(Singapore, Disyembre 7, 2005) - Sabi ng isang ulat galing sa Human Rights Watch na lumabas ngayong araw na ito, ang mga babaeng migranteng katulong sa Singapore ay ina-abuso, kasama na dito ay ang mga abuso sa katawan, abusong seksual, hindi pagpakain, at pagkukulong sa bahay.
Mula 1999, mahigit na 147 migranteng katulong ang namatay mula sa mga aksidente sa trabaho o pagpapakamatay—karamihan ay ang pagtalon o pagkahulog galing sa mataas na tahanan. Ang mga migranteng katulong ay kumikita ng kalahating suweldo pag-kompra sa mga Singaporean na gumagawa ng parehong trabaho, katulad ng mga naglilinis at hardinero. Dumadami ang dumadaing na hindi sila sumisweldo.
“Madaming mga migranteng katulong ang nagtratrabaho ng walang suweldo ng ilang buwan para makabayad ng utang sa mga ahensiya, nagtratrabaho ng matagal na oras buong lingo, o ikinukulong sa bahay,” sabi ni Kenneth Roth, Executing Director ng Human Rights Watch. “Dahil hindi dinugtungan ng Singapore ang ordinaryong proteksyon para sa mga migranteng katulong sa Singapore, maslalo silang bukas sa abuso.”
Ang ulat na 115 pagina, “Maid to Order: Ending Abuse against Migrant Domestic Workers in Signapore,” ay galing sa isang daang panayam ng mga manggagawa, opisyal ng gubyerno, at empleyado ng mga ahensiya. Naka detalya ang iba-ibang mga abuso sa mga migrante at ang sagot ng gubyerno ng Singapore.
Ang mga pamilya sa Singapore ay nag-tatrabaho ng mga 150,000 babeng katulong, galing sa Indonesia, Pilipinas, at Sri Langka. Sinabi ng Human Rights Watch na ang gubyernong Singapore ay naglagay ng mga mahusay na pagbabago sa dalawang anyo na naglipas. Kasama dito ay ang mga “mandatory” “orientation programs” para sa mga migrante at ang kanilang mga puno, ang prosekusyon hinggil sa hindi nagbabayad ng suweldo at nangaabuso, at ang pambungad ng palatuntunang kredensyal para sa mga ahensiya.
Pero ang mga importanteng lagayan ng pagtrabaho, katulad ng mga pag-awas ng suweldo at mahigit na oras ng trabaho, ay iniiwan sa mga puno at ahensiya para ayusin, samantalang munti o walang puersang makipag-unawaan ang ibinibigay sa mga migranteng manggagawa. Sabin ng Human Rights Watch na hindi sinasama ng mga kapangyarihan ang mga migranteng katulong sa mga regulasyon ng bayan. Simula ng Enero, ang mga migrante na pumipirma ng mga bagong kontrata ay bibigyan ng isang araw na pahinga sa isang buwan.
“Isang araw sa isang buwan ay mahinang solusyon,” sabi ni Roth. “Ang mga katulong migrante ay nanararapat ng isang araw ng pahinga sa isang linggo at proteksyon galing sa Employment Act ng Singapore, katulad ng lahat na ibang manggagawa.”
Panaigin ng Singapore ay ang buwanang buwis hinggil sa mga migranteng katulong para ipigil ang pangangailangan. Nagbabayad ang mga puno ng S$200-295 (U.S. $118-174) sa isang pondo ng gubyerno bawa’t isang buwan, mahigit sa mga suweldo ng maraming migranteng manggagawa. Wala sa mga S$360-531 million (U.S. $212-313 million) na pondo ay napupunta sa mga kapakinabangan serbisyo para sa mga manggagawa.
Dahil sa dami ng kompetisyon sa mga 600 ahensiya, ang pagbabayad para sa hanapan ng mga bagong patalang kaanib, transportasyon, pagsasanay, at paglalagay ng mga katulong ay napunta sa mga migranteng mangagawa sa kabila ng mga puno. Para mabayaran itong buwis, madaming migranteng katulong ay nagtatrabaho ng mga apat sa sampong buwan, pati maliit or walang suweldo. Ilang mga ahensiya ay hindi nagbibigay ng kahit anong suporta sa mga manggagawang migrante, linulubog ang mga manggagawang lumilipat ng sambahayan sa higit na masmalalim na utang dahil sa pamamagitan ng masyadong mataas na upa, at kinikuha ang mga gamit na relihiyoso katulad ng mga librong pagdasal at pagsuot.
Para ipigil ang ilegal na imigrasyon, pinaigin ng gubyernong Singapore ang isang S$5,000 (U.S. $2950) “security bond” hinggil sa mga puno ng mga manggagawa. Pagtumakas ang kanilang katulong, itong “security bond” ay dapat likumin. Ipagbawalan ng regulasyong imigrasyon na maging buntis ang mga migranteng katulong. Sabi ng Human Rights Watch na itong mga kabawalan ay nagbibigay ng insentivo sa mga puno na takdaan ang paggalaw ng kanilang mga katulong para hindi sila tumakas o magkaroon ng kasintahan. Halimbawa, binabawalan ng ilang puno ang kanilang mga katulong na magkaroon ng lingguhang araw na makapahinga, binabawalan ang mga katulong na makipag-usap sa mga kapitbahay, at kung minsan, kilukulong sila sa bahay. Baon sa utang at nakakulong sa bahay, madaming mga katulong migrante ay hindi kayang lumigtas sa mga seryosong abuso sa trabaho.
