang pagsugpo sa krimen na may kinalaman sa droga. Malinaw na ipinahayag ng Tsina ang suporta at kahandaan nito sa mabisang pakikipagtulungan sa bagong administrasyon, at pagnanais kasama ng Piipinas na gumawa ng ispesipikong plano ng aksiyon.[347]
Bago ang state visit ni Duterte sa Tsina sa kalagitnaan ng Oktubre, inulit ng tagapagsalita ng foreign ministry ng Tsina na si Geng Shuang na “Nauunawaan at sinusuportahan namin ang mga patakaran ng Pilipinas sa paglaban sa droga sa pamumuno ni Pangulong Duterte.”[348]
Habang nasa Tsina, ipinahayag ni Duterte ang kaniyang pagpapahalaga para sa walang pasubaling suporta ng Tsina sa kaniyang “giyera kontra droga,” ikinumpara niya ang suportang ito sa kritisismo ng US at ng EU:
Tsina lang ang bansang sadyang lumabas at nagpahayag ng suporta sa giyera kontra droga ng aking bayan. Ang ibang bansa, ang Estados Unidos, ang EU, sa halip na tulungan kami—alam nilang kulang kami sa pera, na kami ay mahirap na bansa—ay walang ibang ginawa kundi mambatikos. Hindi nambatikos ang Tsina.[349]
Sa panahon ng pagdalaw, ipinahayag ni Duterte na nakuha niya ang US$24 bilyong halaga ng napagkasunduan sa Tsina para sa pagpapaunlad ng imprastruktura, pasilidad ng pautang sa mga negosyo, turismo, proyektong pangkaunlarans, at pang-industriya. Inanunsiyo pa nga niyang inaabandona niya ang pitong-dekadang alyansa sa Estados Unidos kapalit ng mas malapit na relasyon sa Tsina at Rusya:
Sinasabi ko ngayon ang pakikipaghiwalay sa Estados Unidos, sa ugnayang militar at sa ekonomiya—baka hindi sa panlipunan. … Hiwalay na ako sa kaniya at dedepende sa [Tsina] nang matagal. … Nawala ako ng Amerika. Sumama na ako sa daloy ng inyong ideyolohiya. Baka pumunta ako sa Rusya para kausapin si Putin at sabihin na tatlo na lang tayo laban sa mundo: ang Tsina, Pilipinas, at Rusya. Ito lang ang tanging paraan.[351]
Pagkabalik niya mula sa Tsina, umatras si Duterte, nagsabing gusto lang niyang iphayag na magkakaroon ang Pilipinas ng malayang foreign policy, hindi aabandonahin ang pakikipagrelasyon sa Estados Unidos, “dahil hindi pa handa ang taong bayan na tanggapin [ang hiwalayan].”[352]
Noong Oktubre 21, sa katapusan ng bisita, naglabas ng magkasamang pahayag ang Tsina at Pilipinas na may may pagsusog ng magkaagapay napangako sa “giyera kontra droga” ni Duterte:
Nauunawaan ng Tsina at sinusuportahan nito ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa paglaban nito sa ilegal na droga. Naiintindihan namin na ang problema ng ipinagbabawal na gamot ay malubhang banta sa kalusugan, seguridad, at kapakanan ng mga mamamayan ng parehong bansa, nagkakaintindihan ang magkabilang panig na kailangang paghusayin ang palitan ng kaalaman at teknolohiya sa paglaban sa mga krimeng konektado sa droga, ang edukasyong makapipigil dito, at mga pasilidad para sa rehabilitasyon. … Nagpapasalamat ang Pilipinas sa Tsina sa alok nitong tulong sa pagsasanay ng mga tauhan at donasyon ng drug detection, seizure, at testing equipment para matulungan ang laban kontra ilegal na droga.[353]
Noong Disyembre, nagpahayag ang ambassador ng Tsina sa Pilipinas na si Zhao Jianhua sa mga reporter na ang gobyerno ng Tsina ay “iniisip ang posibilidad ng pagbibigay ng armas, di-kalakasang armas” sa gobyerno ng Pilipinas “para labanan ang terorismo, [para] sa kampanya kontra droga.” [354]. Sa ngayon walang kumpirmasyon ng mga sandatang galing Tsina na naibenta sa gobyerno ng Pilipinas bilang suporta sa “giyera kontra droga.”
