X. Protection Measures ng Saudi at Kahinaan ng mga ito
Hindi ko mababantayan ang walong milyong kabahayan. Walang ganito saan mang panig ng mundo. Lulong na sa murang paggawa ang aming lipunan at desperado ang mga manggagawa na pumunta rito.
¾Dr. Ghazi al-Qusaibi, Minister of Labor, Riyadh, Disyembre 3, 2006
Sa kasaysayan ng gobyernong Saudi, hindi pare-pareho ang naging pagtugon nito sa pang-aabuso ng mga domestic worker. Gaya ng tinalakay sa Chapter IV, bigo ang mga umiiral na labor at migrasyon policies na magbigay ng sapat na proteksiyon at naglalagay pa sa mga domestic worker sa banta ng pang-aabuso. Nalaman ng Human Rights Watch na ang mga domestic worker na humihingi ng tulong ay madalas na nahaharap sa mga mahirap na balakid sa napapanahong tulong o bayad-pinsala. Bagaman winakasan na ng isang royal decree ang pang-aalipin at pinaparusahan ng anti-trafficking decree ng Ministry of Labor ang mga ahensiyang sangkot sa mapagsamantalang gawi sa pamamagitan ng pagbawal sa mga itong mag-recruit ng manggagawa, hindi naman itinuturing ng mga batas ng Saudi na krimen ang sapilitang pagtatrabaho, trafficking, pambubusabos, o pang-aalipin.
Bilang obligasyon ng Saudi Arabia sa karapatang pantao, inaasahan na gumawa ito ng tahasang hakbang para protektahan ang mga domestic worker sa pang-aabuso, pagsasamantala, at kalagayang sapilitang paggawa, pagkaalipin, o pagkabusabos. Taglay din nito ang responsibilidad na gumawa ng mga hakbang na pipigil at magbibigay lunas laban sa diskriminasyong nakabatay sa kasarian at karahasang nararanasan ng mga migranteng babaeng domestic worker.[245]
Ipinapahiwatig ng mga lumalabas na reporma at mungkahing pagbabago sa mga batas sa paggawa at immigration na nagsimula na ang Saudi Arabia na kilalanin ang mga problemang ito at ayusin ang kanyang pagtugon. Nagtayo ang gobyernong Saudi ng mga Centers para sa mga domestic worker na tumakas sa kanilang mga amo, at walang pasaporte o exit visa upang makauwi. Nagbibigay ng mekanismo ang mga center na ito para hayaang makauwi ang mga stranded doon na mga domestic worker at pumagitna sa mga banggaan sa mga amo sa usapin ng sahod. Subalit maraming domestic worker ang napipilitang tumanggap ng kasunduang magbibigay ng sahod na higit na mababa sa dapat na bayaran ng kanilang mga amo. Dagdag pa rito, palaging naiiwasan o hindi pinapansin ng mga may impluwensiyang Saudi ang mga mekanismong itinayo para tulungan ang mga domestic worker.[246]
Nagpapataw din ang criminal justice system ng iba pang balakid: bagaman may natanggap na tulong at suporta mula sa Saudi police ang ilang migrant worker na nakapanayam ng Human Rights Watch, ang iba naman ay naharap sa kasungitan at dagdag pang pang-aabuso. Ang matagal na paglilitis kriminal laban sa mga amo ay nagiging sanhi ng pagkaipit ng mga domestic worker sa shelter ng mga embahada. Hindi sila makapagtrabaho, limitado ang ugnayan sa kanilang pamilya, at hindi malinaw ang resulta ng paglilitis. Halos walang naibibigay na insentibo ang karanasan ng mga naunang kasong ganito para magsumbong sa mga pulis.
Nakapanayam ng Human Rights Watch ang ilang opisyal ng Saudi na ang palagay nila ay kalabisan o exaggerated ang mga ulat ng pang-aabuso sa mga domestic worker at hindi pinapansin ang problema naman ng mga among Saudi. Tila sumasalamin sa opinyon ng maraming among nakausap namin, sinabi ng isang opisyal, "Walang institusyon na nagbibigay ng proteksiyon sa mga amo. Paano ang mga kaso ng pang-aabuso ng domestic worker sa mga alagang bata o mga kaso ng pangkukulam?"[247] Sabi pa ng isang opisyal, "Sino ang magbibigay ng karapatan sa kafil (sponsor)? Nagbabayad siya ng 6,000-8,000 riyal ($1,560-2,080) para tanggapin ang domestic worker, tapos tatakas ito pagkalipas ng isa o dalawang buwan sa KSA."[248]
Ministry of Social Affairs (MOSA) Center for Domestic Workers
Walang translator dito.Hindi ako makapagsalita. Sinusulat ng pulis anuman ang sabihin ng amo. Humingi sa akin ng pera ang pulis para sa tiket. Wala akong pera na maibigay sa kanila… Akala ng pulis at ni Baba may pera ako. Sabi nila nagsisinungaling ako… May isang babae doon sa kampo na nakakaintindi ng konting Arabic at Sinhalese, kaya natulungan niya ako sa translation. Sabi ko, "Kung hindi nila ibibigay ang sahod ko, bayaran na lang nila ang aking tiket." Nagpalipat ako sa ibang bahay, pero sabi ni Baba, "Ayokong magtrabaho siya sa ibang bahay"; tumanggi rin si Madam. Hindi ko na kukunin ang sahod ko, kailangan ko lang ng tiket. Walang sasagot ng tiket ko.
¾ Latha P., domestic worker na Sri Lankan, MOSA processing center, Riyadh, Disyembre 15, 2006
Libo-libong reklamo mula sa mga domestic worker na stranded sa nasabing bansa o hindi nabibigyan ng sahod ang natatanggap taon-taon ng gobyernong Saudi at embahada ng mga labor-sending na mga bansa. Karaniwang walang passport o iqama ang mga kababaihang ito, dahil hawak ng kanilang amo ang mga dokumento nila. Hindi sila makakuha ng kailangang visa dahil ayaw pirmahan ng kanilang amo ang papeles upang sila ay makaalis ng nasabing bansa. At sa maraming pagkakataon ay wala silang pera, dahil hindi sila nasahuran o kaya'y naipadala na nila lahat ng kanilang pera para tustusan ang gastusin ng kanilang pamilya. Sa maraming kaso, tumatalikod ang mga amo at recruitment agent sa obligasyon ng mga ito sa kontrata na sagutin ang tiket pauwi ng mga manggagawa. Dahil dito ay nagiging desperado ang manggagawa sa paghanap ng pera para makabili ng tiket pauwi.
Noong 1997, itinatag ng Ministry of Social Affairs, sa tulong ng mga Ministries of Labor at Interior, ang isang center na tutugon sa mataas ng bilang ng reklamo mula sa mga domestic worker, kasama iyong mga stranded sa airport na hindi nasundo ng kanilang magiging amo pagdating nila. [249] Matatagpuan ang center sa Riyadh, at bagaman ginawa lang ito para sa kalahati lamang na dami, 1,000-1,500 na domestic worker ang karaniwang laman nito. [250]
Inaasikaso ng staff sa MOSA shelter, katulong ng mga pulis na itinalaga sa center mula sa ibat-ibang istasyon sa Riyadh, ang mga domestic worker sa pamamagitan ng pagkuha ng mga gamit o identity document ng mga ito mula sa mga amo, pagkuha ng sahod, o pagpapadali ng pagkuha ng awtorisasyon para makaalis ng naturang bansa. Nagbibigay ang MOSA shelter ng kinakailangang serbisyo para sa mga domestic worker na kung hindi ay walang ligal na proteksiyon o matutuluyan na kanilang maaasahan. SInabi ng mga diplomatiko mula sa mga labor-sending na mga bansa na lubhang pinadali ng MOSA shelter ang kakayanan nilang asikasuhin ang mga domestic worker na humihingi ng tulong para makaalis sa nasabing bansa o makuha ang hindi naibigay na sahod.