“Hindi ako pwedeng lumabas. Hindi ako nakakalabas kahit magtapon lang ng basura…” sabi ni Sri Mulyahin (hindi totoong pangalan), isang katulong migrante napanayam ng Human Rights Watch. “Para akong nakakulong sa presso. Talagang nakakulong ako…nakikita ko lang ang labas pag nagsasabit ako ng mga damit para ituyo.”
Sabi ni Roth, “Katulad ng gubyerno na inipupurso ang mga puno na ginugulpi ang kanilang katulong, kailangan din ng mga opisyal na hanapin ang mga ahensiya na nagsisingil ng sampung buwang suweldo at saka ang mga puno na kinukulong ang kanilang katulong sa bahay.”
Dahil sa kanilang pagkakabukod sa mga pribadong bahay, mahirap malaman kung gaano talagang kadami ang mga migranteng katulong ang nagtitiis ng abuso. Estimado ng embassy ng Indonesia na nakakakuha sila ng mahigit na 50 na daing tawag galing sa mga migranteng katulong. Ang embassy ng Pilipinas at Sri Langka ay nakakakuha ng mga 40-80 daing sa isang buwan galing sa mga migranteng katulong. Sabin ng Human Rights Watch na masmadaming abuso ay marahil na hindi nababalita, lalo na kung ang katulong ay ibinalik na sa kanilang bansa bago sila makapaghanap ng tulong.
Ang mga batas at regulasyon para sa pangalagaan ng mga migranteng katulong sa Singapore ay masmalakas kaysa sa regulasyon ng mga ibang bansa katulad ng Malaysia. Pero malayo pa rin ang Singapore sa kompara sa Hong Kong, kung saan ang mga migranteng katulong ay nakapakinabangan sa mga pangulong batas para sa manggagawa, katulad ng isang araw sa isang linggo na makapahinga, pinakababang suweldo, pag-alis ng pagiging-ina, araw ng pangolin, at binabarayang bakasyon bawat anyo.
Sabi ng Human Rights Watch sa gubyerno ng Singapore na dapat silang magbigay ng komprehensibong proteksyon para sa mga migranteng katulong. Dapat nilang baguhin ang Employment Act para isaayos ang pagsisingil ng mga ahensiya hinggil sa mga migrante para hindi na dapat silang magbayad ng apat sa sampung buwang sweldo para lang mabayaran ang kanilang mga utang. Dapat din ayunan ng Singapore na baguhin ang buwanang buwis para ma bawasan ang pagbabayad ng mga puno.
“Sa isang bansa na kilala sa kanilang pagsulit na pagpapatupad ng batas para sa kaayusan at kahusayan ng komunidad, ang pagkulang na hindi makapagbigay ng kinakailangan at patas na proteksyon para sa lahat ng mga manggagawa ay di-pangkaraniwan,” sabi ni Roth. “Sa ipagawa ng komprehensibong pagbabago, puede sanang maging ‘standard-setter’ ang Singapore sa rehiyon ng mga migranteng katulong.”
Mga testimonya galing sa mga migranteng katulong sa Singapore na kasama sa ulat:
Mindan walang pagkain….Bumibili sila ng pagkain sa labas, pero hindi para sa akin. Pag galit sila, tinatapon nila ang pagkain ko sa basura….Takot na takot ako. Sabin ng “employer” (o boss ko) sa akin, “Bukas para prusa sa iyo, wlang kakain…” Dinala ko ang aking maleta at tumakbo ako. Tinawagan ko ang aking kapatid at sinabi ko sa kanya, “Gutom ako at ang boss ko ay salbahe. Pag tumagal ako dito, baka malagay ako sa ospital.” Gusto kong kumain araw araw. Gusto kong makakain ng tama.
-Adelyn Malana (hindi totoong pangalan), domestic worker, 22 anos, Singapore. 2-21-2005
Pag lumayas ako, takot akong makita ng mga pulis. Si Mam lagging nagagalit sa akin, nag kokomplain siya sa ahensiya, at tapos nagagalit ang ahensiya sa akin. Tinanong ako ng ahensiya, “Anong gusto mo?” Sabi ko, “Gusto kong mamatay, ma’am, dahil ang mga tao dito ay malupit. Lahat ng gawin ko ay mali. Laging tinatawag akong tanga.” Naging talagang mahirap na uminom agko ng “poison” para sa daga at ipis. Hinimatay ako at dinala ako ni ma’am sa ospital. Yoong nangyari ito, nagtratrabaho ako ng pitong buwan. Ang suweldo ko ay S$90 (U.S. $53).
-Muriyani Suharti (hindi totoong pangalan), domestic worker, 22 anos, Singapore 3-8-2005
Nagalit ang boss ko….Pag galit nag alit siya, sinasampal niya ako ng madaming beses. Hindi ko pa natapos ang aking kontrata. Sabi niya sa akin na hindi ako puwedeng umuwi. Hindi ko na kaya. Yung sinumbong ko sa ahensiya na sinampal ako ng boss ko, sinabihan ako na “dapat akong mag suffer.” Dapat ko daw ikontrol ang aking mga pakirandam. Pag hindi pa na tapos ng maid ang kanyang bayad para sa pangbawas ng kanyang suweldo, at tumawag siya ng agencia, nagagalit ang ahensiya. Sinampal din ako ng ahensiya. Ayaw nilang umalis ako ng hindi ko pa natatapos ang kontrata at ang pagawas ng suweldo.
-Wati Widodo (hindi totoong pangalan), domestic worker, 20, 3-10-2005