Rusya
Noong state visit niya sa Tsina, ipinahayag ni Presidente Duterte na nais niyang “humiwalay” sa Estados Unidos, at lumikha ng mas malapit na alyansa kasama ang Tsina at Rusya (tingnan sa itaas). Maayang tumugon sa pahayag ni Duterte si Igor Khovaev, ang Rusong ambassador sa Pilipinas, at sinabing “Pakibalangkas kung anong tulong ang inaasahan mo sa Rusya, at kami ay handang umupo at makipag-usap tungkol sa kung ano ang maaari at dapat gawin.”[355] Dagdag ng Rusong envoy na sinusuportahan ng Rusya ang “giyera kontra droga” ni Duterte, at hindi babatikusin ang kaniyang gagawin. Sinabi niyang, “Hindi kami nakikialam sa gawaing domestiko ng isang estadong may soberanya. Pangunahing prinsipyo ito ng aming foreign policy.” [356]
Noong Nobyembre 30, muling kinumpirma ng ambassador ng Rusya ang kaniyang katapatan sa “giyera kontra droga” ni Duterte, aniya siya ay “lubos na namangha” sa pagsisikap ng presidente sa pagbuo ng relasyon sa Rusya at “taos-puso namin ninanais na pagpalain kayo sa inyong kampanya [kontra droga]. Naiintindihan naming mabuti ang inyong lehitimong alalahanin. Tungkol naman sa inyong pamamaraan, hindi kami magkokomento,” paliwanag niya na bilang Rusong diplomat ay wala siyang karapatang magkomento sa “domestikong pagyayari” sa Pilipinas. [357]
Ang United Nations
Noong Hunyo 2016, nag-anunsyo ang Secretary-General ng United Nations na si Ban Ki-moon ng "matinding pagkabalisa" sa mga pangungusap kamakailan ng nahalal na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, patungkol sa mga extrajudicial killings.[358] Sa isang taunang pagpupulong ng UN Correspondents Association, sabi ni Ban na, "Mariin kong kinokondena ang malinaw na pag-eendoso ng extrajudicial killing, ito ay ilegal at isang paglabag sa pangunahing karapatan at kalayaan. Partikular na nakababahala ang mga ganoong komento sa patuloy na impunity sa mga seryosong kaso ng karahasan laban sa mga mamamahayag sa Pilipinas."[359]
Noong Agosto, nagbigay si Yuro Fedotov, executive director ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), ng malakas na pagtutol sa paggamit ng extrajudicial killings para labanan ang droga, hinihikayat niya ang mga otoridad ng Pilipinas na respetuhin ang karapatang pantao:
Labis na nababahala ang United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) sa mga ulat ng mga extrajudicial killing sa pinagsususpetsahang tulak at gumagamit ng droga sa Pilipinas. Kasama ako ng United Nations Secretary-General sa pagkondena sa malinaw na pag-eendorso ng extrajudicial killings, ito ay ilegal at paglabag sa pangunahing mga karapatan at kalayaan.
Ang mga tugon na ganito ay sumasalungat sa mga probisyon ng mga pandaigdigang kasunduan sa pagkontrol sa droga. Hindi ito naglilingkod sa hangarin ng hustisya, at hindi nagtataguyod na "ang lahat ng tao ay mabubuhay ng malusog, may dignidad at kapayapaan, na may seguridad at kasaganaan," na sinang-ayunan ng mga gobyerno sa kinalabasang dokumento na inaprubahan sa UN General Assembly special session sa problema ng droga sa daigdig.
Sinusuportahan ng UNODC ang balanse, makatao, base sa ebidensiya at karapatan na pakikitungo sa pagkontrol ng droga, na nakaugat sa pinagkasunduang pandaigdigang convention at standards.