Bagaman nakapagbibigay ang MOSA center ng maaasahang daluyan para tulungan ang mga domestic worker na naiipit sa hindi makatuwirang patakaran sa immigration, ilang aspeto ng operasyon nito ang nakakabagabag. Kadalasang napipilitan ang mga domestic worker na tanggapin ang hindi makatarungang kasunduan sa kanilang sahod at maghintay ng ilang buwan sa loob ng mataong shelter na walang nakukuhang impormasyon tungkol sa kanilang kaso. SInabi ng ilang domestic worker na pinilit sila ng mga pulis na nakatalaga sa MOSA center na bumalik sa kanilang mga amo. Labag ito sa kanilang kalooban.
Sa ilang kaso, nakakaligtaan ng mga staff ng MOSA na suriin ang pisikal at seksuwal na pagkaabuso at hindi nakakapagbigay ng maayos na interpretasyon kung kumukuha ng statement o kuwento sa manggagawa tungkol sa kalagayan ng kaso nito. Sabi ni Nur A. sa Human Rights Watch, "Noong pumunta ang amo ko sa SSWA [MOSA center], matagal akong naghintay at hindi ko nakuha ang apat na buwan kong sahod. Hindi ko ikuwinento sa pulis ang pang-gagahasa sa akin. Walang translator. [251] Hindi palaging nagtatanong ang mga pulis o opisyal ng labor tungkol sa nangyaring pisikal o seksuwal na pang-aabuso. At dahil sila ay natatakot sa kanilang kapaligiran, hindi agad naglalabas ang mga domestic worker ng ganitong impormasyon kapag hindi sila tinanong. Sabi ni Gina R., na binugbog ng kanyang amo, "Tinanong ako ng mga pulis [sa MOSA center] kung ilang buwan akong nagtrabaho sa amo ko, pero hindi nagtanong tungkol sa ahente ko. Hindi sila nagtanong tungkol sa mga sugat ko dahil nakasuot ako ng abaya." [252]
Gaya ng nabanggit sa seksiyon ng "Employment Contracts and Recruitment Practices," amo ang dapat sumagot sa tiket pauwi ng manggagawa kung napilitan itong umalis sa pinagtatrabahuan dahil sa pag-mamaltrato. Sa praktika ay hindi maayos na naipapatupad ang probisyong ito. Kung tumanggi ang mga amo na magbayad, ang mga domestic worker mismo ang kailangang maghanap ng pera, pagkaminsan ay nanghihiram sila ng pera sa kanilang mga kamag-anak sa bansang pinagmulan. Sa ilang mga kapansin-pansing kaso, ang gobyernong Saudi, ang labor-sending na bansa, o mga lokal na organisasyon ang nagbibigay ng pera. Sa ibang kaso, mga ahente ang nagbibigay ng tiket at nagreresolba ng kaso. [253] Pero sa maraming pagkakataon, napipilitang lumapit sa kaibigan at pamilya ang domestic worker o pumayag na magtrabaho pa ng dagdag na dalawa hanggang tatlong buwan sa bagong amo para makaipon ng kailangang pera.
Binatikos ng mga opisyal ng Saudi ang mga dayuhang mission ng labor-sending na mga bansa sa kabiguan ng mga ito na tulungan ang kanilang mga kababayan. Halimbawa, sinabi ng isang opisyal, "Umiiwas ang mga embahada sa pagtulong sa mga kababaihang ito dahil umiiwas sila sa gastos sa pagpapauwi sa mga ito. Kaya malaki ang nagagastos ng Ministry of Social Affairs sa pag-papauwi sa mga kababaihan." [254] Sa kabilang banda naman, iginigiit ng opisyal ng mga embahada na nagagamit ang iba nilang pondo sa pagbili ng tiket pauwi ng mga domestic worker at pagtulong sa imbestigasyon. Sabi ng isang labor attaché, "Ginagamit namin ang sarili naming sasakyan para hanapin ang bahay ng mga sponsor… Sinagot namin ang tiket ng 97 kababaihan sa loob lamang ng ilang linggo." [255] Dagdag pa rito, umangal siya na wala silang natanggap na impormasyon tungkol sa mga domestic helper na naipasa nang direkta sa MOSA center sa halip na dumaan sa embahada, at sinabing, "Mano-mano pa rin ang paggawa nila ng record at hindi kami pinapasahan ng impormasyon." [256]
Sa kabila ng mga pagkukulang ng center, isa pa rin ito sa mga paraang nagagamit para makaalis sa nasabing bansa kapag hindi pumayag ang amo ng domestic worker na magbigay ng exit visa. Subalit nakakabit sa pagtanggap sa center ang mahigpit na rekisitos sa kalusugan. Ayon sa administrador ng Riyadh shelter, dapat walang trangkaso, lagnat, iba pang sakit, o hindi buntis ang domestic worker. [257] Malamang na ipinataw ang mga kundisyong ito para mapigilan ang pagkalat ng impeksiyon sa mataong mga shelter. At sa kaso ng pagbubuntis, hindi rin sila tumatanggap ng mga kasong maaaring sumuway sa batas ng Saudi. Maraming manggagawa at opisyal ng mga labor-sending na bansa ang umangal na tintanggihan pa rin ang mga manggagawa kahit na walang sakit ang mga ito.
Mahabang panahon ng Paghihintay at Kawalan ng Impormasyon
Hindi ako nasahuran sa loob ng apat na buwan. Wala akong perang pambili ng tiket pauwi sa Sri Lanka. Wala akong pera. Hindi lang ako, pero maraming tao ang walang pera. Isang buwan na ako rito.May isang taong nagtrabaho sa Saudi Arabia sa loob ng apat na taon at wala siyang pera. Anim na buwan na siya doon sa Olaya camp [MOSA center].
¾ Mary J., domestic worker na Sri Lankan, MOSA center, Riyadh, Disyembre 7, 2006
Madalas ang paghihintay nang matagal sa MOSA center, kung saan nakabitinang buhay ng isang domestic worker sa loob ng mula dalawang lingo hanggang walong buwan. [258] Kinumpirma ng Isang opisyal ng embahada ng Sri Lanka na ilang kababaihang Sri Lankan ang naghihintay ng higit sa isang taon. [259] Ang mga babaeng nakapanayam ng Human Rights Watch ay karaniwang desperado nang iwanan kaagad ang naturang pasilidad at umuwi na sa kanilang mga sariling bansa, pero napipilitang maghintay pa ng hindi alam kung gaano pa katagal at walang kakayanang makipag-ugnayan sa kanilang mga embahada o sa mga awtoridad ng Saudi na may hawak ng kanilang kaso. Walang nagawang krimen ang mga nasabing kababaihan pero parang nakakulong na rin ang katayuan nila. (Iniulat ng opisyal ng mga embahada na doon sa mga maliliit na bayan na hindi makaugnay sa MOSA center, halimbawa, ang 'Ar' ar sa lalawigan ng al-Jawf, inilalagay ng mga pulis sa kulungan ang mga tumakas na domestic worker na nagreklamo sa kanilang amo hanggang maresolba ang kaso ng mga ito. [260] )
Ayon sa mga domestic worker na nasa MOSA center, "Ang mga tumatagal dito ng ilang buwan ay iyong mga walang pera. Ilan sa mga katulong ay napipilitang magmakaawa sa paghingi ng perang gagamitin sa pagbili ng kanilang tiket.. [261] Sinabi ng isang diplomatiko na humahawak ng labor cases, "Pati iyong mga awtoridad ay nakalimutan na kung gaano katagal na siyang naghihintay. Hindi malaking bagay sa kanila na hindi dumating ang amo at hindi nagbayad. Pero pinaaalalahanan namin sila." [262]
Ang mahabang pagtigil sa MOSA center ay maaaring matapos sa ibang lugar pagkalipas ng mahabang paghihintay. Halimbawa, nakapanayam ng Human Rights Watch si Thanuja W. na nagsabing, "Limang buwan ako sa agency. Tapos tatlong buwan naman sa embahada. Dalawang buwan na ako rito [sa MOSA center]. Palagi kong hinihingi sa amo ko ang aking sahod, pero hindi pa rin nila ako binayaran pagkalipas ng dalawang taon. Ibinalik nila ako sa agency." [263]
Ibayong hirap ang dinaranas ng mga domestic worker sanhi ng walang taning na pagtigil sa mga shelter, dahil sa marami sa kanila ang nakaranas ng trauma, hindi nasahuran at gusto na muling magtrabaho, o hindi mapakali na muling makasama ang kanilang pamilya. Sabi ni Nur A., "Kabado akong pumunta sa SSWA [MOSA shelter] kasi alam kong tumatagal ng tatlo hanggang apat na buwan ang mga taong tumatakbo doon. Kabado ako na kung pupunta ako sa SSWA, baka tumagal din ako doon." [264] Karamihan ay naharap sa matinding kagipitan sa pera at hindi puwedeng magtagal na hindi kumita ng pera sa loob ng ilang buwan.