Handang makipag-usap ang UNODC sa Pilipinas at lahat ng bansa sa pagpapataw ng hustisya sa mga tulak ng droga gamit ang mga angkop na legal na safeguards na kalinya ng pandaigdigang pamantayan at norms, at itaguyod ang pagpigil (prevention), paggamot (treatment), rehabilitasyon, at reintegrasyon na lapit batay sa ebidensiya, siyensiya, public health at karapatang pantao. [360]
Nang buwang ding iyon, ang UN special rapporteur sa karapatan sa kalusugan, Dainus Puras, at ang UN special rapporteur on summary executions na si Agnes Callamard, ay nagmungkahi sa gobyerno ng Pilipinas na "tigilan ang bugso ng extrajudicial executions at pamamaslang sa konteksto ng tumitinding kontra-krimen at kontra-droga na kampanya na tumatarget sa tulak at gumagamit ng droga."[361] Inilarawan ni Callamard ang pagpapayo ni Duterte sa publiko na asintahin at gamitan ng extrajudicial violence ang mga pinaghihinalaang gumagamit at tulak ng droga bilang “lisensiyang pumatay” ("license to kill)." [362] Banta ng pag-alis ng Pilipinas sa United Nations ang naging tugon ni Duterte sa pahayag na ito.
Noong Setyembre, pinuna ni Zeid Ra'ad Al Hussein, ang United Nations High Commissioner for Human Rights, si Duterte at ang kaniyang "giyera kontra droga,” at sinabing "ang pag-uyam sa internasyonal na karapatang pantao ay nagpapakita ng matinding hindi pagkaintindi sa mga institusyon ng karapatang pantao at mga prinsipyo na nagpapanatiling ligtas sa ating lipunan.”[364] Sabi niya:
Ang mga pahayag ng paghamak ng Presidente ng Pilipinas sa internasyonal na batas sa karapatang pantao ay nagpapakita ng matinding kawalan ng pag-unawa sa mga institusyong para sa karapatang pantao at mga prinsipyo na nagpapanatiling ligtas ang lipunan. Ang patas at walang kinikilingang panuntunan ng batas ang pundasyon ng kumpiyansang pampubliko at seguridad. Ang pagbibigay ng kapangyarihan sa puwersa ng pulisya para barilin ang kahit sinong indibidwal na kanilang itinuturing na suspek sa krimen ng droga, may ebidensiya o wala, ay nambabaligtad sa hustisya. Ang mamamayang Pilipino ay may karapatan sa pagkakaroon ng mga institusyong panghukom na walang kinikilingan, at tumatakbo sa ilalim ng garantiya ng due process; sila rin ay may karapatan sa isang pulisya na naglilingkod para sa hustisya. Hinihikayat ko ang Pilipinas na imbitahan ang Special Rapporteur on extrajudicial, summary, o arbitrary executions. Handang umalalay ang aking opisina, kasama ang pagrespeto sa batas ng mga institusyong panghukom at ang pag-iwas at pagtrato sa paggamit ng droga na alinsunod sa pamantayang pandaigdig.
Inanunsyo ng Philippine foreign minister noong Disyembre 14 na kinansela ng gobyerno ang binalak na official visit ng UN special rapporteur na si Agnes Callamard dahil "hindi siya susunod sa mga kondisyon ng aming presidente" kaugnay ng gayong pagbisita.[366]. Tinanggihan ni Callamard ang mga kondisyong iyon, sinabing ang mga ito ay "hindi naalinsunod sa code of conduct para sa special rapporteurs," kasama na dito ang pangangailangan na siya ay lumahok sa isang "pampublikong debate" kasama si Duterte.[367]
Noong Disyembre 20, nanawagan si High Commissioner Zeid sa otoridad na panghukom ng Pilipinas na maglunsad ng imbestigasyon sa mga pahayag ni Duterte na siya mismo ay nakabaril at nakapatay ng tatlong suspek sa droga nang siya ay mayor pa ng Davao City, sabi niya, "Dapat maipakita ng otoridad na panghukom ng Pilipinas ang kanilang katapatan sa pagpapatibay ng panuntunan ng batas at ang kanilang kalayaan sa ehekutibo [ang Pangulo] sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang murder investigation." [368]
Mapanghamak na tumugon si Duterte sa panawagan para sa imbestigasyong ito:
May isang opisyal ng United Nations, [tagapamahala] ng katapatang pantao. Sinasabi niyang si Duterte ay mamamatay-tao at dapat na kasuhan ng pagpatay. Ang taong ito ay palabiro o may pagkabaliw. Ang mahirap sa United Nations, kayo, empleyado kayo ng isang katawan ng mga bansa na ang mga opisyal ay hinahalal ng mga tao. Kayong mga opisyal ay nakaupo diyan, binabayaran namin ang suweldo niyo. Tanga. Wag mo kong sabihan kung anong dapat kong gawin. Ako ang amo n’yo. Sino nagbigay sa inyo ng karapatan? Kulang-kulang kayo sa kaalaman sa international law. Kami ang mga nag-aambag sa United Nations. Mga walang hiyang putang ina. Ako nagbabayad ng suweldo mo. ‘Wag mo akong kausapin na para ako ang empleyado. Ako ang pinuno ng isang member state, isang sovereign state. Tumahimik kayo. Maliit ang kokote niyo. Huwag n’yo gawin ‘yan. Empleyado ka lang diyan. Nilagay ka sa pwesto. [369]
Ang International Criminal Court
Noong Oktubre, pinuna ng tagausig ng International Criminal Court ang “matataas na opisyal” ng gobyerno ng Pilipinas para sa kanilang mga pahayag sa publiko na “waring kinukunsinti ang mga pagpatay at waring nanghihikayat sa puwersa ng Estado at sa sibilyan na ipagpatuloy ang pagtarget sa mga indibidwal na ito gamit ang puwersang nakamamatay.”[370] Ipinaliwanag ng tagausig ng ICC na ang mga nagawang krimen ay maaaring pumailalim sa hurisdiksiyon ng International Criminal Court:
Liliwanagin ko: sinumang mamamayan ng Pilipinas na mang-uudyok o lalahok sa paggawa ng malawakang karahasan sa pamamagitan ng pag-utos, paghiling, paghikayat o pag-ambag, sa kahit anong paraan, sa paggawa ng krimen sa loob ng hurisdiksiyon ng ICC ay maaaring managot sa Korte.[371]
Nang balaan ng tagausig ng International Criminal Court si Duterte noong Oktubre na ang extrajudicial killings kaugnay ng “giyera kontra droga” ay maaaring sumailalim sa hurisdiksiyon ng korte bilang "laganap o sistematikong pag-atake sa isang populasyong sibilyan,” nagbanta si Duterte na titiwalag ang Pilipinas sa korte.
Annex I: Sipi mula sa Report ng Pulisya na Naglalarawan ng “Buy Bust” Police Killings
“Dadalhin na ng mga sangkot na personel [si Sisaldo] sa Tondo Medical Center para sa eksaminasyon bilang standard operating procedure [...] [Si Sisaldo] na naobserbahang tila di mapalagay at nakaupo sa kanang bahagi ng likod na upuan ay biglang inagaw ang baril ni PO1 Arthur Lapada. Sa panahong ito nagkagulo hanggang naagaw [ni Sisaldo] ang baril ni PO1 Lapada at itinutok sa pulis. Sa panahong ito, dinukot ni PO1 Obillo na nakaupo katabi ng drayber ang kaniyang baril nang maramdaman na nasa panganib ang kaniyang mga kasamahan at binaril [si Sisaldo].”
Di-kilalang Lalake, 35-40 (Sugatan)
Setyembre 12, 2016, Aplaya, Baseco Compound, Port Area, Maynila
“Habang nasa proseso ng transaksiyon, nahalata [ang di-nakikilalang lalake] ng presensiya ng pulis, at nakompromiso ang buy bust operation nang bumunot [ang di-kilalang lalake] ng baril at pinaputukan ang mga operatiba sa halip na sumuko. Nang maramdamang nasa panganib ang kanilang mga buhay, gumanti ng putok ang mga operatiba sa suspek na kanilang malubhang nasugatan.”