Hindi binibigyan ng staff ng MOSA ang mga domestic worker na nasa shelter ng sapat na impormasyon tungkol sa shelter mismo o regular na sariwang impormasyon tungkol sa kaso ng mga kababaihan. Dagdag pa rito, kinukumpiska ng staff ng MOSA ang mga mobile phone at pinipigilan ang mga domestic worker na makaugnay ang pamilya ng mga ito o tumawag mag-isa sa mga konsulado nila. Sinabi ng isang nakatigil na manggagawa doon sa Human Rights Watch, "May mobile ang isa sa mga kaibigan ko at kinuha nila ito. Hindi ako makatawag sa telepono, hindi ko matawagan ang embahada." [265]
Dahil sa kaunting alam nila sa gawain ng MOSA center, sa iligal nilang kalagayan, sa katayuan ng kanilang kaso, at sa kawalan ng kalayaang lisanin ang nakakandadong pasilidad, inaakala ng maraming domestic worker na sila ay nakapiit sa isang kulungan para sa mga kababaihan o isang detention center. Isang diplomatiko mula sa isang labor-sending na bansa ang nagsabing, "Marami sa aming mga kababaihan ang nagreklamo sa media [matapos silang makauwi]. Sinasabi nila dinala sila ng embahada sa kulungan." [266] Nakapanayam ng Human Rights Watch sa Sri Lanka ang isang umuwing domestic worker, si Sepalika S., na dumaan sa MOSA center, na nagsabing,
Nilagay ako ng mga pulis sa isang selda ng kulungan kung saan lumalagi ang mga nagkaproblemang katulong… Kinandaduhan ako… may mga kuwarto sila sa mga katulong na Sri Lankan, katulong na Indonesian, Pilipina, at katulong na Nepalese. May mga itinanong sila sa akin tulad ng kung may ninakaw daw ako noong ako ay tumakas, at tiningnan nila kung may nakatago ako sa katawan ko. Tinanong nila ako bakit umalis ako sa bahay, kung salbahe ang Baba, at kung may dinala ba raw ako noong ako'y umalis. [267]
Iniulat ng mga opisyal ng ibat-ibang embahada na noong unang bahagi ng 2008, ilang mga domestic worker na nasa MOSA ang nainis na ng husto sa tagal ng kanilang paghihintay. Nagbunsod ito sa kanilang magprotesta na ikinasira ng ilang kagamitan sa center. Ikinulong ng gobyernong Saudi ang may 12 mga domestic worker sa loob ng dalawang buwan dahil sa kanilang pamumuno sa protesta. [268]
Pag-resolba ng mga Labor Dispute
Isang mahalagang tungkulin ng MOSA ang pumagitna sa mga labor dispute. Dahil hindi sakop ng labor code ang mga domestic worker, wala ang mga itong malinaw at naipapatupad na pamantayan sa kundisyon ng kanilang paggawa, paglapit sa mga labor court, o saligang mekanismo sa pagsasampa ng reklamo na dumadaloy sa Ministry of Labor.
Ang kahandaan ng mga pulis sa MOSA na hanapin ang mga among may kasalanan, pilitin ang mga ito na magpakita at makipag-usap tungkol sa alitan sa sahod, at bayaran ang mga sahod na hindi nila ibinigay ay lalong nagpapalakas ng kakayanan ng MOSA na ipatupad ang mga pamantayan sa paggawa. Napag-alaman ng Human Rights Watch na ilang Saudi police ang nakatulong sa ilang mga domestic worker ng bahagya o tuluyang ma-resolba ang kanilang mga kaso. Subalit amin ding napag-alaman na sa maraming kaso ay tumangging pumunta sa MOSA center ang mga amo, at walang nagawa ang domestic worker kundi tanggapin ang kanyang kapalaran at magkandahirap sa paghahanap ng perang pambili ng kanyang tiket pauwi. Halimbawa, si Indrani P. ay hindi nakatanggap ng kanyang sahod at kinailangang siya ang magbayad sa kanyang tiket pauwi:
Dalawang beses kinausap ng mga pulis ang aking amo. Noong unang araw, itinanggi nilang doon ako nagtatrabaho sa kanilang bahay. Noong pangalawang beses naman, hindi nila sinagot ang telepono. Doon sa kampo (MOSA center), isa ring katulong iyong taong taga-translate. Tinanong nila kung gusto kong magtrabaho sa ibang bahay, at tumanggi ako. Tinanong nila kung may pera akong pambili ng tiket, at sabi ko opo. [269]
Itinatakda ng batas ng Saudi na sa mga kasong civil, dapat na madaling matanggap ng mga domestic worker ang kanilang sahod kapag ang hatol ay pumapabor sa kanila. Itinatakda ng Article 199(c) sa pangalawang bahagi ng civil procedure code na, "Ang isang hatol na may probisyon para sa mabilis na pagpapatupad, meron o wala mang pyansa batay sa diskresyon ng huwes, ay magagawa sa mga sumusond na kalagayan… (c)"kapag ang hatol ay para sa pagbibigay ng sahod sa isang katulong, craftsman, workman, wet-nurse, o nurse-maid." [270] Hindi madalas na umaabot sa korte ang kaso ng mga domestic worker, ngunit ang prinsipyo ng maagang pagbabayad ng sahod ay dapat na gamitin sa mekanismo ng MOSA center sa pag-resolba ng mga alitan sa paggawa.
Hindi pa ipinapatupad ng gobyernong Saudi ang pagsunod ng lahat ng mga amo at hindi nito tuloy-tuloy na hinahabol ang mga amo na hindi sumasagot. Halimbawa, Sabi ni Sari L., "Hindi ko alam kung makukuha ko pa ang walong buwan kong sahod… Tinawagan nila ang una kong amo at nag-usap kami. Sabi ng amo kong babae magdadala siya ng pera, pero hindi na siya bumalik. Isang-buwan at kalahati na akong nakatigil dito. Hindi na rin sinasagot ng amo ko ang mga tawag ng staff ng MOSA center." [271]
Itinanggi ng mga opisyal ng Saudi ang lawak ng hindi pagbibigay ng sahod at iginiit na palaging pumapabor ang mga korte sa mga migrant worker. Sabi ng isang opisyal sa Human Rights Watch, "Ibinibigay ng amo ang sahod ng domestic worker, pero ayaw itong tanggapin ng huli. Ipinatago niya ang pera sa kanyang amo. Tapos kapag hiningi na ng domestic worker ang sahod nito, nahihirapan ang amo na ibigay kaagad ang buong sahod. Kapag hindi natanggap ng domestic worker ang sahod niya, tatakas siya." [272] Sabi ng isang opisyal ng Ministry of Labor, "Pagdating sa korte, ang pasanin ay nasa kafil (sponsor) na maghapag ng ebidensiya na naibigay na niya ang sahod." [273]
Naisadokumento ng Human Rights Watch ang maraming kaso kung saan ipinahayag ng domestic worker na ilang buwan siyang hindi sinahuran, at itinanggi ito o hindi naman nagpakita ang amo para tanungin. Mas may kapangyarihan din ang mga amo dahil sa ilalim ng sistemang kafala, sila ang may kontrol sa kakayanan ng manggagawa na lumipat sa ibang amo o kumuha ng exit visa para makauwi. Ang ganitong kawalan ng balanse sa kapangyarihan, kasama ang mahabang oras ng paghihintay sa center, ang alanganing resulta ng pagkuha ng hindi nabayarang sahod, at ang pagka desperado ng maraming kababaihan na makauwi at muling makasama ang kanilang pamilya ay nangangahulugan na sa pangwakas na kasunduan ay mapipilitan ang mga domestic worker na bitawan ang paghabol sa buo o bahagya nilang sahod upang makakuha lang ng exit visa at makaalis sa bansa.