Alias “Buko” 25-30 (Patay)
Setyembre 12, 2016, Tondo, Maynila
"[...] Naramdaman ni BUKO na pulis ang kaniyang katransaksiyon at binunot ang kaniyang baril. Pinaputukan niya si PO2 Menor pero dahil nagmintis kaya naudyok na gumanti ang huli, tinamaan nito ang suspek sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay doon mismo."
Eduardo Salanova, alias "Baloloy," 35-40 (Patay)
Setyembre 10, 2016, Pandacan, Maynila
"Pero habang nagaganap ang transaksiyon, nahalata ng suspek na pulis pala ang kliyente kaya napasigaw siya ng, "PUTANG INA KA, PULIS KA E!" Pagkatapos, pinaputukan ng drug suspek ang operatiba. Walang ibang nagawa ang pulis kundi gumanti at natamaan niya ang armadong suspek sa katawan na agad nitong ikinamatay."
Ronnie Buncao, 50 (Patay)
Setyembre 9, 2016, Binondo, Maynila
"[...] Mula sa isang di-alam na lokasyon narinig ang isang boses na sumigaw ng "KUYA DUDOY MAY MGA PULIS!" Dahil dito nagtakbuhan ang mga suspek sa naturang DTPO pero nahabol sila nina PO1 Sola at Fortuna para arestuhin. Mukhang pagkarating sa hagdan patungo sa ikatlong palapag, binunot [ni Bucao] ang kaniyang [.38 kalibre] revolver at pinaputukan ang mga rumespondeng pulis. Nang maramdamang nasa panganib ang kanilang buhay, nakipagpalitan ng putok si PO1 Sola sa suspek na si Ronni Bucao na nagtamo ng mga tama ng baril at tuluyang namatay."
Paul Dumagas, 37 (Patay)
Setyembre 8, 2016, Sta. Cruz, Maynila
"[...] Nakompromiso ang naturang operasyon nang mahalata ng suspek ang presensiya ng mga pulis. Pagkatapos, nagkaroon ng putukan sa pagitan ng opisyal at suspek na nagresulta sa dagliang pagkamatay ng suspek."
Noel Aquilana, alias "Nognog," 34 (Patay)
Setyembre 8, 2016, Parola Compound, Binondo, Maynila
"Nagpakilala silang pulis at nang aarestuhin na si alias NOGNOG, dinukot nito ang baril sa kaniyang baywang at pinaputukan ang mga pulis pero nagmintis. Nang maramdamang nasa panganib ang kanilang buhay gumanti sila na nagdulot ng dagliang pagkamatay ng suspek."
Di-nakikilalang lalake, 30-35 (Patay)
Setyembre 4, 2016, Tondo, Maynila
"Sa panahong ito, pagkatapos magpakilala si PO1 Alban sumugod at mabilis na dinukot ng namatay ang .38 [kalibre] revolver at nagpaputok ng dalawang magkasunod sa direksiyon ng palapit na mga opisyal. Naudyok ang pulis na gumanti nang maramdamang nasa panganib sila at para mailigtas ang kanilang buhay, natamaan ang suspek sa dibdib at ulo."
Tirso Halaba, 44 (Patay)
Setyembre 3, 2016, Binondo, Maynila
"Nang maramdaman ang presensiya ng mga pulis operatiba, agad lumabas ang di-kilalang lalakeng suspek sa bahay ni [Halaba] at nakatakas. Pero, [si Halaba] na armado naman ng kalibre 38 snub nose ay pinaputukan si PO1 Jason Odita. Nang makitang nasa panganib ang kanilang mga buhay, dinukot ni PO1 Odita ang kaniyang service firearm at binaril si [Halaba] sa katawan na agad at doon na namatay."
Alias "Botoy Castel," 35-40 (Patay); Alias "Junior Saksak," 35-40 (Patay); Ricardo Tudla, 40 (Patay)
Setyembre 2, 2016, North Cemetery 3rd Street, Sta. Cruz
"Sinubukang kumbinsihin ni PSI Anthony Sy ang tatlo (3) na ibaba ang kanilang armas at payapang sumuko. Sa halip na sundin ang pakiusap itinuloy ang pagpapaputok sa direksyon ng mga pulis walang nagawa kundi gumanti ang mga operatiba. Nang humupa ang usok mula sa putok, walang buhay na nakabulagta na doon ang tatlong kilalang sangkot sa droga.”