Ayon sa mga Saudi Ministries ng Labor at Social Affairs, ang mga among hindi magbibigay ng sahod ay maaaring ilagay sa blacklist at pagbawalang kumuha ng ibang domestic worker sa loob ng limang taon. At sa mga among may rekord ng kapansin-pansin at paulit-ulit na gumagawa nito, habambuhay ang pagbabawal. [274] Wala nang ibang parusang matatanggap ang mga amo at walang ganting bayad na matatanggap ang mga domestic worker. Noong tanungin ng Human Rights Watch ang mga opisyal na nakausap nito kung may plano ang gobyernong Saudi na magpataw ng mas malaking parusa sa mga among nagkasala, sinabi ng mga ito na sapat na ang mga kasalukuyang parusa. [275] Sa kabila ng ilang beses na paghiling, hindi binigyan ng gobyernong Saudi ang Human Rights Watch ng pinakabagong bilang ng mga among nailagay sa blacklist.
Paminsan-minsan, sa mga tampok at kapansin-pansin na kaso, isang indibidwal o organisasyon ang nakikialam para tulungan ang babae. Noong huling parte ng 2007, si Prince Salman, ang gubernador ng Riyadh, ay nagbigay ng katumbas ng 12 taong sahod kay Girlie Malika Fernando, isang 53-anos na Sri Lankan domestic worker na hindi pinasahod ng kanyang amo sa loob ng 13 taon at namatay bago napagpasiyahan ang kanyang kaso. [276] Nakatulong din ang ibinigay na atensiyon ng media sa kaso nila Reeta Nisanka, isang domestic worker na Sri Lankan, na binigyan lang ng tatlong buwang sahod sa siyam na taon nitong pagtatrabaho (nagbayad ng buo ang kanyang amo matapos ang "mapayapang" kasunduan at wala itong natanggap na ibang parusa), at ni Anista Marie, domestic worker na Sri Lankan, na sinahuran lang ng dalawang taon sa sampung taon niyang pagtatrabaho. [277] Kahit doon sa mga kasong natatampok sa media, magaan pa ring parusa sa mga amo o madalang ang pagpapatupad ng kasunduan sa sahod. Hindi ibinalik ng amo ni Anista Marie ang pasaporte nito at, sa 40,000 riyal ($10,400) na dapat bayaran, 8,500 riyal ($2,210) lamang ang ibinayad ng amo kay Anista Marie bago nakauwi ang domestic worker. Nangako ang amo na ipapadala sa Sri Lanka ang natirang 11,500 ($2,990). [278] Sa napakaraming kaso, natatakasan ng amo ang krimen nito at umuuwing walang pera ang domestic worker.
Bumuo ang gobyernong Saudi ng ilang pananda sa pagbibigay ng sahod, kasama ang mga papel na pipirmahan ng mga domestic worker, na nagsasaad na tumanggap sila ng buwanang sahod, at ang pag-utos sa mga opisyal ng immigration na salain ang mga hindi naibigay na sahod, bago umuwi ang isang domestic worker. Gayunpaman, kailangan pa ng malawakang pagpapatupad ng mga hakbang na ito. [279] Dagdag pa rito, karaniwang hindi pamilyar ang mga domestic worker sa ganitong mga pamamaraan. Sabi ng opisyal ng isang embahada, "Isinulat ng amo ang lahat sa wikang Arabic, ilalagay ng manggagawang babae ang kanyang fingerprint, hindi niya alam kung para saan ito. Pero hindi siya makakakuha ng sahod." [280] Sa ibang kaso, hindi sinasabi ng mga domestic worker ang tungkol sa hindi naibigay na sahod dahil sa tinakot sila ng mga opisyal ng immigration, takot na hindi makasakay ng eroplano pauwi, at kung minsan ay sinabihan ng kanilng amo na magsinungaling. [281]
Deportasyon
Kapag iniwan ng mga domestic worker ang kanilang ligal na sponsor, dahil tumakas sila o naghanap ng mas maayos na mapagtatrabahuan at kumita bilang undocumented na manggagawa, meron silang dalawang mapagpipilian para makauwi sa kanilang sariling bansa. Una ay ang paghingi ng tulong mula sa mga awtoridad sa gobyerno, sa embahada nila o sa Saudi Ministry of Social Affairs. Ikalawa ay gamitin ang "backdoor" na daan ng deportasyon mula sa Jeddah.
Unang itinayo ang deportation center sa Jeddah para tulungan ang mga manlalakbay o pilgrimna nawalan ng dokumento o napahaba ang pagbiyahe sa Mecca. Dahil ito ang tangi nilang paraan para makalabas ng Saudi Arabia, madalas magbigay ng suhol ang mga pilgrimpara makapasok sa deportation center. Ang mga Indonesian, na karamihan ay Muslim, ang pinakamababa ang ibinabayad, samantalang gumagamit naman ng pangalang Muslim at nagbibigay ng mas malaking suhol ang mga Sri Lankan at Pilipino para makapasok sa pasilidad. Bagaman hindi nakapasok ang Human Rights Watch sa loob ng deportation center, isinasaad naman ng panayam sa mga migrante, opisyal ng mga embahada, at opisyal ng Saudi na punong-puno at hindi maayos ang kalagayan sa loob ng nasabing pasilidad. [282] Ayon sa isang ulat sa diyaryo, aabot sa 8,000 ang mga residente sa center, na kasya lamang para 5,500 na tao. [283]
Ang mga migranteng domestic worker na hindi nakakuha ng exit visa mula sa kanilang amo o hindi dumaan sa MOSA center ay wala ng ibang magagawang paraan kundi magbigay ng suhol at pumunta sa deportation center para makalabas ng bansa. [284] Iyong tumakas sa kanilang mga amo at nagtrabaho bilang undocumented na "freelancer" sa loob ng ilang taon ay karaniwang dapat na umalis ng bansa sa pamamaraang deportasyon.
Ayon sa opisyal ng mga konsulado sa Jeddah, hindi tinatanggap ng MOSA center sa Riyadh ang mga migrant worker sa Jeddah at ibang probinsiya sa bandang kanluran. Karaniwang sinisikap ng mga nasabing opisyal na humanap ng paraan para mapauwi ang mga domestic worker na nagkaproblema sa kanilang mga amo. Sabi ng opisyal ng isang konsulado,"Meron silang SSWA [MOSA center] sa Riyadh. Puwede nilang i-endorso ang exit visa at sila ang responsable dito. Pero wala dito. Kaming taga konsulado ang tumatawag sa mga amo. Wala namang sagot. Wala nang ibang puwedeng puntahan." [285]
Sa mga ganitong kaso, pinapayuhan ng recruiter o mga kaibigan ang domestic worker na humanap ng perang pangsuhol para makapasok sa deportation center. Halimbawa, nakapanayam ng Human Rights Watch ang isang domestic worker sa Jeddah na hindi binigyan ng exit visa ng kanyang amo. Tinitimbang niya noon ang kanyang mga puwedeng gawin para makauwi na siya sa Pilipinas. Sabi niya, "Sabi ng ahente ko noong isang linggo na hindi sinasagot ni Baba ang telepono. Sabi ng ahente, "Kung gusto mong makauwi na, pumunta ka sa deportation center.'" [286] Binigyan siya ng kanyang ahente ng tiket pauwi. Kahit ang mga domestic worker na malaki ang sinisingil na sahod sa kanilang amo ay kailangang gumamit ng ganitong paraan. Sabi ni Sandra C.,
Gustong pumunta ng staff ng embahada sa bahay ng amo, kasama ang case officer. Dapat akong bayaran ng amo ko ng 34,000 riyal ($8,840). Ngayon kailangan kong magtrabaho para kumita ng 500 riyal ($130) para pambayad sa deportation. Kailangan ng nanay at tatay ko ng pera. Kailangan nilang makauwi na ako pero ayaw akong paalisin ng aking amo… Sabi ng embahada, kung ayaw ibigay ng amo ko ang aking sahod, kailangan kong magtrabaho ng isang buwan para kumita ng pambayad sa deportation fee. [287]
Sa Jeddah, iniulat ng ilang domestic worker na impormal silang sinabihan ng kanilang embahada na gamiting daan ang Jeddah deportation center para makauwi sa halip na embahada ang tumulong sa kanila. Halimbawa, sabi ni Marilou R., "Sinabi ko sa case officer na gusto ko nang umuwi. Kailangan ko lang ng exit visa. May mga kaibigan akong mahihiraman ng pera para sa tiket pauwi… Sinabihan ako ng isang case officer na mas maiging umuwi sa pamamagitan ng deportasyon. Sabi ko, "Ayoko! Gusto kong makuha ang sahod ko. Ayokong lumakad bilang isang illegal. Gusto kong umuwi sa paraang ligal." [288]
Sa ilang kaso, ang mga domestic worker na umalis sa kanilang amo at patuloy na nagtrabaho sa Saudi Arabia nang walang ligal na status ay maaaring magkaanak, karaniwan sanhi ng pakikipag-relasyon sa kapwa niya migrant worker. Hindi dokumentado ang mga sanggol na ito, dahil kailangang may balidong residence permit ang mga magulang nito para marehistro ang bata. Parehong naiipit ang nanay at tatay sa Saudi Arabia sapagkat ang pagsisikap na pauwiin o i-deport sila ay puwedeng magresulta sa pag-usig sa kanila sa kasong adultery. Sabi ng oipsyal ng isang embahada,
Hindi kami makakuha ng exit visa dahil sa isyu ng imoralidad. Ikukulong muna sila [ng mga awtoridad ng Saudi]… Wala kaming paraan para mapauwi ang bata… Ayaw tanggapin ng mga awtoridad ng Saudi na may ganitong problema… Dapat may amnesty program para sa mga bata, at para sa lahat ng mga iligal na nasa bansa.[289]
Pagpapauwi sa Labi ng mga Migrante
Bakit kailangan pa ng exit visa ng isang namatay na?
¾ Opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 8, 2008
Ang mga paghihigpit ng sistemeng kafala ay lalong nakikita sa kahigpitan at pagkaabalang hinaharap ng mga embahada sa pag-papauwi ng mga labi ng mga migranteng namatay sa Saudi Arabia. Kapag hindi makakuha ang opisyal ng mga konsulado ng pagpayag ng sponsor na magbigay ng exit visa, sa kadahilanang ayaw nito o hindi makilala ang sponsor, kailangang lumapit ang mga nasabing opisyal sa gubernador ng lalawigan upang malampasan ang mga balakid sa administrasyon. Isang opisyal ng embahada ang nagsabi sa amin, "Kung walang kooperasyon ng sponsor, mahirap ipadala ang labi pabalik sa bansa nito… pangunahing problema ang pagpapabago at pagpapatunay ng sponsor sa mga dokumento." [290]
Dahil sa dami ng mga migrante sa bansa, kailangang harapin ng mga embahada ang maraming pag-papauwi bawat buwan. Sabi ng opisyal ng isang labor-sending na bansa, "Nakapag-papauwi kami ng 20 labi bawat buwan. Nagkakaproblema kami bawat buwan dahil sa sponsor. Madalas ay kailangang dumaan sa gubernador ang paglakad sa pagpapauwi ng labi ng mga iligal o mga tumakas sa amo. Isipin mo na lang kung gaano kahaba ang pila rito. Para sa mga ligal na migrante, karaniwang umaabot ng tatlong linggo hanggang isang buwan bago mapauwi ang mga labi. Buwan ang aabutin sa pag-papauwi ng labi ng illegal migrant." [291]
Nakapanayam ng Human Rights Watch ang mga diplomatikong nag-asikaso ng halos isang taon para mapauwi ang ilang labi. Halimbawa, umabot ng isang taon bago napauwi ang labi ng isang domestic worker na Sri Lankan, na sabi sa kanyang medical report ay namatay dahil sa malnutrition at tuberculosis. Hindi rin nasaharun sa loob ng limang taon ang namatay na domestic worker. Hinuli ang amo at pinagbayad ng bahagi ng hindi nabayarang sahod sa pamilya ng domestic worker. Pero hindi kaagad napauwi ng pamilya ang labi hanggat hindi natapos ang usapan sa pinansiya. [292] Sa isa pang kaso, sinabi ng isang opisyal ng embahada ng Indonesia, "May kaso kami ng isang babae na anim na buwan nang patay… Hindi namin mahanap ang sponsor. Nakakuha kami ng permiso sa gubernador [ng Riyadh] para makuha ang kanyang exit visa, pero ayaw magbigay ng civil registration ng certificate kung wala ang pasaporte o iqama ng namatay." [293]
Sa ibang pagkakataon, mabagal, ayaw makisama, o humihingi ng kickback ang mga awtoridad ng Saudi na may hawak sa kaso. Sinabi sa amin ng opisyal ng isang embahada, "Kung wala ang sponsor, kaya naman itong gawin ng mga pulis. Atubili sila kapag kinakausap namin. Sabi nila 'inshallah, inshallah.' Inaasahan nila kaming magbigay ng konting riyal o ng 'whiskey quota' [puwedeng magpasok ng quota ng alcohol ang mga diplomatiko sa Saudi]." [294]
Ang Criminal Justice System
Gusto ko nang umuwi. Umuwi. Sabi nila kailangan kong iurong ang kaso[ laban sa aking amo]. Walong buwan na akong nakatigil dito. Wala akong pera at trabaho. Bugbog na ang katawan ko pag uwi ko sa amin. Wala akong pera kaya nalulungkot ako. Kung susuwertehin ako, ito ang mangyayari [maparusahan ang amo ko at ako ay mababayaran]. Kung hindi, tatanggapin ko ang aking kapalaran. Sinabi ko na sa asawa ko at sabi niya si Allah na ang magpaparusa sa amo ko.
¾ Mina S., domestic worker na Indonesian na binugbog, hindi pinakain, at hindi pinasahod nang kahit magkano ng kanyang amo, Riyadh, Marso 12, 2008
Sa ilalim ng international human rights law, at partikular na nagmumula sa mga tratado na sinalihan ng Saudi Arabia, merong malinaw na obligasyong ligal ang nasabing bansa na siguruhing merong mga epektibong parusa, kasama ang pang-kriminal na mga parusa, sa libro at praktika, para sa kaninuman na gagawa o makikilahok sa lahat ng uri ng sapilitang pagtatrabaho at pangbubusabos, at pang-aabuso na maihahalintulad sa torture o hindi makatao at nakakapagpababang pagtrato. [295]
Mga kaso ng Pagmaltrato at Pang-aabuso ng mga Pulis
Magkakaiba ang mga naiulat na karanasan ng mga domestic worker sa paghingi nila ng tulong sa pulisya. Ang ibang domestic worker ay nakatanggap ng tulong at referral mula sa pulisya na nagbigay daan para kanilang maiwan ang mga abusadong amo at humingi ng tulong sa shelter ng Ministry of Social Affairs o sa kanilang embahada. Subalit sa iba namang kaso, hindi pinaniwalaan ng mga pulis ang kuwento ng manggagawa, pilit silang ibinalik sa kanilang mga amo, o hindi gumawa ng kaukulang hakbang para sa kanilang kaligtasan.