Jayson Garaldo, alias "Miming," 31 (Deceased)
Setyembre 1, 2016, Gate 54, Parola Compound, Binondo
"[...] Pagkatapos nilang magpakilalang mga pulis, tumakbo ang suspek [si Garaldo] sa loob ng isang maliit na kuwarto at kinuha ang .38 kalibreng revolver at binaril si PO1 Sabal pero nagmintis. Nang maramdamang nasa panganib ang kaniyang buhay at walang ibang magagawa kundi ang gumanti ng putok.”
Benjamin del Rosario, 29 (Patay)
Agosto 6, 2016, Barangay Magtaking, Bugallon, Pangasinan
"Naging pagtugis ang nasabing buy-bust operation nang habulin ng mga elemento ng PS Bugallon ang armadong suspek sa hangganan ng Bugallon-Labrador national highway. Gumamit ng makatwirang puwersa (reasonable force) para maprotektahan ang buhay ng mga aarestong pulis mula sa panganib."
SPO2 Randy Bandong, 37 (Patay)
Agosto 4, 206, Barangay Banaoang, Calasiao, Pangasinan
"[...] Nahalata ng suspek na ang kaniyang katransaksiyon ay undercover na ahente kaya naudyok siyang dumukot ng baril at paputukan ang mga operatiba. [...] Naganap ang puspusang habulan. Habang naghahabulan, ilang beses pinaputukan ng suspek ang patrol vehicle na tinamaan sa windshield, hanggang nakorner siya ng mga opisyal sa kahabaan ng kalsada ng barangay."
Juanito Llamas, legal na edad (Patay); Di-kilalang lalake, (Patay)
Hulyo 29, 2016, Lucao District, Dagupan
"[...] Natutunan ni Juanito Llamas ang senyales kaya siya dumukot ng baril at nagpaputok sa pulis na nagpapanggap na bumibili pero hindi niya ito natamaan, bumunot din [ng baril] ang kaniyang kasama pero nakapagpaputok na ang opisyal at ang kaniyang kasamang back-up at nabaril ang nasabing mga suspek."
Vicente Moulic, alias "Enting," 57 (Patay)
Hulyo 25, 2016, Barangay Pantal, Dagupan
"[...] Nang mang-aaresto na ang nagpapanggap na bibili, nanlaban ang suspek at bumunot ng baril kaya napaatras ang operatiba pero nagawang marendahan at paslangin ang suspek."
Napoleon Miras Ai-Ai, alias "Nono," 27 (Patay)
Hulyo 24, 2016, Barangay Antipona, Bocaue, Bulacan
"Nagsagawa ang [istasyon] ng buy-bust operation kontra-ilegal na droga laban kay ["Nono"], na nagresulta sa pagkamatay nito sa isang shootout na siya mismo ang nagsimula laban sa mga operatiba ng PNP.”
Jay Reloza, alias "Joey", legal na edad (Patay); Jestoni Bernardo, 27 (Patay)
Hulyo 23, 2016, Barangay San Isidro Sur, Binmaley, Pangasinan
"Nang magsimula ang paghahalughog nasa pot-session ang sabjek na si Jay Reloza nang subukan niyang paputukan ang mga opisyal ang gamit ang kaniyang baril pero pumalya ito at gumanti ang grupo na nagsasagawa ng paghahalughog at napatay siya [Bernardo] at kaniyang mga kasamahan."