Ilang opisyal mula sa mga labor-sending na mga bansa ang nagsabing gumanda ang kooperasyon nila sa pulisya, halimbawa, sa paghahanda sa pagsagip mula sa lugar na pinagtatrabahuan kung saan may nakakulong na mga domestic worker. Subalit hindi tuloy-tuloy ang ganitong antas ng kooperasyon at kailangang lampasan ng opisyal ng mga embahada ang mga balakid sa burukrasya. Sabi ng isang opisyal, "Minsan nakakatanggap kami ng impormasyon galing sa isang katulong na ikinulong sa isang bahay. Kakausapin namin ang pulisya, pero kailangan nila ng sulat na galing sa gubernador. Kung wala nito ay tatawagan lang nila ang bahay [at hindi na ito pupuntahan]." [296]
Sa ibang kaso, pabaya ang pulisya sa kanilang pagtugon sa mga kaso ng pang-aabuso. Isinalarawan ni Ponnamma S. sa Human Rights Watch ang naging karanasan niya sa paglapit sa pulisya matapos siyang tumakas sa kanyang mga amo:
Dumating ang isang senior officer. Itinuro ko ang aking mga pasa. Inireklamo ko ang pagbugbog sa akin ni Baba. Iginiit ni Baba na wala siya noong mga oras na iyon. Tapos tinanong nila kung pinapasahod ako ni Baba. Sabi ko, "Isa't-kalahating taon akong hindi pinasahod. Tumanggi akong bumalik kina Baba. Nagpilit akong makapunta sa embahada… Sinabihan ng mga pulis si Baba na ibaba ako sa embahada namin, pero ibinalik niya ako sa bahay nila… Binugbog ako nang husto ng amo kong babae. Sabi niya sa akin, "Kahit saan ka pumunta sa Saudi Arabia, ibabalik ka nila sa amin. Kahit patayin ka namin, hindi kikibo ang mga pulis. Kung hindi ka nakatakas, napatay ka na namin at naitapon sa basurahan. [297]
Sa ilang kaso, iniulat ng mga domestic worker ang sexual harassment o sexual assault na gawa ng isang opisyal na pulis. Sabi sa amin ni Sri H., "Minsan lumapit ako sa pulisya. Tumawag ako sa 999(emergency number ng pulisya). Ang ginawa ng pulis, niyaya ako na lumabas kasama siya at makipagtalik sa kanya." [298] Tumakas si Dian W. sa kanyang amo at nagtangkang makapasok sa MOSA center. Sabi niya sa amin, "Sabi ng opisyal ng pulisya, 'Maghintay ka. Kung gusto mong makakuha ng sulat mula sa pulisya at magkaroon ng pagkakataong matulog sa shelter, kailangans sumiping ka sa akin at bukas makakapasok ka na sa shelter.'" [299]
Noong lapitan ni Chemmani R. ang isang opisyal ng pulisya matapos siyang tumakas sa kanyang amo, dinala siya ng opisyal sa isang liblib na lugar at ginahasa siya. [300] Noong ihinto ng pulis ang kanyang kotse para bumili ng tubig, hinablot ni Chemmani R. ang driver's license nito at saka nagtatakbo. Sabi niya, "Noong pumunta ako sa istasyon ng pulis, sabi nila sa akin, "isa kang katulong, galling ka sa Sri Lanka; ang amo mo ay galling sa bansang ito, mayaman siya, hindi ka puwedeng makipagtalo sa kanya. Mas mabuti pa kung uuwi ka na lang sa bansa mo.'" Pagkatapos ay inilipat ng mga pulis si Chemmani R. sa deportation center, at nawalan siya ng pagkakataong ituloy ang kanyang kaso. [301]
Marami sa mga opisyal ng mga foreign mission ng mga labor-sending na bansa na tumutulong sa mga manggagawa sa mga kasong kriminal ang umaangal sa kawalan ng sistema at kasanayan sa hanay ng Saudi police. Halimbawa, kapag nalipat ang isang opisyal ng pulis, "Wala silang iniiwang papeles ng kaso. Sasabihin sa iyo ng bagong opisyal na tawagan ang dating opisyal." [302] Sinabi rin ng mga opisyal ng embahada na kailangan ng special desk sa bawat istasyon ng pulis na hahawak sa mga kaso ng sexual violence.
Mga imbestigasyong di maayos at pinahabang paglilitis
Wala pa akong nakitang kaso ng panggagahasa na umabot sa punto ng paghahatol.Karamihan ng mga kaso ay hindi na nauusig (prosecuted).
¾ Embassy official B, na sumubaybay sa lahat ng kasong kriminal para sa isang labor-sending na bansa noong mga nakaraang taon., Riyadh, Marso 8, 2008
Sa karamihan ng mga kaso ay pumapayag kami na maayos ito sa pamamagitan ng financial settlement opag-areglong pinansiyal. Hindi matagalan ng mga domestic worker ang pagod sa paglilitis, ang tagal ng paghihintay na umaabot ng siyam na buwan, isang taon. Masyadong mabagal ang proseso ng korte.
¾ Consular official E mula sa isang labor-sending na bansa, Jeddah, Disyembre 9, 2006
Ang kulang na imbestigasyon at pagkalap ng ebidensiya sa mga kaso ng mga amo o ahente na nang-abuso sa domestic worker ay lubhang nakakaapekto sa lakas ng kasong inihapag ng manggagawa. Napag-alaman ng Human Rights Watch ang mga kaso kung saan hindi ipinag-utos ng mga awtoridad ng Saudi ang paternity test para sa mga lalaki at binatilyong Saudi na naakusahang nanggahasa ng mga domestic worker na nagkaanak sanhi ng paggahasa sa kanila. Isang domestic worker na ginahasa ng kanyang amo at limang buwan nang buntis ay sumubok na maghapag ng kaso sa pulisya, pero "tumanggi silang i-rehistro ang kaso at ipinadala siya sa [MOSA] shelter. [Para makapasok sa shelter] hindi nila isinulat na buntis ang manggagawa." [303]
Sa maraming kaso, hindi magawa ng mga domestic worker na ituloy ang kasong kriminal laban sa mapang-abusong amo o ahente dahil sa panggigipit ng mga awtoridad ng Saudi o kawalan ng ebidensiya. Sa tulong ng kanilang embahada, maaari silang makakuha ng out-of-court financial settlement, pero sa ibang kaso, umuuwi sila na walang anumang dala. Madalas na nakakatakas lang ang mga domestic worker sa bahay ng kanilang mga amo ilang araw o linggo matapos maganap ang insidente ng karahasan. Sa mga ganitong kaso, kailangan nilang mag-file ng police report bago sila pumailalim sa forensic exam para sa mga naiwang ebidensiya. [304] Lalong nakakatagal ang pangangailangang ito, laluna't kailangan nilang bumalik sa pulis na may jurisdiction sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Sabi ng isang opisyal mula sa isang labor-sending na bansa na humahawak ng mga ganitong kaso, "Isa sa mga problema ay hindi alam ng domestic worker kung saan siya nakatira. Animo'y isa siyang bilanggo. Hindi niya alam kung saan kami dadalhin." [305]
Para sa mga kasong umaabot sa paglilitis, maghihintay ang mga domestic worker ng buwan o taon bago matapos ang paglilitis. Karaniwang naghihintay sila sa mga punong-punong shelter sa kanilang mga embahada, hindi makapagtrabaho, hindi makalabas sa bakuran ng embahada, at may limitado o walang komunikasyon sa kanilang mga pamilya. Sa kabila ng mahabang paghihintay, puwedeng hindi pa rin pabor sa kanila ang magiging resulta, tulad ng sa kaso ni Haima G., na tinalakay sa seksyon sa trafficking ng ulat na ito. Sinabi ng isang abogado para sa embahada ng Indonesia na humigit-kumulang ay 60 porsiyento ng mga kaso ang nagre-resulta sa paghatol o conviction. [306]
Nakapanayam ng Human Rights Watch si Chamali W., isang domestic worker na Sri Lankan, na ginahasa ng anak ng kanyang amo. Sabi niya,
Sinuri nila ako at napatunayang ako ay ginahasa, pero hindi nabuntis. Simula noon hindi na ako nakapasok sa loob ng isang korte… Hindi na ako nakakuha ng impormasyon galing sa pulisya. Tinatanong ko sila tuwing dalawang buwan. Dito na ako nakalagi [sa shelter ng embahada] sa nakaraang anim na buwan. Umutang ako ng 50,000 rupee [sa Sri Lanka] na may interes. Walang trabaho ang asawa ko at may sakit ang tatay ko. Ang biyenan kong babae ang nag-aalaga ng aking anak. Hindi ako makauwi sa Sri Lanka dahil hindi pa tapos ang kaso ko… Wala akong kaalam-alam kung ano ang ginagawa nila, kung nakulong ang anak na lalaki ng amo ko. Kailangan ko nang umuwi at bayaran ang aking utang. Kung aalis ako ngayon, may magagawa pa akong paraan… Nasayang ang anim na buwan ko. [307]
Kung pumapabor sa domestic worker ang hatol matapos ang mahabang paglilitis, kailangan ding handa pa rin siyang maghintay kapag umapela ang nasentensiyahan. Sabi ng opisyal ng isang labor-sending na bansa na ilang taon nang nagtatrabaho sa Saudi Arabia, "Isa lang ang naaalala kong kaso ng panggagahasa sa Eastern Province na nahatulan ang nasasakdal [noong 2007]. Subalit inapela ang kasong ito. Hindi na nakapaghintay ang domestic worker, binitiwan niya ang kaso, at umuwi sa kanyang bansa. [308]
Ilang opisyal ng mga embahada ang nagrekomendang bigyan sila ng pahintulot na kumuha ng abogadong kakatawan sa migrant worker matapos ang paglilitis para makauwi na ito habang hinihintay ang pinal na hatol. "Kailangan pa niyang magtagal dito ng halos isang taon. Gugustuhin niyang umuwi kaya hindi mapaparusahan ang maysala. Alam ng mga taga-Saudi na kakampi nila ang oras." [309]
Dahil sa mahabang oras ng paghihintay at katangian ng sistema ng hustisya ng Saudi, maraming opisyal ng mga foreign mission at kanilang ligal na tagapayo ang naghahabol na lang ng pag-areglong pinansiyal (financial settlement) para sa mga inabusong domestic worker. [310] Pakiramdam kasi ng opisyal ng mga embahado na konti lang ang puwede nilang magawa dahil sa kahigpitan ng balangkas ng immigration, ang kawalan nila ng kapangyarihang magpatupad ng batas laban sa mga employer, at ang sariling kagustuhan ng domestic worker na makauwi kaagad. "Ano ang gusto niyang gawing hakbang, siya ang may kagustuhan nito, hindi ang embahada. Kung ayaw niyang magsampa ng kaso, umuwi na lang siya at tanggapin ang financial settlement. Pero siya ang nagdesisyon. Obligado kaming sabihin sa kanya ang mga naging karanasan namin tungkol dito. Ilang buwan itong tatagal, saan siya tutuloy – sa women's center, na hindi siya puwedeng lumabas o magtrabaho. Hindi sila makapagtrabaho pero kailangan pa ring suportahan ang kanilang mga pamilya." [311]
[245]Bilang kabahagi sa Convention on the Elimination of All forms of Discrimination Against Women, nagsagawa na ang Saudi Arabia ng mga partikular na obligasyon tungkol sa ligal at pang-polisiyang proteksyon ng karapatan ng mga kababaihan. Halimbawa, itinatakda ng Article 2 at Article 6 na "Kinokondena ng mga Estadong kabahagi ang lahat ng porma ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan, pumapayag na ipatupad, gamit ang lahat ng paraang nababagay at walang pagkaantala, ang patakaran ng pagwawakas sa diskriminasyon sa mga kababaihan," at "Gagawin ng mga kabahaging Estado ang lahat ng hakbang, kasama ang pagbuo ng mga batas, upang supilin ang lahat ng uri ng trafficking ng mga kababaihan…"
[246] Panayam ng Human Rights Watch sa mga opisyal ng embahada mula sa mga labor sending na bansa, Riyadh, Marso 11 at 12, at sa isang health professional na nagtatrabaho sa mga pamilyang Saudi, Riyadh, Marso 13, 2008.
[247] Panayam ng Human Rights Watch kay Adel Farahat, international cooperation advisor, Ministry of Social Affairs, Riyadh, Marso 9, 2008.
[248] Panayam ng Human Rights Watch kay Fawzi Al-Dahan, general manager, Manpower Planning Department, Ministry of Labor, Riyadh, Marso 9, 2008.
[249] Panayam ng Human Rights Watch kina Abdullah Jazi al-Jad, manager, Ministry of Social Affairs center for domestic workers, Riyadh, Disyembre 6, 2006, at Adel Farahat, Marso 9, 2008.
[250] Bagaman matatagpuan sa Riyadh ang ganitong processing center, hindi pinalad ang Human Rights Watch na kompirmahin ang laki at lugar ng ibang center sa buong bansa. Iba-iba ang naging sagot ng mga opisyal ng Ministry of Social Affairs, Ministry of Labor, at labor-sending na mga bansa, mula sa: isa sa Riyadh hanggang sa ilan pang mas maliliit na center sa Dammam, al-Ahsa, at Buraida.
[251] Panayam ng Human Rights Watch kay Nur A., domestic worker na Indonesian, Riyadh, Disyembre 7, 2006.
[252] Panayam ng Human Rights Watch kay Gina R., domestic worker na Pilipina, Riyadh, Disyembre 7, 2006.
[253] Panayam ng Human Rights Watch kay P., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Disyembre 3, 2006.
[254] Panayam ng Human Rights Watch kay Fawzi Al-Dahan, Marso 10, 2008.
[255] Panayam ng Human Rights Watch kay O., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 11, 2008..
[256] Ibid.
[257] Panayam ng Human Rights Watch kay Abdullah Jazi Al-Jad, Disyembre 6, 2006.
[258] Ang pagitan ng dalawang linggo hanggang walong buwan ay mula sa panayam ng Human Rights Watch sa mga domestic worker at opisyal ng mga labor-sending na bansa. Ayon sa director ng MOSA center, karamihan umano sa mga kaso ay naaayos sa loob ng dalawang linggo. Pero sinabi naman ng minister of social affairs sa Human Rights Watch,. "Karaniwang tumatagal sa aming mga institusyon ang isang tumakas mula tatlo hanggang apat na buwan." Panayam ng Human Rights Watch kay Dr. Abd al-Muhsin al-`Akkas, minister of social affairs, Riyadh, Disyembre 2, 2006.
[259]Panayam ng Human Rights Watch sa isang opisyal ng embahada ng Sri Lanka na ayaw magpakilala, Riyadh, Marso 2008..
[260]Panayam ng Human Rights Watch kay M., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 10, 2008.
[261]Panayam ng Human Rights Watch sa isang grupo ng mga domestic worker, MOSA center, Riyadh, Disyembre 6, 2006.
[262]Panayam ng Human Rights Watch kay J., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Disyembre 13, 2006.
[263]Panayam ng Human Rights Watch kay Thanuja W., domestic worker na Sri Lankan, MOSA center, Riyadh, Disyembre 6, 2006.
[264] Panayam ng Human Rights Watch kay Nur A., domestic worker na Indonesian, Riyadh, Disyembre 7, 2006.
[265] Panayam ng Human Rights Watch sa grupo ng mga domestic worker, MOSA center, Riyadh, Disyembre 6, 2006.
[266] Panayam ng Human Rights Watch kay J., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Disyembre 13, 2006.
[267] Panayam ng Human Rights Watch kay Sepalika S., umuwing domestic worker na Sri Lankan, Katunayake, Sri Lanka, Nobyembre 9, 2006..
[268] Panayam ng Human Rights Watch kay M., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 10, 2008.
[269] Panayam ng Human Rights Watch kay Indrani P., domestic worker na Sri Lankan, Riyadh, Disyembre 15, 2006.