Florentino Santos, alias "Ante," 44 (Patay)
Hulyo 21, 2016, Barangay Tiaong, Guiguinto, Bulacan
"[...] Biglang dumukot ng di-kilalang klase ng baril ang suspek mula sa kaniyang tagiliran at nagpaputok sa direksyon ni PO1 Hernandez [...] Dahil dito, gumanti si PO1 Hernandez habang ang ibang kasama sa operatiba na ilang metro lang ang layo mula sa nagpapanggap na bibili at police asset […] ay agad sumugod para tulungan si PO1 Hernandez. Habang nagkakaroon ng engkuwentro sa damuhan ang mga pulis at ang suspek, nakatakbo ang asset. Natumba ang suspek sa damuhan pagkatapos makatamo ng ilang tama sa katawan (marahil mula sa baril na gamit nina PO1 Hernandez at Gregorio) na nagdulot ng kaniyang agarang pagkamatay habang ang lahat ng miyembro ng operating team ay hindi nasaktan."
Greg Perez, 30 (Patay)
Hulyo 21, 2016, San Carlos, Pangasinan
"[...] Nang mahalata ang motibo ng operasyon, biglaan niyang dinukot ang kaniyang baril at pinaputukan ang operating team na nag-udyok sa kanila na gumanti upang depensahan ang kanilang sarili at paputukan siya."
Renato Basila, 51 (Patay)
Hulyo 21, 2016, Barangay Pangapisan North, Lingayen, Pangasinan
"Naramdaman ni Basila na si PO1 Garin ay isang pulis kaya bumunot siya ng [.38 kalibre] revolver at nagpaputok pero nagmintis. Gumanti si PO1 Garin at natamaan si Basila."
Domingo Calinaoan, alias "Inggo," Di-alam (Patay)
Hulyo 20, 2016, Malasiqui
"[...] Aarestuhin na sana ng mga intelligence operatives si “Inggo” pagkatapos matupad ang transaksiyon, nang nanlaban siya at dumukot ng maliit na baril at ilang ulit na pinaputukan ang mga operatiba pero nagmintis kaya naudyok silang gumanti at natamaan ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan."
Marco Castillo, alias "Makoy," 39 (Patay)
Hulyo 15, 2016, Barangay Salaan, Mangaldan
"Sa operasyon, inagaw ng nasabing suspek ang baril ng umaarestong opisyal na humantong sa armadong engkuwentro at binaril siya ng intel operatives."
Jeffrey Fernandez, legal na edad (Patay)
Hulyo 10, 2016, Barangay Torres-Bugallon, Mangatarem, Pangasinan
"[...] Tumakbo si Jeffrey Fernandez papunta sa isang maliit na dump truck na nakaparada sa kahabaan ng barangay road at kumuha ng maliit na baril na itinutok niya sa mga pulis na nagsilbing backup na nag-udyok sa kanilang depensahan ang kanilang buhay. Sa sandaling ito pinaputukan ng backup ng PNP ang suspek. "
Edward Sentorias alias "Bebang Bulag," 33 (Deceased)
Hulyo 8, 2016, Don Bosco, Tondo
"Nahalata ni [Sentorias] ang presensiya ng mga pulis at dinukot ang kaniyang [.38] revolver at itinutok kay PO2 Lauriaga. Nang maramdaman na nasa panganib ang kaniyang buhay, nagpaputok si PO2 Lauriaga at natamaan si [Sentorias] sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan at tumumba sa kalye at doon binawian ng buhay.”
Garry Catungal, alias "Opay", legal na edad (Patay); Reynaldo Cornel, 47 (Patay)
Hulyo 4, 2016, Dagupan
"Pagkatapos makumpleto ang transaksiyon na ginawa sa may pintuan ng nirentahang bahay ng dalawa at bago sila arestuhin, pinaputukan ni Garry Catungal ang umaarestong opisyal at natamaan ang pinto ng kuwarto, naudyok ang pulis na gumanti upang depensahan ang kaniyang sariling nasa panganib, sa suporta ng mga backup na operatiba, at humantong ito sa pagkamatay ng dalawa.”
Erwin Bato, Di-alam ang edad (Patay)
Hunyo 8, 2016, Barangay Tagapo, Sta. Rosa, Laguna
"Nang makita ng suspek na ang nagpapanggap na bibili ay pulis na armado ng .38 kalibre, biglang niyang pinaputukan ang mga intel operatives na nag-udyok sa kanilang gumanti kung saan ang suspek ay natamaan sa putukan at nagtamo ng tama sa katawan.”