[270] The Law of Procedure before Shari'ah Courts, Royal Decree No. M/21, 20 Jumada 1 1421 [19 August 2000], Umm al-Qura No. 3811 – 17, Jumada II 1421 [15 September 2000], part 2, art. 199c.
[271] Panayam ng Human Rights Watch kay Sari L., domestic worker na Indonesian, MOSA center, Riyadh, Disyembre 6, 2006.
[272] Panayam ng Human Rights Watch kay Adel Farahat, international cooperation advisor, Ministry of Social Affairs, Riyadh, Marso 9, 2008.
[273] Panayam ng Human Rights Watch kay Fawzi Al-Dahan, Marso 10, 2008.
[274] Decree, Ministry of Labour No. 738/1 dated 16/5/1425h. Panayam ng Human Rights Watch kay Mohamed Rashid Al-Suleiman, director for Expatriate Workers' Care Department, Ministry of Labor, Riyadh, Disyembre 13, 2006: "May mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Ministry of Social Affairs at Ministry of Labor. Kapag ang isang amo ay hindi magbigay ng sahod sa kanyang katulong, sinusulatan nila kami at inilalagay sa blacklist ang amo."
[275] Panayam ng Human Rights Watch kina Dr. Ghazi al-Qusaibi, minister of labor, Riyadh, Disyembre 3, 2006, at Fawzi Al-Dahan, Marso 10, 2008.
[276] Mohammed Rasooldeen, "Salman Helps Maid Who Was Not Paid for 13 Years Go Home," Arab News, Nobyemre 4, 2007.
[277] Mohammed Rasooldeen, "Sponsor Pays Maid Nine Years' Back Wages," Arab News, Enero 1, 2008.
[278] Mohammed Rasooldeen, "Sri Lankan Maid Heads Home After 10 Miserable Years," Arab News, Enero 9, 2008.
[279] Isang opisyal ng Ministry of Labour ang nagsabing dinadala "minsan" ng amo ang domestic worker sa passport office upang patotohanan nito na natanggap niya ang kanyang buong sahod. Panayam ng Human Rights Watch kay Fawzi Al-Dahan, Marso 10, 2008.
[280] Panayam ng Human Rights Watch J., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 10, 2008..
[281] Panayam ng Human Rights Watch kay Dr. Ghazi al-Qusaibi, Disyembre 3, 2006: "Problema ito minsan. Takot silang magsabi na hindi sila pinapasahod."
[282] "Saudi Arabia: New Video Confirms Torture in Prison," news release ng Human Rights Watch, Abril 27, 2007, http://hrw.org/english/docs/2007/04/27/saudia15774.htm.
[283] Siraj Wahab, "Indian Overstayers Clog Deportation System," Arab News, Hunyo 6, 2007, http://arabnews.com/?page=1§ion=0&article=97133&d=6&m=6&y=2007.
[284] Panayam ng Human Rights Watch kina Marisa G., domestic worker na Pilipina, Jeddah, December 8, 2006, at kay F/. opisyal ng konsulado ng isang labor-sending na bansa, Jeddah, Disyembre 10, 2006. Tingnan dinang Joe Avanceña, "'Backdoor exit,'" The Saudi Gazette, Disyembre 1, 2006.
[285] Panayam ng Human Rights Watch kay E., opisyal ng konsulado ng isang labor-sending na bansa, Jeddah, Disyembre 9, 2006.
[286] Panayam ng Human Rights Watch kay Adelina Y., domestic worker na Pilipina, Jeddah, Disyembre 9, 2006.
[287] Panayam ng Human Rights Watch kay Sandra C., domestic worker na Pilipina, Jeddah, Disyembre 9, 2006. .
[288] Panayam ng Human Rights Watch kay Marilou R., domestic worker na Pilipina, Jeddah, Disyembre 10, 2006.
[289] Panayam ng Human Rights Watch kay B., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 8, 2008.
[290] Panayam ng Human Rights Watch K, opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Disyembre 14, 2006.
[291] Panayam ng Human Rights Watch kay L, opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 8, 2008..
[292] Panayam ng Human Rights Watch sa isang opisayal ng embahada ng Sri Lanka na ayaw magpakilala, at pag-repaso ng mga medical record, Riyadh, Disyembre 2006.
[293] Panayam ng Human Rights Watch sa isang opisyal ng embahada ng Indonesiea na ayaw magpakilala, Riyadh, Marso 2008.
[294] Panayam ng Human Rights Watch kay D, opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Disyembre 4, 2006..
[295] Itinatakda ng Article 4 ( 1) ng Forced Labour Convention, na pinapatupad sa Saudi Arabia simula noong 1978 na, "Hindi ipapataw o papayagan ng awtoridad ang pagpataw ng puwersahan o sapilitang pagtatrabaho para sa kapakinabangan ng mga pribadong indibidwal, kumpanya, o asosasyon." Itinatakda ng Article 1 of the Supplementary Convention on the Abolition of Slavery, the Slave Trade, and Institutions and Practices Similar to Slavery, na pinapatupad sa Saudi Arabia simula noong 1973 na, "Bawat Estadong kabahagi ng Convention ay gagawa ng lahat nitong magagawa at kinakailangang batas at ibang hakbangin upang bigyang daan… sa pinakamabilis na panahon ang tuluyang pagbuwag o pagtalikod sa mga sumusunod na institusyon at gawi… pagkatali sa pagkakautang… pagkaalipin." SaSiliadin, sinabi ng European Court of Human Rights na ang pagkabigo ng France na siguruhing ang pagkaalipin at pagkabusabos ay maiuri bilang paglabag sa French criminal law, ay paglabag sa kanilang tiyak na obligasyon na siguraduhin ipagbabawal ang dalawang gawi. Hinihingi ng Article 4 of the UN Convention Against Torture na "Dapat siguruhin ng bawat Estado na lahat ng uri ng torture ay ituring na paglabag sa kanyang criminal law," at itinatakda ng article 16 na "bawat Estado ay magtatangka na pigilan sa anumang lugar na nasa ilalim ng kanyang pamamahala ang ibang gawi ng malupit, hindi-makatao o nakakababang trato o parusa…"
[296] Panayam ng Human Rights Watch kay M, opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Marso 10, 2008.
[297] Panayam ng Human Rights Watch kay Ponnamma S., domestic worker na Sri Lankan, Riyadh, Disyembre 14, 2006.
[298] Panayam ng Human Rights Watch kay Sri H., domestic worker na Indonesian, Riyadh, Disyembre 5, 2006.
[299] Panayam ng Human Rights Watch kay Dian W., domestic worker na Indonesian, Riyadh, Marso 11, 2008.
[300] Panayam ng Human Rights Watch kay Chemmani R., umuwing domestic worker, Habaraduwa, Sri Lanka, Nobyermbre 14, 2006.
[301] Ibid.
[302] Panayam ng Human Rights Watch kay B., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Disyembre 3, 2006.
[303] Panayam ng Human Rights Watch kay J., opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 10, 2008.
[304] Panayam ng Human Rights Watch sa isang duktor sa isang public hospital, Riyadh, Marso 13, 2008, at kay L, opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 8, 2008.
[305] Panayam ng Human Rights Watch kay P, opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Disyembre 3, 2006.
[306] Panayam ng Human Rights Watch kay Nasser Al-Dandani, abogado, Riyadh, Disyembre 4, 2006.
[307] Panayam ng Human Rights Watch kay Chamali W., domestic worker na Sri Lankan, Riyadh, Disyembre 14, 2006.
[308] Panayam ng Human Rights Watch kay B, opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 8, 2008.
[309] Panayam ng Human Rights Watch kay L, opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 8, 2008..
[310] Panayam ng Human Rights Watch sa mga opisyal ng embahada ng mga labor-sending na bansa, Riyadh, Marso 10 at 11, 2008.
[311] Panayam ng Human Rights Watch kay B, opisyal ng embahada ng isang labor-sending na bansa, Riyadh, Disyembre 3, 2006.






